23/08/2023
Noong nakaraang linggo, isinigawa ang pagdiriwang sa kapistahan ni San Roque.
Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang nito, isinigawa ang tradisyunal na pagpapalaro sa mga kabataan ng Antipona. Ang ilan sa mga laro ay ang Takbubo (Takbong Hubad), Hampas-palayok, Pabitin, Sack Race, Marathon, Calamansi Relay, Pitik-Calamansi at marami pang iba.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga mamamayan na nagbahagi ng kanilang yaman, oras at suporta upang maging matagumpay ang ganitong gawaing pangkapistahan. Gayundin sa lahat ng mga nakiisa at nakatuwang na mga Kabataan ni San Roque pati na ang iba pang mga volunteers upang tumulong sa pagpapalaro.