18/08/2026
Ngayong araw ika-18 Agosto, ating ginugunita ang Kapistahan ni Santa Elena, ang nakatagpo ng Krus na Banal ng Ating Panginoong Hesukristo, ang patron ng mga manlalakbay at mga mananaliksik. Siya ay ang ating ikalawang patrona sa ating Bisita.
PANALANGIN KAY SANTA ELENA
Mapagkalingang Sta. Elena, ipanalangin mo po kami sa Diyos Ama sa lahat ng aming mga pangangailangan, tulungan mo po kaming mga namimintuho sa iyong pamamagitan na laging matibay sa aming pananalig, pag-asa at pananampalataya nang sa gayon ang iyong mapagpalang kamay at kalinga ay laging nakalaan para sa amin. Nawa'y maging marapat ang aming pamimintuho sa iyong mapagmahal at mapaghimalang katauhan nang sa gayon ay maging kalugod-lugod kami sa Ama at sa iyong kapurihan at karangalan upang maituring mong pintakasi at masunuring anak ng ating Amang kabanal-banalan.O mahal naming Sta. Elena, tunay na kaibig-ibig at mapag-aruga, narito kaming namimintuho ng buong puso at may pag-asang nananalig sa iyong pamamagitan na sana'y huwag mong ipagkait ang iyong habag at pag-aampon sa amin, umaasa kaming ikaw ang aming magiging Tunay na tagapanalangin patungo sa Ama na ating Panginoon, ngayon at magpakailanman. Amen.
Santa Elena, Ipanalangin mo kami.