Capilla de Sta. Cruz - Malumot, Paombong, Bulacan

Capilla de Sta. Cruz - Malumot, Paombong, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Capilla de Sta. Cruz - Malumot, Paombong, Bulacan, Religious organisation, Bulacan.

07/11/2025

Live | Vicarial Altar Servers Day 2025

Sabado • Nobyembre 8, 2025












Parokya ni Santiago ApostolCapilla de Santa CruzPaombong, BulacanM A Y O  0 1  2 0 2 2Maraming Salamat Po InyoMr. Rufino...
01/05/2022

Parokya ni Santiago Apostol
Capilla de Santa Cruz
Paombong, Bulacan

M A Y O 0 1 2 0 2 2
Maraming Salamat Po Inyo
Mr. Rufino Milagroso at ang Kanyang Familia
Former Hermano Mayor 2019-2022

Ang ating Bagong Hermano Mayor 2022-2023 sa Taon ito ay si
Mr. Narciso ong at Kanyang Familia

Maraming Salamat po Sa mga Gumanap sa ating Kapistahan Salamat po!!!




Parokya ni Santiago ApostolCapilla de Santa CruzPaombong, BulacanIka-1 ng mayo 2022Kapistahan ng Santa CruzAng Banal na ...
01/05/2022

Parokya ni Santiago Apostol
Capilla de Santa Cruz
Paombong, Bulacan

Ika-1 ng mayo 2022
Kapistahan ng Santa Cruz

Ang Banal na Misa sa Hapon Ay pinangunahan ni Rev. Fr Peter Paul Teodosio FHS

at sinundan ito ng Palitan ng Hermano at Pagkatapos ay sinunod ang Solemne Prusisyon sa Mahal na Santa Cruz de malumot

Maligayang Kapistahan mahal na Patron Santa Cruz
Viva Santa Cruz




Parokya ni Santiago ApostolCapilla de Santa CruzPaombong, BulacanIka-1 ng mayo 2022Kapistahan ng Santa CruzAng Banal na ...
01/05/2022

Parokya ni Santiago Apostol
Capilla de Santa Cruz
Paombong, Bulacan

Ika-1 ng mayo 2022
Kapistahan ng Santa Cruz

Ang Banal na Misa sa umaga ay pinangunahan Ni Rev. Fr Anacleto Ignacio Kura Paroko

At sinundan ng Banal na Prusisyon

Happy Fiesta Santa Cruz
Viva Santa Cruz




Parokya ni Santiago ApostolCapilla de Sta. CruzPaombong, BulacanMaligayang Kapistahan Mahal na P**ng Santa Cruz Hermano ...
30/04/2022

Parokya ni Santiago Apostol
Capilla de Sta. Cruz
Paombong, Bulacan

Maligayang Kapistahan Mahal na P**ng Santa Cruz

Hermano Mayor 2022
Mr Rufino Milagroso at kanyang Familia

Pagbatid sa mga:
Sppc Malumot - Sis. Erlie Conception
Spcy Malumot - Bro. Teodore Espique
Samahan ng Katandaan - Sis. Brenda Millete
Samahan ng Kabataan - Bro. Armando Sulit
Sanggunian Barangay ng malumot - Bro. Pablo Lopez

At Ating sundin palagi ang mga health protocol na magsuot ng facemask at social Distancing sa Pagsisimba at sa mga sasama sa prusisyon

Maraming Salamat po
Viva Santa Cruz

Ika-siyam na misa Novenario/Triduo para sa Kapistahan ng Mahal na Santa CruzAng Banal na Misa ay Pinangunahan ni Rev. fr...
30/04/2022

Ika-siyam na misa Novenario/Triduo para sa Kapistahan ng Mahal na Santa Cruz

Ang Banal na Misa ay Pinangunahan ni Rev. fr Peter Paul Teodosio FHS




Gayak sa Altar para sa Pagdiriwang ng Kapistahan ng Santa Cruz MalumotPasasalamat sa Hermano Mayor Na siMr. Rufino Milag...
30/04/2022

Gayak sa Altar para sa Pagdiriwang ng Kapistahan ng Santa Cruz Malumot

Pasasalamat sa Hermano Mayor Na si
Mr. Rufino Milagroso at Familia para sa Gayak ng ating Mahal na Capilla




Parokya ni Santiago ApostolCapilla de Sta. CruzPaombong, BulacanKapistahan ng Sta. Cruz Ika-1 ng Mayo, 2022Oras ng Banal...
30/04/2022

Parokya ni Santiago Apostol
Capilla de Sta. Cruz
Paombong, Bulacan

Kapistahan ng Sta. Cruz

Ika-1 ng Mayo, 2022
Oras ng Banal na Misa:

9:00am Misa Mayor
Sa Pangunguna ni Rev. Fr Danilo Sta Maria
Katuwang na Pari

5:00pm Misa Pasasalamat
Sa Pangunguna ni Rev. Fr Danilo Sta Maria
Katuwang na Pari

Magkakaroon ng Prusisyon pagkatapos ng Banal na Misa

At Ating sundin palagi ang mga health protocol na magsuot ng facemask at social Distancing

Maraming Salamat po
Viva Santa Cruz

Linggo ng Pagpapasakit | Domingo de RamosLinggo ng PalaspasAng Linggo ng Palaspas ay ang ikaanim at Huling Linggo ng Kuw...
09/04/2022

Linggo ng Pagpapasakit | Domingo de Ramos

Linggo ng Palaspas

Ang Linggo ng Palaspas ay ang ikaanim at Huling Linggo ng Kuwaresma at ang simula ng Semana Santa. Ang Linggo ng Palaspas ay ipinagdiriwang bilang pag-alala sa matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sakay ng isang a**o bilang Prinsipe ng Kapayapaan. Ang pangyayaring ito ay binanggit sa lahat ng apat na Ebanghelyo (Mateo 21:1-11, Marcos 11:1-11, Lucas 19:28-44 at Juan 12:12-19).

Ang Linggo ng Palaspas ay ang katuparan ng propesiya ni Propeta Zacarias'Magalak nang lubos, O anak na babae ng Sion! Sumigaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem. Narito, ang iyong Hari ay dumarating sa iyo. Siya ay makatarungan at may kaligtasan, Mapagpakumbaba at nakasakay sa isang a**o, Isang batang a**o, anak ng isang a**o' (Zacarias 9:9).

Si Jesus sa panahon ng kanyang ministeryo ay nais na gawin ito nang palihim at hiniling sa Kanyang mga apostol na huwag ibunyag sa iba na Siya ang Mesiyas. Sinabi pa niya sa mga taong binigyan niya ng mahimalang pagpapagaling na huwag sabihin iyon sa iba. Ngunit mula sa araw na ito ay nais Niyang ilantad ang Kanyang sarili bilang ang hari ng kapayapaan. Hindi Niya pinigilan ang mga taong sumunod sa kanila na sumigaw ng 'Hosannah' (ibig sabihin ay 'Iligtas Kami Ngayon'). Tinanggap din niya ang paggalang na ibinigay ng mga tao, sa pamamagitan ng pagtakip sa landas ng kanyang paglalakbay gamit ang kanilang mga balabal at mga sanga ng palad, sa Kanya bilang isang Hari. Pumasok siya sa Templo ng Diyos at nilinis ito mula sa mga mangangalakal at nagpapalit ng barya at ipinahayag sa publiko na ang Templo ay Tahanan ng Kanyang Ama. Ito ang huling ngunit matagumpay na paglalakbay ni Hesus bago ang kanyang pagdurusa at kamatayan para sa mga kasalanan ng iba.

Imahe nasa Larawan: Ang Matagumpay na Pagpasok ni Hesus sa Jerusalem Sa Pangangalaga ng Pamilya Bernardo at Calayag

Ang Mga misa Sa Atin Parokya ay umaga ng
6:00am 7:00am 8:00am at 9:30am
at sa hapon naman po ay
4:00pm at 6:00pm




Isang po lamang na AnusyoSa darating na ika-21 ng Nobyembre ay ang Dakilang Kapistahan ng Paghahari ng ating Panginoon H...
15/11/2021

Isang po lamang na Anusyo

Sa darating na ika-21 ng Nobyembre ay ang Dakilang Kapistahan ng Paghahari ng ating Panginoon Hesuskristo sa Sanlibutan, at isa po ang ating Capilla na Hinirang na maging Himpilan para sa Paglagak ng Santissimo Sakramento at Bilang Pagkakaisa ang lahat po ay inaanyayahan na tayo ay pumunta sa Ating Capilla upang Masaksihan ang paglagak ng Santissimo Sakramento sa Altar ito po ay gaganapin sa Ika-2 Ng hapon (2:00pm) at inaaasahan namin ang Inyong Pagkakaisa at Pagpupugay sa Ating Dakilang Kristong Hari
Maraming Salamat po!!!

Viva Cristo Rey!
Viva Cristo Rey!
Viva Cristo Rey!





DALAW PATRON sa:Capilla de Santa Cruz•Sa darating po na Sabado, ika-9 ng Oktubre 2021, ay dadalaw po sa ating Capilla an...
07/10/2021

DALAW PATRON sa:Capilla de Santa Cruz

•Sa darating po na Sabado, ika-9 ng Oktubre 2021, ay dadalaw po sa ating Capilla ang "Mapaghimala at Mapagkalingang", Patron San Jose, buhat sa Capilla de San Jose, Paombong, Bulacan.

•At bilang pakikiisa, inaanyayahan po ang lahat ng Magsisimba sa ating Kapilya, na magsuot ng kulay dilaw na Damit, bilang pagpapakita ng kanilang Debosyon kay San Jose.

MARAMING SALAMAT PO!






Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng MariaUNANG PAGBASAPagbasa mula sa aklat ni propeta MikasIto ang sinasabi ng ...
07/09/2021

Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

UNANG PAGBASA

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Mikas

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
Betlehem Efrata, bagamat pinakamaliit ka sa mga angkan ni Juda ay sa iyo magmumula ang isang maghahari sa Israel. Ang pinagmula’y buhat pa nang una, mula pa noong unang panahon. Kaya nga, ang bayan ng Panginoon ay ibibigay niya sa kamay ng mga kaaway hanggang sa isilang ng babae ang sanggol na maghahari. Pagkatapos, babalik sa Israel ang nalabi sa bansang ito. Pagdating ng haring yaon, pamamahalaan niya ang Israel sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon na kanyang Diyos. At ang Israel ay mamumuhay na ligtas, sapagkat ang haring yaon ay kikilanin ng buong sanlibutan. Sa kanya magmumula ang kapayapaan natin.

Ang Salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos

o kaya:

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, alam nating sa lahat ng bagay ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayun, naging panganay natin siya. At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.

Ang Salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN

+Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Lubos akong nananalig sa pag-ibig mong matapat.
Nagagalak ang puso ko dahil sa ‘yong pagliligtas.

+Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Aawitan kita, P**n, aawitang buong galak,
dahilan sa kabutihang sa akin ay iginawad.

+Ang lubos kong kasiyahan
ay magalak sa Maykapal.

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Birheng Mahal,
ikaw ang inang nagsilang
sa araw ng katarungan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
+Papuri Sayo Panginoon

Ito ang lahi ni Hesukristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni Abraham.

Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni Haring David.

Naging anak ni David si Solomon sa dating asawa ni Urias. Si Solomon naman ang ama ni Roboam. Si Roboam ang ama ni Abias, at si Abias ang ama ni Asa. Si Asa ang ama ni Josafat, at si Josafat ang ama ni Joram na siya namang ama ni Ozias. Itong si Ozias ay ama ni Jotam na ama ni Acaz, at si Acaz ang ama ni Ezequias. Si Ezequias ang ama ni Manases, at si Manases ang ama ni Amos na ama naman ni Josias. Si Josias ang ama ni Jeconias at ang kanyang mga kapatid. Panahon noon ng pagkakatapon ng mga Israelita sa Babilonia.

Matapos ang pagkakatapon sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud na ama ni Eliaquim, at si Eliaquim ang ama ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadoc na ama ni Aquim; itong si Aquim ang ama ni Eliud. Si Eluid ang ama ni Eleazar; si Eleazar ang ama ni Matan na ama ni Jacob. At si Jacob ang ama ni Jose na asawa ni Maria. Si Maria naman ang ina ni Hesus na tinatawag na Kristo.

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo

o kaya: Maikling Pagbasa

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
+Papuri sa yo Panginoon

Ganito ang pagkapanganak kay Hesukristo. Si Maria ang kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Isang taong matuwid itong si Jose na kanyang magiging asawa, ngunit ayaw niyang mapahiya si Maria, kaya ipinasiya niyang hiwalayan ito nang lihim. Samantalang iniisip ni Jose ito, napakita sa kanyang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyang pakasalan si Maria, sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Manganganak siya ng isang lalaki at ito’y pangangalanan mong Hesus, sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta:

“Maglilihi ang isang dalaga’t manganganak ng isang lalaki. At tatawagin itong Emmanuel.” Ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
+Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria

Sa pagsilang ng Mahal na Birhen, nakikita natin na dumating na sa huling yugto ang plano ng Ama para sa kaligtasan ng mundo. Habang siya ay nasa ating tabi, manalangin tayo sa Diyos na lumalang sa kanya na “lubos na pinagpala.”

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

o kaya

Sa pamamagitan ni Maria, pagpalain mo kami, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y walang takot na ipahayag ang Ebanghelyo na ipinagkatiwala sa kanya ng Anak ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang pananampalataya nawa’y lumapit sa Panginoon na Nagkatawang-tao upang iligtas ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga ina nawa’y ibigay natin ang nararapat na pagmamahal at paggalang na kailangan nila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ng mga panalangin ni Maria, nawa’y maibalik sa kawan ang mga tumalikod sa pagtupad ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin si Jesus sa Eukaristiya bilang Diyos na kapiling natin, manalangin tayo sa Panginoon

Address

Bulacan
3001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Capilla de Sta. Cruz - Malumot, Paombong, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share