Sto. Niño Parish - Parada, Santa Maria, Bulacan

Sto. Niño Parish - Parada, Santa Maria, Bulacan The Official page of Sto. Niño Parish Church, Parada, Santa Maria, Bulacan under the Roman Catholic Diocese of Malolos.
(1)

𝐓𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧! Kaugnay ng layunin ng 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫𝐬 – 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐝𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚, kami ay mul...
03/05/2026

𝐓𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧!

Kaugnay ng layunin ng 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐨𝐫𝐬 – 𝐒𝐭𝐨. 𝐍𝐢ñ𝐨 𝐝𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚, kami ay muling nag-aanyaya sa mga kabataang lalaki at babae na nagnanais maging bahagi ng isang ministeryong nakatuon sa taos-pusong paglilingkod.

Ang aming paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagtanggap at pangangalap ng handog—ito ay isang bokasyon. Sa bawat ngiti, pagbati, at malasakit, naipapadama natin sa bawat mananampalataya na sila ay tinatanggap, pinahahalagahan, at minamahal ng Diyos.

Kung ikaw ay may pusong handang maglingkod, halina at samahan kami sa misyong:
💛 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤
💛 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐚𝐧𝐠-𝐥𝐨𝐨𝐛
💛 𝐌𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲

📌 Bukas ang recruitment ngayong buwan ng Abril at Mayo.

Para sa mga katanungan, maari kayong makipag-ugnayan sa ating Parokya o mag-message sa aming page.

Sama-sama nating ipakita ang tunay na mukha ng Simbahan—ang mukha ni Kristo—sa bawat ngiti at pagbati. 🙏

01/05/2026
𝓟𝓪𝓻𝓸𝓴𝔂𝓪 𝓷𝓰 𝓢𝓪𝓷 𝓟𝓮𝓭𝓻𝓸 𝓭𝓮 𝓐𝓵𝓬𝓪𝓵𝓪 | 𝓟𝓪𝓷𝓰-𝓭𝓲𝔂𝓸𝓼𝓮𝓼𝓲𝓼 𝓷𝓪 𝓓𝓪𝓶𝓫𝓪𝓷𝓪 𝓷𝓰 𝓜𝓪𝓱𝓪𝓵 𝓷𝓪 𝓑𝓲𝓻𝓱𝓮𝓷 𝓷𝓰 𝓗𝓪𝓹𝓲𝓼 𝓷𝓰 𝓣𝓾𝓻𝓾𝓶𝓫𝓪 - 𝓟𝓪𝓴𝓲𝓵, 𝓛𝓪𝓰𝓾𝓷𝓪Ang Nap...
25/04/2026

𝓟𝓪𝓻𝓸𝓴𝔂𝓪 𝓷𝓰 𝓢𝓪𝓷 𝓟𝓮𝓭𝓻𝓸 𝓭𝓮 𝓐𝓵𝓬𝓪𝓵𝓪 | 𝓟𝓪𝓷𝓰-𝓭𝓲𝔂𝓸𝓼𝓮𝓼𝓲𝓼 𝓷𝓪 𝓓𝓪𝓶𝓫𝓪𝓷𝓪 𝓷𝓰 𝓜𝓪𝓱𝓪𝓵 𝓷𝓪 𝓑𝓲𝓻𝓱𝓮𝓷 𝓷𝓰 𝓗𝓪𝓹𝓲𝓼 𝓷𝓰 𝓣𝓾𝓻𝓾𝓶𝓫𝓪 - 𝓟𝓪𝓴𝓲𝓵, 𝓛𝓪𝓰𝓾𝓷𝓪

Ang Napapanahong Panalangin kay San Pedro de Alcantara
Patron at Pintakasi ng Bayan ng Bayan ng Pakil

O maluwalhating p**n San Pedro de Alcantara, marangal na patron nitong aming bayan, kung nararapat po sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kapurihan mo, na kami ay magkamit ng ninanasa, at hingin ninyo sa Panginoong Diyos na maligtas ang bayang ito at kaming lahat na mamamayan sa lahat ng kaaway ng kaluluwa at katawan namin, sampu ng aming mga mahal sa buhay na nawawalay sa aming piling, na mailigtas kaming lahat sa salot, gutom, bagyo, lindol, apoy, pagkakasakit, pagsubok, at sa lahat ng sakuna, at tuloy pagtuwirin ang aming panalangin at pakundangan sa inyo ay patawarin kami sa nagawang sala at pakinabangin kami sa kapayapaang walang-hanggan. Amen.

San Pedro de Alcantara
Pintakasi nitong bayan ng Pakil,
Ipanalangin mo kami




Address

Santa Maria/Tungkong Mangga Road , Parada, Sta. Maria
Bulacan
3022

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 4:30pm
Wednesday 8:30am - 4:30pm
Thursday 8:30am - 4:30pm
Friday 8:30am - 4:30pm
Saturday 8:30am - 4:30pm
Sunday 8:30am - 11:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Parish - Parada, Santa Maria, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sto. Niño Parish - Parada, Santa Maria, Bulacan:

Share