Bahay Dalanginan Ni Sta. Ines ng Roma

Directions

Bahay Dalanginan Ni Sta. Ines ng Roma Ang Opisyal na pahina ng SPPC Sta. Ines o Sub Parish Pastoral Council Sta Ines.

BUWAN NG STO. ROSARIO๐Ÿ“ฟ๐ŸŒนNgayong buwan ng Oktubre, sama-sama nating buhayin ang debosyon sa Santo Rosaryo at ialay ang baw...
30/09/2026

BUWAN NG STO. ROSARIO๐Ÿ“ฟ๐ŸŒน

Ngayong buwan ng Oktubre, sama-sama nating buhayin ang debosyon sa Santo Rosaryo at ialay ang bawat panalangin para sa ating pamilya, komunidad, at bayan. ๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ’™

Narito ang ating iskedyul ng pagdarasal ng Santo Rosaryo:

๐Ÿ“ฟ Lunes โ€” Sitio Raankipot
๐Ÿ“ฟ Martes โ€” Sitio Hulo
๐Ÿ“ฟ Miyerkules โ€” Sitio Dalawari
๐Ÿ“ฟ Huwebes โ€” Sitio Raanbato
๐Ÿ“ฟ Biyernesโ€” Sitio Bukid
๐Ÿ“ฟ Sabadoโ€” Sitio Luasan
๐Ÿ“ฟ Linggo โ€” Kabataan/SPPC

Inaanyayahan po ang bawat isa na makiisa at sama-samang manalangin. Nawa'y sa pamamagitan ng Santo Rosaryo ay lalo tayong mapalapit kay Hesus sa piling at patnubay ni Maria.โค๏ธ

๐ŸŒน Maria, Reyna ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo kami.
๐Ÿ™๐Ÿป๐Ÿ“ฟ *Sama-sama tayong

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐: ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ก๐š๐ฒ-๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐ญ๐š. ๐ˆ๐ง๐ž๐ฌ Mga minamahal naming kapatid kay Kristo,Ang ating mahal na B...
30/08/2026

๐’๐š๐ฆ๐š-๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ˆ๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฒ๐จ๐: ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ก๐š๐ฒ-๐ƒ๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐ญ๐š. ๐ˆ๐ง๐ž๐ฌ

Mga minamahal naming kapatid kay Kristo,

Ang ating mahal na Bahay-Dalanginan ni Sta. Ines ng Roma ay nangangailangan ng ating pagmamahal at kalinga.

Sa kasalukuyan ang sahig o tiles ng ating bisita ay nag-aangatan na, at ang mga antigong imahen ng mga Santo tulad ni San Francisco at San Miguel ay unti-unti nang nasisira ng panahon.

Kung kayaโ€™t kinakailangan nating magkapit-bisig at magtulungan upang maisaayos ang pangangailangan ng ating bahay-dalanginan.

Si Sta. Ines ay isang batang martir na buong tapang na inialay ang buhay para sa Panginoon kahit sa murang edad. Hindi siya nanghinayang magsakripisyo para sa kanyang pananampalataya.

Ngayon, tayo naman ang tinatawagan niya upang magsakripisyo ng kaunti para sa Kanyang tahanan.

"Kung paano ninyo ginawa ito sa isa sa mga pinakahamak kong kapatid, sa akin ninyo ito ginawa." - Mateo 25:40

Ang bawat tulong, maliit man o malaki na ating ipagkakaloob ay buong tapat po nating ilalaan sa nasabing mga proyekto upang maibalik ang ganda ng ating bahay dalanginan. Isang lugar kung saan tayo ay nananalangin, nagsisimba, at lumalapit sa Diyos.

Kumakatok po kami sa inyong mga puso. Sama-sama nating itaguyod ang tahanan ni Sta. Ines at ng ating Panginoon.

Para sa donasyon at katanungan, mangyari lamang mag-iwan ng mensahe sa ating opisyal na pahina.

o Makipag-ugnayan sa Pangulo ng SPPC

Kptd. Rosalie Austria
Gcash Number: 09424878615



Kumakatok din po kami na ating i-share ang panawagan na ito sa ating mga fb account.

ANUNSYO | BANAL NA MISA ๐Ÿ™Sa kabila ng masamang panahon, patuloy pa rin nating ipagdiriwang ang Banal na Misa dito sa ati...
29/08/2026

ANUNSYO | BANAL NA MISA ๐Ÿ™

Sa kabila ng masamang panahon, patuloy pa rin nating ipagdiriwang ang Banal na Misa dito sa ating Bahay Dalanginan ni Sta. Ines ng Roma ngayon araw sa ganap ng Ika-6 ng Gabi. โ›ชโค๏ธ

Inaanyayahan po ang ating mga kapatid na, kung ligtas at maaari, ay makiisa sa Banal na Eukaristiya. Sama-sama tayong manalangin at humingi ng gabay, lakas, at proteksyon sa Panginoon sa gitna ng pagsubok ng panahon. ๐Ÿ™๐ŸŒง๏ธ

Manatiling ligtas at mag-ingat po ang lahat.

๐Ÿ•Š๏ธ โ€œSa bawat unos, ang ating pananampalataya ang magsisilbing liwanag at sandigan.โ€

Sta. Ines ng Roma, ipanalangin mo kami.

Pistang Bayan 2026 ๐ŸŽ‰๐Ÿ™Isang masaya, makulay at makahulugang pagdiriwang ang naging ganap noong Agosto 15, 2026! โค๏ธMaramin...
18/08/2026

Pistang Bayan 2026 ๐ŸŽ‰๐Ÿ™

Isang masaya, makulay at makahulugang pagdiriwang ang naging ganap noong Agosto 15, 2026! โค๏ธ

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi, nakiisa, at nagbigay ng oras upang maging espesyal at matagumpay ang ating **Pistang Bayan. Sa bawat ngiti, tawanan, salu-salo, at sama-samang pagdiriwang, tunay na dama ang pagkakaisa at diwa ng ating komunidad. ๐Ÿฅฐ

Nawaโ€™y manatili sa ating mga puso ang masasayang alaala ng araw na ito.

Mabuhay ang ating bayan at ang ating pagkakaisa! ??โœจ

17/08/2026

Nakangiti at nakatingin sa iyo ang ating Pintakasi. โค๏ธ

Mahal na Patronang Santa Ines,
Ipanalangin mo po kami.

PABATIDSa Kapistahan sa Karangalan ng Nuestra Seรฑora de la Asuncion ngayong Agosto 15,2026. Ang Mahal na Patronang Sta. ...
14/08/2026

PABATID

Sa Kapistahan sa Karangalan ng Nuestra Seรฑora de la Asuncion ngayong Agosto 15,2026.

Ang Mahal na Patronang Sta. Ines ay tutungo sa ating Parokya sa ganap na ika-lima ng Hapon.

Paalaala din po na wala na pong Misa dito sa ating Bahay Dalanginan.

09/08/2026

๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘บ๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘จ๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ด๐‘ฐ๐‘ซ๐‘จ๐‘ซ

Amang Makapangyarihan nilikha at nilagyan mo ng kaayusan ang mundong walang hugis sa simula. Nang naharap sa malakas na unos sa dagat sa Galilea si Hesus at ang mga alagad, inutusan lamang niya itong huminto. Ang dagat ay napayapa at ang mga alagad ay napanatag.

Ngayong kami'y nahaharap sa kalamidad, dasal nami'y ipagsanggalang kami sa hagupit nito at pinsala, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.

B. Kami ay lingapin at sa kahirapan ay lyong iligtas.

โ€Ž๐‘ฐ๐’Œ๐’‚-19 ๐’๐’‚ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฒ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’‰๐’๐’โ€Ž โ€ŽNgayong araw, muli tayong inaanyayahan ng Panginoon na maging mapagbantay, mat...
08/08/2026

โ€Ž๐‘ฐ๐’Œ๐’‚-19 ๐’๐’‚ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฒ๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’Š๐’˜๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’‰๐’๐’
โ€Ž
โ€ŽNgayong araw, muli tayong inaanyayahan ng Panginoon na maging mapagbantay, matapat, at laging handang sumunod sa Kanyang kalooban.
โ€Ž
โ€ŽSa gitna ng mga pagsubok, huwag tayong matakot. Manatili tayong matatag sa pananampalataya at patuloy na magtiwala sa Diyos, sapagkat ang tunay na naghihintay sa Panginoon ay hindi Niya kailanman pababayaan.
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ•Š๏ธ Sa ibabaw ng tubig, sa puso ng panalangin โ€” kasama si Jesus.
โ€Ž๐‘ด๐’‚๐’•๐’†๐’ 14:22-23
โ€Ž
โ€ŽNawaโ€™y sa bawat araw, ang ating puso ay manatiling bukas sa presensya ng Diyos at handang tumugon sa Kanyang tawag.
โ€Ž
โ€ŽPatuloy tayong manalig, magmahal, at maglingkod.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Pormal na sinimulan ang siyam na araw na Misa Nobenaryo sa karangalan ng ๐—ก๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒรฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—น๐—ฎ ๐—”๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถรณ๐—ป, kung saan nagtip...
08/08/2026

Pormal na sinimulan ang siyam na araw na Misa Nobenaryo sa karangalan ng ๐—ก๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒรฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—น๐—ฎ ๐—”๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถรณ๐—ป, kung saan nagtipon ang mga mananampalataya upang sama-samang manalangin, magnilay, at ihanda ang sarili sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen.

Pinangunahan ng ๐—œ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ผ๐—น๐—ผ at ๐—–๐—ผ๐—ณ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ก๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒรฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—น๐—ฎ ๐—”๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถรณ๐—ป ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at Nobena bilang bahagi ng unang araw ng nobenaryo.

Samantala, isinagawa rin ang pag-aalay ng mga kandila sa pagtangkilik ng ๐—ฆ๐—ฃ๐—ฃ๐—– ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—œ๐—ป๐—ฒ๐˜€ at ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, kasama ang mga mag-aaral at kinatawan mula sa ๐—ฆ๐˜๐—ฎ. ๐—œ๐—ป๐—ฒ๐˜€ ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น at ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น, na nakiisa sa pag-aalay bilang pagpapahayag ng kanilang debosyon at pananalig sa Mahal na Ina.

Pinangunahan naman ni ๐—ฅ๐—ฑ๐—ผ. ๐— ๐˜€๐—ด๐—ฟ. ๐—๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐— . ๐—๐—ผ๐—ฎ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ป, ๐—ฃ.๐—–., ๐—ฅ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐—ผ, ang Banal na Misa.

Sa pagsisimula ng nobenaryo, muling hinikayat ang mga mananampalataya na gawing pagkakataon ang siyam na araw ng pananalangin upang higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya, pagninilay, at pagbabalik-loob sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

Nawa'y maging daan ang bawat araw ng nobenaryo upang higit tayong mapalapit kay Kristo at patuloy na makatagpo ng lakas at pag-asa sa panalangin at pamamagitan ng ating Mahal na Ina.

๐—ก๐˜‚๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฒรฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—น๐—ฎ ๐—”๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐—บ๐—ถ.

Address

Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bahay Dalanginan Ni Sta. Ines ng Roma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share