Sto. Rosario Chapel in Bulihan Dulo, Plaridel, Bulacan

Sto. Rosario Chapel in Bulihan Dulo, Plaridel, Bulacan Butong-bukal ng Pag-asa, Reyna ng Awaโ€”Pintakasing Parangalan. Patron ng Barrio Bulihan Dulo

๐๐„๐๐“๐„๐‚๐Ž๐’๐“ ๐’๐”๐๐ƒ๐€๐˜ โ€” ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡ ๐Ž๐… ๐Ž๐๐„, ๐‡๐Ž๐‹๐˜, ๐‚๐€๐“๐‡๐Ž๐‹๐ˆ๐‚, ๐€๐๐ƒ ๐€๐๐Ž๐’๐“๐Ž๐‹๐ˆ๐‚ ๐‚๐‡๐”๐‘๐‚๐‡!Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Pentecost...
24/05/2026

๐๐„๐๐“๐„๐‚๐Ž๐’๐“ ๐’๐”๐๐ƒ๐€๐˜ โ€” ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡ ๐Ž๐… ๐Ž๐๐„, ๐‡๐Ž๐‹๐˜, ๐‚๐€๐“๐‡๐Ž๐‹๐ˆ๐‚, ๐€๐๐ƒ ๐€๐๐Ž๐’๐“๐Ž๐‹๐ˆ๐‚ ๐‚๐‡๐”๐‘๐‚๐‡!

Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang Pentecostesโ€”ang hiningang banal na nagpabuhay sa Simbahang nalikha sa pagitan ng takot at pag-asa. Mula sa silid sa itaas, bumuhos ang Espiritu Santo, hindi upang magpaiwan sa katahimikan, kundi upang magpatingkad ng dila, magpalaya ng salita, at magbuklod ng mga bansang nagkawatak-watak sa Babel.

Ito ang kapanganakan ng Una, Banal, Katolika, at Apostolikang Simbahanโ€”hindi itinayo sa bato ng tao, kundi sa apoy ng Diyos na dumadalisay at hindi tumutupok.

Nawaโ€™y mag-alab muli sa atin ang parehong apoy; tapang upang magpatotoo, kababaang-loob upang makinig, at pag-ibig upang magkaisa sa kabila ng pagkakaiba.
Veni, Sancte Spiritus. Halika, Espiritu Santo, panibaguhin Mo ang mukha ng lupa.




๐‡๐€๐‹๐ˆ๐Œ๐”๐˜๐€๐Š ๐๐† ๐๐€๐†-๐ˆ๐๐ˆ๐† ๐Œ๐Ž.Narito ang mga kuhang larawan sa pag-aalay ng Banal na Misa sa mga Ina. Ngayong ika-9 ng Mayo, ...
10/05/2026

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐Œ๐”๐˜๐€๐Š ๐๐† ๐๐€๐†-๐ˆ๐๐ˆ๐† ๐Œ๐Ž.

Narito ang mga kuhang larawan sa pag-aalay ng Banal na Misa sa mga Ina. Ngayong ika-9 ng Mayo, sa ganap na ika-8 ng gabi.

Natapos nang may Kabanalan at pagpupugay ang Banal na Misa para sa Araw ng mga Ina.

Sa dambana ng ating munting kapilya, itinanghal ang hindi masukat na pag-ibig ng mga Inaโ€”ang nag-aruga sa laman at ang Inang Maria na nagkandili sa kaluluwa.

Ang bawat panalangin na aming inusal, at mga taimtim na pasasalamat, ang lahat ng ito ay iniaalay sa dalawang Ina, Inang nagsilang sa lupa at Inang nag silang sa atin sa Kabanalan.

๐Ÿ“ท: Tampok na kuhang larawan, at disenyo ng litrato mula sa Pang-Kapilyang Komisiyon ng Kabataan at sa Komunikasiyong Panlipunan.






๐’๐ˆ๐Œ๐๐€-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ | ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ“ โ€” ๐”๐๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐Masdan | Narito ang ilang kuhang larawan ng ika-5 na araw ng Simba-Ar...
09/05/2026

๐’๐ˆ๐Œ๐๐€-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ | ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ“ โ€” ๐”๐๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐’๐ˆ๐Œ๐๐€-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐

Masdan | Narito ang ilang kuhang larawan ng ika-5 na araw ng Simba-Aralan, Mayo 8, 2026.

Sa pamamagitan at gabay ng SPPC, P***a, Young Catechist at mga magulang, matagumpay at masayang nairaos ang unang Linggo ng Simba-Aralan. Nawa ay muling hipuin ng Panginoon ang mga bata nang sa gayon ay manabik ang kanilang puso sa pananampalataya.

Maraming salamat po sa lahat!





๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐ˆ๐๐€ | ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐๐”๐’๐Ž; ๐ˆ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐†-๐ˆ๐๐ˆ๐†.Sa araw ng mga Ina, iniaalay namin ang aming mga panalangin sa bawat In...
09/05/2026

๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐ˆ๐๐€ | ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐๐”๐’๐Ž; ๐ˆ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐†-๐ˆ๐๐ˆ๐†.

Sa araw ng mga Ina, iniaalay namin ang aming mga panalangin sa bawat Inang nag-aruga, at naging ilaw ng bawat pamilya rito sa lupa, at sa Inang Maria na kumalinga sa atin mula sa langit.

Ang bawat haplos at gabay ng mga Ina, naroroon ang Pagmamahal at Pag-aaruga.

Kaya sa araw na ito, ini-aakyat namin ang korona ng pasasalamat sa dalawang trono ng Pag-ibigโ€”sa Inang nag silang sa atin sa lupa, at sa Inang nag silang sa atin sa kabanalan.

Isang malalim na pag-ibig para sa mga Ina!

๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐˜ฝ๐™ž๐™ง๐™๐™š๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™ฉ๐™ค. ๐™๐™ค๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ค, ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ ๐™–๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™๐™š๐™ฎ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ก๐™ฎ๐™–, ๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™– ๐™ˆ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™„๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™–๐™  ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฃ๐™–.





๐’๐ˆ๐Œ๐๐€-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”MASDAN | Narito ang ilang kuhang larawan ng Unang Araw ng Simba-Aralan sa ating Bisita.Isang matagumpay...
05/05/2026

๐’๐ˆ๐Œ๐๐€-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

MASDAN | Narito ang ilang kuhang larawan ng Unang Araw ng Simba-Aralan sa ating Bisita.

Isang matagumpay na panimula!

Nuong ika-4 ng Mayo, nasimulan ang proyekto na ito sa pangunguna ng SPPC Dulo, P***a, at mga Kabataang G**o.

Sa pamamagitan ng mga kabataang hinubog sa kaalaman ng pagtuturo, binigyang kaalaman sa pananampalataya ang mga batang anghel ng simbahan. Maraming salamat po sa mga naki-isa!




15/12/2025
30/11/2025

Address

Bulihan Dulo
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Rosario Chapel in Bulihan Dulo, Plaridel, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share