San Cleopas de Emmaus -Taliptip

San Cleopas de Emmaus -Taliptip Sino nga ba si San Cleopas? Atin Siyang kilala in sa pamamagitan ng pahinang ito. Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Hindi lamang iyan.

Lucas 24: 13-35

Nang Linggo ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Hesus at nakisabay sa kanila. Siya’y nakita nila, ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Hesus, “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na

ang ngala’y Cleopas, “Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon.” “Anong mga bagay?” tanong niya. At sumagot sila, “Tungkol kay Hesus na taga-Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya ay ipinako sa krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay. Nagbalik sila at ang sabi’y nakakita raw sila ng isang pangitain – mga anghel na nagsabing buhay si Hesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si Hesus.”

Sinabi sa kanila ni Hesus, “Kay hahangal ninyo! Ano’t hindi ninyo mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba’t ang Mesiyas ay kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang marangal na katayuan?” At ipinaliwanag sa kanila ni Hesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta. Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Hesus ay waring magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya’y pinakapigil-pigil nila, “Tumuloy na po kayo rito sa amin,” anila, “sapagkat palubog na ang araw at dumidilim na.” Kaya’t sumama nga siya sa kanila. Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayun ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”

Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.

24/05/2026

LIVE: BANAL NA MISA | 6:00 PM | Mayo 24, 2026
LINGGO NG PENTEKOSTES
Ikatlong Araw ng Misa Novenario sa karangalan ng Virgen de las Flores

Punong Tagapagdiwang:
Reb. P. Wilfredo A. Lucas
Kura Paroko

24/05/2026

𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐌𝐢𝐬𝐚 |

𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝘁𝗲𝗸𝗼𝘀𝘁𝗲𝘀 (𝗔)

𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮:
Mga Gawa 2, 1-11

𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗴𝘂𝗻𝗮𝗻:
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin
𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮n𝗴 𝗣��𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮:
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13

𝗠𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮:
Juan 20, 19-23


24/05/2026

𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐌𝐢𝐬𝐚 | 𝟎𝟒:𝟎𝟎 𝐧.𝐡.

𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗲𝗻𝘁𝗲𝗸𝗼𝘀𝘁𝗲𝘀 (𝗔)

𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮:
Mga Gawa 2, 1-11

𝗦𝗮𝗹𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗴𝘂𝗻𝗮𝗻:
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin
𝗜𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮��𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮:
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13

𝗠𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮:
Juan 20, 19-23


24/05/2026

LIVE: BANAL NA MISA | 9:00 AM | Mayo 24, 2026
LINGGO NG PENTEKOSTES

Punong Tagapagdiwang:
Reb. P. Wilfredo A. Lucas
Kura Paroko

24/05/2026

[𝐋𝐈𝐕𝐄] 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐇𝐨𝐥𝐲 𝐄𝐮𝐜𝐡𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭
𝐏𝐄𝐍𝐓𝐄𝐂𝐎𝐒𝐓 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘
𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟖:𝟑𝟎 𝐚𝐦


24/05/2026

LIVE: Banal na Misa mula sa Sta. Ursula Parish, Binangonan para sa Linggo ng Pentekostes

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pd. Niel Vincent M. Tacbas

LIVE simulcast via Radyo Ursulino
https://zeno.fm/radio/ursulinemedia/

Download 'Zeno Radio' on Google Play Store or Apple App Store and search for 'Radyo Ursulino'




23/05/2026

Linggo ng Pentekostes
Ika-24 ng Mayo 2026

8:00am Live Banal na Misa mula sa Obando Church Pambansang Dambana ng Nuestra Señora de la Immaculada Concepcion de Salambao at Parokya ni San Pascual Baylon Pag-asa, Obando, Bulacan
------------------------------------------------
OBANDO CHURCH SOCIAL MEDIA
Facebook: www.facebook.com/obandochurch1754 Instagram: www.instagram.com/obandochurch
YouTube: www.youtube.com/c/ObandoChurch
TikTok: www.tiktok.com/
---------------------------------------------
Para sa inyong mga pamisa, ipadala sa: https://forms.gle/jsbKgkF6ptKxUNqH8
Para sa inyong love offering, pakidala sa BDO Account
005828012125 RCBMI San Pascual Baylon Parish
Para sa inyong patotoo ng mga tinugon na panalangin, ibahagi ninyo ang inyong kwento sa aming Parish Office: (02) 8361 8045, 0915 490 6099, [email protected], o sa aming mga social media accounts.
------------------------------------------------

23/05/2026

Linggo ng Pentekostes (A)

Mga Gawa 2, 1-11
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34

Espiritu mo’y suguin,
P**n, tana’y ‘yong baguhin.

1 Corinto 12, 3b-7. 12-13
Juan 20, 19-23

23/05/2026

LIVE: HOLY MASS | 6PM | Mayo 23, 2026
PAGDIRIWANG NG SANTACRUZAN 2026
Linggo ng Pentekostes

Address

Bulacan
3017

Telephone

09420179247

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Cleopas de Emmaus -Taliptip posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Cleopas de Emmaus -Taliptip:

Share