19/08/2026
PABATID AT ANUNSYO
Ipinagbibigay-alam po ng Sangguniang Sub-Pastoral ng San Jose na ang atin pong nakatakdang Buwanang Pamimintuho sa Mahal na Patron San Jose para sa buwan ng Agosto ay pansamantalang kanselado. Ito ay dahil sa patuloy at walang tigil na pagbuhos ng ulan at para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Inaanyayahan po ang bawat isa na manatiling maingat at maging handa sa panahong ito.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Nawa'y patuloy tayong gabayan at ingatan ng Panginoon sa pamamagitan ng panalangin ng ating Patrong San Jose.