05/07/2023
Magandang araw sa lahat ng mga kabataan ng Barangay Libis!
Gusto naming ibahagi sa inyo ang isang kaganapan na siguradong magbibigay sa inyo ng pagkakataon na maging aktibo at makilahok sa mga gawain sa ating minamahal na Simbahan.
Ang TEAMBUILDING ay naglalayong palakasin ang ating samahan, palawakin ang ating kaalaman, at magbigay sa atin ng mga kasanayang kinakailangan upang maging epektibong lider kabataan ngayon at sa hinaharap. Tayo ay makapaglakbay ng sama-sama, magtulungan, at magkaroon ng malalim na ugnayan bilang mga kabataang Katoliko. Hindi lamang ito isang pagkakataon para sa atin na maging lider, kundi pati na rin upang maipakita natin ang ating dedikasyon at pagmamahal sa ating pananampalataya.
Ang gawaing ito ay bukas sa lahat ng kabataan mula edad 14 taong gulang pataas. Hindi kailangan ng anumang espesyal na karanasan o kakayahan para sumali. Ang importante ay ang inyong dedikasyon at kagustuhan na maging bahagi ng isang aktibong Komisyon na naglilingkod sa ating simbahan. Ito ay gaganapin sa paaralan ng Colegio de San Juan de Dios Inc., tapat ng ating Parokya.
Kaya't mga kabataan, Tara na at makilahok sa darating na ika-6 ng Agosto, sa ganap na ika-8 ng umaga, at maghanda para sa isang kahanga-hangang pagkakataon na maging aktibo at maging ganap na miyembro ng PCY.
Sa mga nais sumali, magsabi lamang po sa kahit na sinong miyembro ng SPCY Libis o mag message dito sa aming page. Ang inyong mensahe ay hihintayin lamang hanggang ika-21 ng Hulyo taong pangkasalukuyan.
"Halina at magsama-sama tayo upang magdala ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kapwa kabataan!"