Our Lady of the Holy Rosary - SPPC Lias Chapel

Our Lady of the Holy Rosary - SPPC Lias Chapel 𝐌𝐚𝐑𝐚π₯ 𝐧𝐚 𝐁𝐒𝐫𝐑𝐞𝐧 𝐧𝐠 π’πšπ§π­π¨ π‘π¨π¬πšπ«π²π¨
π™‡π™žπ™–π™¨, π™ˆπ™–π™§π™žπ™‘π™–π™€, 𝘽π™ͺπ™‘π™–π™˜π™–π™£
Lias Chapel

π’πžπ­π²πžπ¦π›π«πž πŸ“, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’ (π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)π‘΄π’–π’π’•π’Šπ’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆπ’π’Šπ’π’Šπ’π’‚π’š 𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 π‘―π’π’Žπ’Šπ’π’š:"Nasaan na nga ba sila nga...
06/09/2026

π’πžπ­π²πžπ¦π›π«πž πŸ“, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’ (π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)

π‘΄π’–π’π’•π’Šπ’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆπ’π’Šπ’π’Šπ’π’‚π’š 𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 π‘―π’π’Žπ’Šπ’π’š:
"Nasaan na nga ba sila ngayon?"
Tanong ng karamihan sa mga taong nagbago na, sila'y may nalimutang mga pangakong sinambit noong nagpapakilala pa lamang. Patuloy natin silang hinahanap sa mga panahon gaya ng hirap, krisis at sakuna. Ngunit, hindi ganyan ang Diyos, lagi siyang nasa atin hatid ang maraming biyaya
- ang kalikasan, pagmamahal, pati na ang pag-alis ng unos sa puso ng mga tao. Siya ay nasa tabi natΔ±n, nasa atin at Kasama natin.




𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’ (π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simo...
23/08/2026

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟐𝟐, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’
(π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)

π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,
Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng Aking Amang nasa langit, at sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.




𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ“ πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’ (π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,"Tulungan po Ninyo ako, Panginoon." Sumagot ...
16/08/2026

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ“ πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’
(π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)

π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,
"Tulungan po Ninyo ako, Panginoon." Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta." "Tunay nga po, Panginoon," tugon ng babae, "ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon." Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo." At noondi'y gumaling ang kanyang anak.




09/08/2026

PANALANGIN SA PANAHON NG KALAMIDAD

Amang Makapangyarihan,

Hari ng kalangitan at kalupaan, hindi Mo kailanman ninais na kami'y mapahamak. Ngayong kami'y nahaharap sa kalamidad na dulot ng habagat, pawiin Mo ang aming takot at pangamba. Tulad ng kapanatagang ibinigay ni Hesus sa mga alagad nang sila ay humarap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea, dinggin Mo kami Ama na humihingi ng kaginhawaan mula sa init ng pangangalaga Mo.

Ama, balutin Mo kami ng iyong mga palad, Iyong ipagkaloob ang kaligtasan ng lahat laban sa anumang napipintong panganib na hatid ng masamang panahon. Sa Iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa pamamagitan ni Hesukristo.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.

B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

Mahal na Birhen ng Fatima, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.




𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 8, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’ (π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,"Sagipin Ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya, ...
09/08/2026

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 8, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’
(π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)

π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,
"Sagipin Ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya, Agad siyang inabot ni Jesus. β€œNapakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. β€œBakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba Siya ng mga nasa bangka. β€œTunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.




03/08/2026

PANALANGIN SA MADRE DE LA DIVINA GRACIA DE MARILAO

Ama naming makapangyarihan
ng walang hanggang karunungan,
sa lyong pagpapala
ninais Mong ang Mahal na Birheng Maria
ay maging tagapagdala
ng pinagbubuhatan ng biyaya,
at maging kabahagi Niya
sa pagdudulot ng kaligtasan
sa sangkatauhan.
Dulutan nawa niya kami ng masaganang
biyaya at dalhin niya kami
sa kanlungan ng walang hanggang kaligtasan.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan
ng aming Panginoong Hesukristo, Iyong Anak,
na nabubuhay at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo, Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

MADRE DE LA DIVINA GRACIA,
IPANALANGIN MO KAMI.





𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’ (π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,"Pinaupo Niya sa damuhan ang mga tao, kinuha...
02/08/2026

𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏, πŸπŸŽπŸπŸ” | 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π€π“π”π‘πƒπ€π˜ πŒπ€π’π’
(π‘¨π’π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’•π’†π’… 𝑴𝒂𝒔𝒔)

π‘¨π’šπ’π’ π’Œπ’‚π’š 𝑺𝒂𝒏 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒐,
"Pinaupo Niya sa damuhan ang mga tao, kinuha ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala Siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati Niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamigay iyon sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis, at sila'y nakapuno ng labindalawang bakol ng hati-hating tinapay. May limanlibong lalaki ang kumain, bukod pa sa mga babae at mga bata."




01/08/2026
01/08/2026
31/07/2026

ISANG KARANGALAN NA IKAW AY MAKASAMA! BANAL NA IMAHEN NG MADRE DE LA DIVINA GRACIA, REYNA AT INA NG MARILAO!

Ang parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima ay muling nagagalak na ihayag ang napipintong pag-dalaw ng dakilang imahen ni Madre de la Divina Gracia de Marilao. Mula sa parokya ng St. Michael the Archangel Marilao Bulacan, ang banal na imahen ay dadalaw bukas (Agosto 1, 2026) sa ating parokya at mananatili hanggang Agosto 8, 2026. Inaasahan ang pagtanggap sa imahen pagkaraan ng banal na misa para sa unang sabadong debosyon para sa Mahal na Ina. Ang lahat ay inaanyayahan na makiisa sa pagsalubong para sa dakilang imahen sa ating parokya.

Nawa ang panandaliang pamamalagi ng Madre de la Divina Gracia de Marilao ay magsilbi bilang paalala ng ating patuloy na pananalangin at debosyon sa Panginoon. Sa patnubay ng Reyna at Ina ng Marilao, ang ating mga dasal nawa ay ipagkaloob ng Poong Maykapal.

Β‘Viva la Virgen! Madre de la Divina Gracia de Marilao




Address

Lias, Marilao
Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Holy Rosary - SPPC Lias Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share