31/12/2025
𝐀𝐏𝐎 𝐒𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆, 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨!
Ang taong 2025 ay hindi lamang hinubog ng mga biyayang tinanggap, kundi ng mga sandaling nagpalalim sa pananampalataya ng buong Sambayanan ng Diyos—mga panahong nagturo ng pagtitiyaga, pagpapakumbaba, at ganap na pagtitiwala sa Diyos. Sa pagpasok natin sa makasaysayang taon ng sentenaryo ni Apo Sayong, lalo nating ialay ang pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mapagkalingang patnubay at patuloy na pamamagitan.