03/09/2021
‼️MAHALAGA ITO, HUWAG MO SANANG BALIWALAIN‼️
HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin tapos ang paghahanap ng solusyon kung paano malulunasan ang Pandemya dulot ng COVID 19. ANG BUONG MUNDO ay abala sa pagtuklas ng ibat ibang pamamaraan upang makapag salba ng buhay o makaiwas sa sakit at karamdaman.
Mahalaga ang buhay kaya natin ito iniingatan kaya nais nating manatiling ligtas at walang karamdaman.
Ngunit sa isang banda ang katotohanan ay kahit anong ingat natin sa ating buhay darating pa din tayo sa punto ng KAMATAYAN.
Napaghandaan mo na din ba ito, tulad ng paghahanda mo upang hindi magkaroon ng nakamamatay na karamdaman?
ANG MALAKING TANONG KAIBIGAN:
Kapag dumating sayo ang kamatayan mamaya o bukas man 100% na sigurado ka na ba na sa langit ang iyong patutunguhan??
Nasumpungan mo na ba ang daan ng KALIGTASAN??
---------------------------------------------------------
SIGURADO ang kapahamakan dahil tayo ay makasalanan.
"Walang sinomang matuwid, wala kahit isa"
-Roma 3:10
"Ngunit ang mga natatakot at ang hindi sumasampalataya, ang mga kinamumuhian ng Diyos, mga mamamatay tao, mga mapakiapid, mga manggagaway, mga sumasamba sa diyos-diyosan at lahat ng mga sinungaling, ang bahagi nila ay sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre. Ito ang ikalawang kamatayan."
-Pahayag 21:8
ANONG KAYANG GAWIN NG TAO para makaiwas sa HATOL NG DIYOS?
WALA!! Dahil lahat tayo ay nagkasala.
MABUTI NALANG hindi na natin kinakailangan maghanap pa ng ibang daan o gumawa ng sariling daan at pamamaraan.
Sapagkat sinabi ni HESUS.
AKO ANG DAAN, ANG KATOTOHANAN AT ANG BUHAY. Walang sinumang makapupunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko.
-JUAN 14:6
Ano mang bagay liban kay Hesu Kristo ay kasinungalingan at kapahamakan.
Hindi ang ang relihiyon, hindi ang mabuting gawa, hindi kung sino mang tao o bagay na nilikha kundi si HESUS lamang.
SIGURADO ang hatol at kapahamakan, ngunit si Hesu Kristo ay may dalang SIGURADONG KALIGTASAN.
Ang kailangan nating gawin ay:
MAGSISI at MANAMPALATAYA.
"Hindi Niya nais na ang sinuman ay mapahamak kundi ang lahat ay MAGSISI"
-2 Pedro 3:9
"Ang mga panahon ng di pagkaalam ay hindi na nga pinansin ng Diyos. Ngunit ngayon ay iniuutos Niya sa lahat ng mga tao sa bawat dako na MAGSISI"
"Ito ay sapagkat sa ganitong paraang INIBIG ng Diyos ang sanlibutan kaya IPINAGKALOOB Niya ang kanyang BUGTONG NA ANAK upang ang SINUMANG SUMAMPALATAYA SA KANYA ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan" -Juan 3:16
"Siya na SUMASAMPALATAYA sa kanya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya na nahatulan na sapagkat Siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos." -Juan 3:18
"Siya na SUMASAMPALATAYA sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay. Subalit ang galit ng Diyos ay mananatili sa kanya." -Juan 3:36
HABANG HINDI PA HULI ANG LAHAT - MAGSISI AT MANAMPALATAYA KA NA.
dahil walang sinuman o anomang daan tungo sa kaligtasan kundi ang Panginoong Hesu Kristo lamang.