18/05/2026
17 Mayo 2026 | FLORES DE MARIA
Sa buwan ng Mayo, muling nabuhay ang makulay at makabuluhang tradisyon ng Flores de Maria — isang taimtim na pag-aalay ng mga bulaklak at debosyon para kay Birheng Maria. Kaakibat nito ang Sagalahan, isang tradisyong Pilipino na nagpapakita ng pananampalataya, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa kulturang Kristiyano sa pamamagitan ng prusisyon ng mga kabataang nagbibihis bilang mga reyna at prinsesa ng pananampalataya.
Sa pangunguna ng Komisyon ng Kabataan, matagumpay na idinaos ng SPPC Pitpitan ang Flores de Maria bilang paggunita sa kabutihan at pagmamahal ng Mahal na Birhen. Isang makulay ngunit makahulugang pagdiriwang na nagsilbing paalala sa ating mga kabataan na panatilihing buhay ang pananampalataya at tradisyong minana natin sa ating mga ninuno.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito. Patuloy nating ialay kay Maria ang ating mga panalangin, pag-asa, at pagmamahal.