IRM Ministries Km 38

Directions

IRM Ministries Km 38 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IRM Ministries Km 38, Religious organisation, Km. 38 Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan.

02/10/2026

GENESIS 31:
Shared by: Arthur Manarang

Pinapakita sa chapter na ito na lahat ng ating ginagawa lahat ng ating sakripisyo, anoman ang ating gawin sa tao ay bale wala lang ang mga ito.kagaya ng ginawa ni Laban kay Jacob. At tunay naman ang sinabi ng Diyos, anoman ang ihasik ng tao ay siya niyang aanihin.
Dinaya kasi ni Jacob ang kanyang panganay na Kapatid na si Esau kasabwat ang nanay niyang si Rebeca mababasa natin ito sa Gen. 27.Subalit kapag ang Diyos ang ating kakampi walang makakapanaig sa atin. Basta matuto lamang tayong sumunod sa sinasabi Ng Ating PANGINOON. sa V2 at minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban at naritot hindi sumasa kanyang gaya ng dati V3 at sinabi ng PANGINOON Kay Jacob magbalik ka sa lupain ng iyong Mga magulang at sa iyong Mga kamaganakan at Ako y sasaiyo at si Jacob ay sumunod sa ipinaguutos ng Diyos sa kanya. sa V21 ganito tumakas si Jacob sampu ng buong kanya at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates at siyay tumungo sa bundok ng Gilead. V22 hinabol at hinamon ni Laban si Jacob. At binalitaan si Laban sa ikatlong araw na tumakas si Jacob V23 at ipinagsama niya ang kanyang mga Kapatid at hinabol niyang pitong Araw at kanyang inabutan sa bundok ng Gilead.
Ang galit na sagot ni Jacob:
V36 at naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban at sumagot si Jacob at sinabi kay Laban ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan upang akoy habulin mo na may pagiinit V41 nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay, pinaglingkuran kita ng labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak,at anim na taon dahil sa iyong kawan,at binago mo ang aking kaupahan na makasampu .V42 Kung hindi sumaakin ang Diyos ng aking ama,ang Diyos ni Abraham at ang katakutan ni Isaac,ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Diyos ang aking kapighatian ang kapaguran ng aking mga kamay at sinaway ka niya kagabi.

Kaya dito makikita natin na ang Diyos na ating pinaglilingkuran ay Dios na tapat at mahabagin . Na tunay naman na kapag sinabi niya ay kanyang tutuparin at gagawin. Bastat maging tapat at sundin lamang natin Ang kanyang kagustuan at kanyang kalooban. Na kapag ang Diyos ang nangako ay tunay at tapat na hindi niya tayo iiwan ni pababayaan man.

Panalangin:
Ama naming Dakila sa lahat Salamat sa inyong kabutihan at pagkalinga sa amin, Tulungan mo kaming laging sumunod sa iyong Mga Salita at laging magtiwala at laging mapagpasalamat anoman ang aming mararanasan sa Buhay na ito.Sa anomang laban ng buhay bastat kayo ang aming kasama at kamiy patuloy ninyong sasamahan hindi kami manghihina at manglulupaypay at kamiy manghahawakan sa iyong Mga Salita na hindi mo kami iiwan ni pababayaan man. Sa inyo po ang aming pagtitiwala at lahat ng kaluwalhatian at taos pusong pasasalamat ay sa inyo lamang, Sa Pangalan po NG PANGINOONG JESUS AMEN 💖🙏.

01/10/2026
01/10/2026

DEVOTION OCT. 1
GENESIS 30
Shared by: Bro. Albert Regala

Sa kabanatang ito inilahad ang kapanganakan ng mga anak ni Jacob na mababasa sa pasimula sa kabanata 29 talatang 31.mga naging anak niya kay Lea na kung saan ay anim na mga lalaki at isang babae. Kay Bilha( alipin ni Raquel) 2 lalaki. Kay Zilpa( alipin ni Lea) ay 2 lalaki at kay Raquel naman ay dalawang lalaki din bagamat sa kabanata 35 pa inilahad ang kapanganak niyang bunso na si Benjamin bago siya mamatay. Ito ang pinagmulan ng 12 tribo ng Israel.

RHEMA VERSE:

GENESIS 30:22
Sa wakas, nahabag din ang Diyos kay Raquel at dininig ang kanyang dalangin.

REFLECTION:
Naging sobrang hirap para kay Raquel ang naging sitwasyon nya sapagkat hindi siya magkaanak. Samantalang ang kapatid niyang si Lea ay 6 na lalaki na ang anak at nadagdag pa si Dina. Sa sama ng loob nya, nasabi nya kay Jacob na, mamamatay ako kapag hindi pa tyo nagkaanak.
Nagalit si Jacob at sinabi kay Raquel na nasa sa knya daw ba iyon. Hindi dw nya maaaring pangunahan ang Diyos. Na hindi dw sya ang pumipigil upang hindi sya magkaanak kundi ang Diyos. Masasabi nating ramdam din ni Jacob ang hirap ng kalooban sapagkat dpa din sya magkaanak kay Raquel na siyang tunay na unang inibig niya.
Sa ating mga buhay, may mga panalangin din tyong kung bkit hanggang ngyon ay wala pang katugunan. Ngunit pinaaalala sa atin ang katugunan na ng Diyos sa mga dalangin natin na pwedeng oo na tinutugon nya kaagad. Pwede ring hindi o may itinakdang panahon ang Diyos sa pagtugon sa ating panalangin ayon sa knyang plano. Kaya nmn sa ganitong pagkakataon dapat ay mayroon tyong mga pinanghahawakan na salita ng Diyos katulad na lamang ng 1 Tesalonica 5:16-18
16 Magalak kyong lagi; 17 maging matiyaga kyo sa pananalangin. 18 Ipagpasalamat ninyo sa pangalan ni Cristo Jesus ang lhat ng pangyayari, sapagkat yaon ang ibig ng Diyos. Kaya naman patuloy lamang tayong magtiwala sa mga pangako ng Diyos at gawin ang mga nararapat sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagbubulay ng kanyang makapangyarihang salita🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏


PANALANGIN:
Dakilang Diyos na lubhang makapangyarihan sa lahat... Mananalig at patuloy po lamang kaming magtitiwala sa mga plano mo para sa amin. Patuloy mo po lamang kaming paalalahanan na hindi mainam na ang kalooban nmin ang mangyari kundi ang kalooban mo ang masunod. Maaaring hindi nmin lubusang maunawaan ang ibang kaganapan na nangyayari sa amin ngunit salamat sa paalala ng awiting DAKILANG KATAPATAN na ang mensahe ng awitin ay dakila ka o Diyos at tapat ka ngang tunay mula pa sa ugat ng aming lahi.
Salamat muli Panginoon at tanggapin mo po ang aking wagas na pagpupuri at pagsamba sa pangalan po ng ng iyong bugtong na anak na si Jesus na aming dakilang manunubos at tagapagligtas... Amen and Amen🙏🙏🙏🙌🙌🙌🙌

30/09/2026

Genesis 29.
Shared by: Kenneth Peñaflor

Ang kabanatang ito ay nahahati sa tatlong bahagi:
• Talata 1–14: Ang pagdating ni Jacob sa Haran at pagtatagpo nila ni Raquel.
• Talata 15–30: Ang panlilinlang ni Laban kay Jacob (ang pagpapakasal kay Lea bago kay Raquel) at ang kabuuang 14 na taong pagtatrabaho ni Jacob.
• Talata 31–35: Ang pagsilang ng unang apat na anak ni Lea (Ruben, Simeon, Levi, at Juda) at ang biyaya ng Diyos sa taong nakararamdam na hindi siya minamahal.

Reflection / Insights
• What you sow, you reap
Noong nakaraang mga kabanata, nilinlang ni Jacob ang kanyang ama (si Isaac) at kapatid (si Esau). Ngayon, si Jacob naman ang niloko ng kanyang biyenan na si Laban. Ipinapaalala nito sa atin na may kahihinatnan ang ating mga maling desisyon sa buhay. Subalit sa kabila ng panloloko ng tao, hindi pinabayaan ng Diyos si Jacob; patuloy Niya itong hinubog sa pamamagitan ng mga pagsubok.
• Naglingkod si Jacob nang kabuuang 14 na taon para sa babaeng mahal niya. Sinasabi sa talata 20 na ang pitong taon ay parang "ilang araw lamang" dahil sa lalim ng kanyang pagmamahal. Kung minsan, dinadala tayo ng Diyos sa panahon ng paghihintay upang subukin ang ating katapatan at linisin ang ating mga motibo.
• Si Lea ay hindi pinili at hindi gaanong minahal ni Jacob. Masakit at nakalulungkot ang kanyang kalagayan. Ngunit sinasabi sa talata 31, "Nang makita ng Panginoon na si Lea ay hindi minahal, binuksan Niya ang kanyang sinapupunan." Nakikita ng Diyos ang iyong mga iyak, ang iyong mga rejection, at ang iyong mga kabiguan. Sa huling anak na si Juda (na ang ibig sabihin ay "Papuri"), napagtanto ni Lea na sapat na ang Diyos. Sa linya rin ni Juda magmumula ang Tagapagligtas na si Hesus.

Application
• Ano ang mga bagay na matagal mo nang ipinagdarasal at hinihintay? Matutong magtiwala sa proseso at takdang panahon ng Diyos, tulad ng pagtitiyaga ni Jacob.
•Katulad ni Lea, nakaramdam ka na ba ng kawalan ng halaga o rejection mula sa ibang tao? Tandaan na ang iyong halaga ay hindi nagmumula sa pag-apruba ng tao, kundi sa pagmamahal ng Diyos. Ibaling ang iyong pananaw mula sa paghahanap ng pagmamahal ng mundo tungo sa pagpupuri sa Panginoon.

Commitment
Ngayong araw, pipiliin kong magtiwala sa plano ng Diyos kahit ako ay nasa panahon ng paghihintay o pagsubok. Hindi ko hahayaang diktahan ng rejection ng ibang tao ang aking halaga, dahil alam kong nakikita at pinahahalagahan ako ng Panginoon

Prayer
“Amang Banal, salamat dahil Ikaw ang Diyos na nakakakita sa aking mga pinagdaraanan. Kung paanong nakita Mo ang pighati ni Lea at ginabayan Mo si Jacob sa kanyang paglalakbay, naniniwala po ako na kasama at ginagabayan Mo rin ako ngayon. Turuan Mo akong maging matapat sa aking mga gawain at magtiwala sa Iyong perfect time. Patawarin Mo po ako sa aking mga pagkukulang. Sa Iyo ko ipinagkakatiwala ang aking buong araw. Sa pangalan ni Hesus, Amen.”

29/09/2026

Genesis 28
shared by: Bro. Nestor Tuazon

Sa genesis 28,umalis si Jacob sa kanyang tahanan at naglakbay patungong haran,habang Siya ay nag-iisa,nagpakita Ang Diyos sa kanya sa pamamagitan Ng panaginip tungkol sa hagdan na umaabot sa langit,doon ipinangako Ng Diyos na Siya ay sasama,mag iingay at gagawa Ng katuparan sa kanyang pangako Kay Jacob.

ARAL SA BUHAY
Kasama natin Ang Diyos kahit Tayo ay nag-iisa
Maaaring dumating Ang mga panahong pakiramdam natin ay walang nakakaunawa o walang Kasama ngunit tulad ni Jacob,Hindi Tayo kailanman nag-iisa kapag Kasama natin Ang Diyos.
Ang pangako Ng Diyos ay Hindi nakadepende sa ating sitwasyon.
Si Jacob ay nasa Isang Hindi pamilyar na lugar ngunit doon MISMO niya naranasan Ang presensya Ng Diyos,Minsan,sa gitna Ng pagbabago,doon natin mas nakikilala Ang katapatan Ng panginoon.
Ang Presensya Ng Diyos ay nagbibigay Ng tapang
Sinabi Ng Diyos Kay Jacob "Akoy sumasaiyo." Hindi sinabi Ng Diyos na magiging madali Ang lahat,ngunit tiniyak niya na Hindi niya iiwan si Jacob.

APPLICATION:
Kapag may kinakaharap Kang problema,pagbabago o desisyon,huwag mong hayaang Ang takot Ang manguna,alalahanin mo Ang genesis 28:15,Kasama mo Ang Diyos.

PANALANGIN:
Panginoon, salamat dahil pinapaalala mo sa akin na Hindi mo Ako iniwan,sa mga panahong Hindi ko alam Ang aking tatahaking Daan,tulungan mo akong magtiwala sa iyong mga pangako,bigyan mo Ako Ng lakas at tapang na magpatuloy kahit may mga bagay na Hindi ko maunawaaan,Gabayan mo Ang aking mga hakbang at manatili akong malapit sa iyo sa pangalan ni Jesus,Amen.

Salamat Panginoon sa iyong provision kahit kailan hindi ka nagkulang
29/09/2026

Salamat Panginoon sa iyong provision kahit kailan hindi ka nagkulang



Praise God sa isang matagumpay na gawain. Hindi hadlang ang kawalan ng kuryente upang hindi matuloy ang pagpupuri sa ati...
28/09/2026

Praise God sa isang matagumpay na gawain. Hindi hadlang ang kawalan ng kuryente upang hindi matuloy ang pagpupuri sa ating Panginoon.

28/09/2026

Genesis 27
Shared by: Bro Florencio Angeles

At nangyari ,nang matanda na si Isaac na Hindi na makakita sa kalabuan ng kanyang mata.Hindi niya malalaman kung kaila siya mamamatay. Kaya tinawag niya si Esau na kanyang anak na panganay na sinabi na dalin mo ang iyong pana at busog at humuli ka ng usa at gawing masarap na pagkain at upang mabasbasan kita bago Ako mamatay sabi ni Isaac
Napakinggan ni Rebecca ang mga bilin ni Isaac Kay Esau. Kaya agad sinabi ni Rebecca sa kanyang anak na si Jacob na kumuha ng dalawang mabuting anak ng kambing para gawing masarap na pagkain ng kanyang ama para mabasbasan bago mamatay. Alinlangan si Jacob na baka mahalatang Hindi Siya si Esau,dahil si Esau ay mabalahibo samantalang Siya ay makinis ang balat Kaya naka isip si Rebecca na dayain si Isaac para mapagkamalan na si Jacob ay siyang si Esau Kaya ginawa ni Rebecca na ipasuot yon damit ni Esau at gumamit ng mabalahibong balat para ibalot sa makinis na balat ni Jacob. Nang mapagkamalan na si Jacob na si Esau ,at maibigay na yon masarap na pagkain , nagbasbas na si Isaac.

Aral.
Bagamat nakuha natin ang ating gusto o nais sa pamamagitan ng pandaraya. Makamit man natin ito Ngayon Sa mga daratng na panahon tiyak na may ganti ang Panginoong na gagawin sa ating buhay,sa paraang pagdurusa o kapighatian. Upang lalo natin siyang maalaala sa pagbabalik loob sa ating mga nagawang mga kasalanan.

Panalangin.
Panginoong naming banal,Kami'y poy buong pusong nagpapasalamat sa pag iingat mo at kalakasang ibinibigay araw araw.
Dumudulog po kami sa iyong harapan na tulungan mo po kami na hindi magkasala. Gabayan mo po kami na hindi magkaroon ng p**t at galit at pagkaiggit kanino man. Upang hindi po kami makagawa ng pandaraya tungo sa pagkakasala. Kaya lagi po naming hinihingi ang iyong patnubay at gabay para dina po kami magkasala.
Sinasamba ka po namin at pinupuri ,at pinaparangalan ang iyong dakilang pangalan. Jesucristo na aming Panginoong Tagapagligtas.

Amen.

Address

Km. 38 Pulong Buhangin, Santa Maria
Bulacan
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IRM Ministries Km 38 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share