24/02/2026
LENTFLECTION | 5th day "Sa Iyong mga Yapak
Ang "Ama Namin" ay isa sa Pinaka popular na Panalangin na ginagamit ng mga kristiano sa bansa, ngaunit kapag Dinadalangin ba natin ito ay isinasapuso natin? Binigyang Diin ng Panginoon ang mga huling talata "At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin." sa aminin man natin o hindi, ito ay isang malaking pagsubok saatin, ang magpatawad ng kasalanan ng iba. itinturo ng Panginoon ang Pag papatawad, sapagkat ito ay bunga ng Pag-ibig natin sa ating kapwa, at ang pag papatawad ay isading kapahingahan ng ating espiritual at pisikal na pamumuhay, sapagkat kung tayo ay mabubuhay sa Galit at p**t, mawawalan lamang ng saysay ay ating buhay sa Mundo. pero doon lang ba natatapos ang Lahat? Matuto din tayo na Humingi ng Tawad, matuto tayong Suriin ang ating Pagkakamali, huwag magmataas, huwag iparating na dapat lagi kang tama, maging mapagkumbaba at aminin at tanggapin ang pagkakamali, at matuto sa bagay na iyon. “....kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng inyong Ama.”
HAMON: Magpatawad, at Matutong Humingi ng tawad