07/02/2026
โจ๐๐๐๐๐๐๐ ๐A ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐โจ
๐ซ๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐๐๐พ๐ ๐๐ถ โ๐๐ถ๐ถ๐๐พ๐ ๐๐ถ ๐๐๐ถ๐ ๐๐ถ โณ๐ถ๐ฝ๐ถ๐ ๐๐ถ โฌ๐พ๐๐ฝ๐๐ ๐๐ โ๐๐๐๐น๐๐
Nakaluhod po ako sa harapan ng luklukan ng iyong kamahalan, Diyos ko, na manu pong igawad mo sa akin ang iyong awa at habag. Akoโy may pagsisising lumalapit sa iyo na gaya ng alibighang anak, sa pagkalayo ko sa iyo ng dahil sa kasalanan, at manu nawa pong mapawi ng aking mga luha at kahit ng aking dugo ang pagkakasalang nagawa ko sa iyo. Patawad! Panginoon; hindi po ako karapat-dapat sapagkat madalas kong hinamak ang iyong biyaya at inulit ko ang gayunding mga pagkakasala; ngunit taglay ngayon ng aking kalooban ang tanging pagsisisi, at mga nais na huwag ko na muling magawa pa ikaw pong Ina ng kahabagan, na di mo po ibig ang kamatayan ng makasalanan, kundi magbalik at mabuhay; ikaw po, na pinangangaralan mo ako sa pamamagitan ni Bernardita, ay tulungan mo po akong maging dapat at ganap. At upang ipagkamit ko na muling magawa ang mga yaon, ay dinadasal ko ang sumusunod na mga Aba Ginoong Maria at mga dalangin. Amen.