Bisita ng Mahal na Birhen ng Sto.Rosario - Taliptip

Bisita ng Mahal na Birhen ng Sto.Rosario - Taliptip The Official page of Sub-Parish of Most Holy Rosary

โ€Ž"๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ง๐๐จ๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ฎ๐ก๐š, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ โ€Ž๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š. ๐€๐ญ ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ฒ โ€Ž๐ ๐š๐ง๐ข๐ฒ๐š๐ง ๐๐ข๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ...
23/08/2026

โ€Ž"๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐š๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ง๐๐จ๐ง๐  ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š๐ค๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ฎ๐ก๐š, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ โ€Ž๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š. ๐€๐ญ ๐ค๐ฎ๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ง ๐š๐ฒ โ€Ž๐ ๐š๐ง๐ข๐ฒ๐š๐ง ๐๐ข๐ง ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ค๐š๐ฒ ๐‹๐จ๐ซ๐....."

๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜™๐˜ฆ๐˜ท. ๐˜๐˜ณ. ๐˜“๐˜ฆ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฅ "๐˜“๐˜ฆ๐˜ฏ" ๐˜๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ป, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข'๐˜บ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ.

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐€๐ง๐ญ๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ญ๐ž๐ ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌโ€Ž๐™„๐™ ๐™– ๐˜ฟ๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ช'๐™ฉ ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™๐™ค๐™ฃโ€Žโ€ŽSa Mabuting Balita ng Panginoon a...
22/08/2026

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐€๐ง๐ญ๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ญ๐ž๐ ๐Œ๐š๐ฌ๐ฌ
โ€Ž๐™„๐™ ๐™– ๐˜ฟ๐™–๐™ก๐™–๐™ฌ๐™–๐™ข๐™ฅ๐™ช'๐™ฉ ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™๐™ค๐™ฃ
โ€Ž
โ€ŽSa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (16:13-20)
โ€ŽIsinasalaysay dito na kung minsan, mayroong pagkakataon sa ating buhay na kilala natin ang ating mga nakakasalamuha ngunit hindi natin sila lubusang kilala. Tulad ng ating Panginoon, siya ay hindi si Juan Bautista, Elias, Jeremias, o isa sa mga propeta, kung hindi ika nga ni Simon Pedro, Siya si Kristo ang Anak ng Diyos na buhay. At si Simon Pedro ay tinawag ng ating Panginoon na mapalad dahil ang katotohanang kaniyang sinambit ay hindi inihayag ng kung sino man, bagkus ito ay inihayag ng Kaniyang Amang nasa langit.
โ€Ž
โ€Ž"Ang Mabuting Balita ng Panginoon"
โ€ŽB: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Sa araw na ito, buong galak nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Mariaโ€”ang Ina na iti...
21/08/2026

Sa araw na ito, buong galak nating ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Mariaโ€”ang Ina na itinaas ng Diyos bilang Reyna ng Langit at Lupa, at mapagmahal na Ina ng bawat isa sa atin.

Mahal na Birheng Maria, aming Reyna at Ina, ipanalangin mo kami.

๐ŸŽฌโœจ MATUTO TAYO EPISODE 3.1 โ€” SHOOTING NA!"๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ค๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐“๐š๐ซ๐š ๐ง๐š'๐ญ ๐ฆ๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ!"Opisyal na...
21/08/2026

๐ŸŽฌโœจ MATUTO TAYO EPISODE 3.1 โ€” SHOOTING NA!

"๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐š๐ง๐  ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ค๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐“๐š๐ซ๐š ๐ง๐š'๐ญ ๐ฆ๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ ๐ญ๐š๐ฒ๐จ!"

Opisyal nang nagsimula ang Sto. Rosario Media Team sa pag-shoot ng Matuto Tayo Episode 3.1, isang espesyal na episode para sa ating mahal na patrona, ang Birhen ng Sto. Rosario. ๐Ÿ™๐ŸŒน

Patuloy nating ibahagi ang ating pananampalataya, debosyon, at pagmamahal sa ating Mahal na Birhen sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya. Abangan ang pag-post ng episode! โค๏ธ

Sto. Rosario Media Team | Para sa Birhen ng Sto. Rosario. ๐Ÿ™๐Ÿ“ธ

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒSimula ngayong Agosto 17, 2026, narito po ang bagong Mass Schedule ng ating parokya. Simula sa araw na...
18/08/2026

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ

Simula ngayong Agosto 17, 2026, narito po ang bagong Mass Schedule ng ating parokya. Simula sa araw na ito, mas maaga na ang Misa tuwing Lunes hanggang Biyernes (liban kung Martes na mananatili tuwing 05:00 ng hapon).

Samantala, mananatili pa rin sa dating oras na 06:30 ng umaga ang Misa tuwing Sabado. Gayundin sa araw ng Linggo ay mananatili ang regular na schedule ng Misa.

Para sa gabay ng lahat ng mga mananampalataya ng ating parokya.

Maraming salamat po.

[Pabatid mula sa Parish Office]


50 ARAW NA LANGโ€ฆ VIVA LA VIRGEN!โœจSa bawat araw na lumilipas, papalapit nang papalapit ang ating pinakahihintay na pagdir...
17/08/2026

50 ARAW NA LANGโ€ฆ VIVA LA VIRGEN!โœจ

Sa bawat araw na lumilipas, papalapit nang papalapit ang ating pinakahihintay na pagdiriwang. Sama-sama nating ihanda ang ating mga puso, panalangin, at buong nayon para sa Kapistahan ng ating Mahal na Ina.

O Santisima Birhen ng Santo Rosario, Ina ng Diyos at aming Ina, samahan at gabayan Mo kami. Sa gitna ng unos at dilim, manatili Kang aming tanglaw at tagapamagitan sa Iyong Anak na si Hesus.

50 araw na lamang! Halinaโ€™t maghanda at magkaisa sa panalangin para sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario de Taliptip.

Viva La Virgen! Viva Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario! ๐Ÿ™๐Ÿปโœจ

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก, ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—˜ร‘๐—ข๐—ฅ๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—” ๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—–๐—œร“๐—ก!โ€Žโ€ŽSa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang Dakilang Pag...
14/08/2026

๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก, ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—˜ร‘๐—ข๐—ฅ๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—” ๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—–๐—œร“๐—ก!
โ€Ž
โ€ŽSa araw na ito, buong puso nating ipinagdiriwang ang Dakilang Pag-akyat sa kalangitan ng Mahal na Birheng Maria katawan at kaluluwa, bilang tanda ng kanyang natatanging biyaya at malalim na pakikipag-isa sa Diyos. ๐Ÿ™๐Ÿปโœจ
โ€Ž
โ€Ž๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐”๐„๐’๐“๐‘๐€ ๐’๐„ร‘๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐€ ๐€๐’๐”๐๐‚๐ˆ๐Ž๐
โ€Ž
โ€ŽAma naming makapangyarihan sa Iyong kaningningan naakit ang Mahal na Birheng Maria, sa tulong ng iyong mga biyaya, namuhay Siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda kayaโ€™t pinagpala Mo Siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa at katawan. Ibinigay Mo siya sa aming Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan, pagindapatin Mong kamiโ€™y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda at kaisa Niyaโ€™y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
โ€Ž
โ€ŽNawaโ€™y sa pamamagitan ng kanyang maka-inang paggabay, patuloy niya tayong akayin palapit kay Hesus, palakasin ang ating pananampalataya, at turuan tayong mamuhay nang may kababaang-loob, pag-ibig, at pagtitiwala sa Diyos.
โ€Ž
โ€Ž๐๐”๐„๐’๐“๐‘๐€ ๐’๐„ร‘๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐€ ๐€๐’๐”๐๐‚๐ˆ๐Ž๐
โ€ŽIna, Reyna, at Patrona ng Bulakan, โ€Ž๐‘ฐ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š!
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“Bisita ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario
โ€ŽTaliptip, Bulakan, Bulacan

Ang Nuestra Seรฑora Dela Asuncion na nasa ating Bisita, ay nasa pangangalaga ni G. John Carlo Ramos Manuel, At Bb. Pam Laderas at pamilya
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

13/08/2026

PABATID:

Ang Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Nuestra Seรฑora Dela Asuncion sa ating Bisita ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, ay gaganapin sa Aug 15, 2026 Araw ng Sabado. Ang Pagdiriwang ng Banal na Misa ay sa Ganap na ika- 6:00 ng Gabi. Salamat po!

โ€œAt kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim,may isang Inang nagmamatyag, nagmamahal saโ€™tin.โ€โ€” Hango sa ...
12/08/2026

โ€œAt kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim,
may isang Inang nagmamatyag, nagmamahal saโ€™tin.โ€

โ€” Hango sa Awit ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario

Sa mga panahong patuloy ang pag-ulan at tila nagiging mabigat ang bawat araw, nawaโ€™y manatili tayong kumapit sa pag-asa at pananalig. Sa gitna ng unos at dilim, hindi tayo nag-iisa.

Sa mapagkalingang puso ng ating Mahal na Ina, ipagkatiwala natin ang ating mga sarili, pamilya, at buong pamayanan. Nawaโ€™y patuloy niya tayong gabayan, ingatan, at akayin tungo sa liwanag at kapanatagan.

Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, ipanalangin mo kami.

09/08/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐†๐˜๐Ž

Amang Makapangyarihan
nilikha at nilagyan mo ng kaayusan
ang mundong walang hugis sa simula.
Nang naharap sa malakas na unos sa dagat
sa Galilea si Hesus at ang mga alagad, inutusan lamang niya itong huminto.
Ang dagat ay napayapa at ang mga
alagad ay napanatag.

Ngayong kami'y nahaharap sa kalamidad, dasal nami'y ipagsanggalang kami sa hagupit nito at pinsala, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan
ay lyong iligtas.

Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos, ipanalangin mo kami.
Mahal na Birhen ng Sto Rosario - Taliptip, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

Prayers From, The Roman Catholic Diocese of Malolos - Ang Sandigan.

Address

Bulacan
1317

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita ng Mahal na Birhen ng Sto.Rosario - Taliptip posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share