Mahal na Araw sa Bambang

Mahal na Araw sa Bambang Ang Opisyal na Pahina ng Samahang H.A.P.I.S.

ng Parokya ng San Isidro Labrador sa Bambang, Bulakan, Bulacan na nagtatampok sa mga sagradong imahen na inilalabas tuwing mga Mahal na Araw.

04/04/2026
28/03/2026

Ama ko aniyang mahal,Diyos na walang kapantay,salamat na walang hanggan,akoโ€™y inyong pinakinggansa hiling kong ano pa ma...
23/03/2026

Ama ko aniyang mahal,
Diyos na walang kapantay,
salamat na walang hanggan,
akoโ€™y inyong pinakinggan
sa hiling kong ano pa man.

Nang ito ay mawika na
nangusap kapagkaraka:
nitong Poong mapaninta,
Lasaro ay magbangon ka
at diyaโ€™y lumabas baga.

Parang natutulog lamang,
si Lasaro ay pinukaw,
nang si Hesus mapakinggan,
kumilos na kapagkuwan
doon sa sadyang libingan.

Pagbuhay ni Hesus kay Lazaro
G. Christian Daet at Pamilya

๐€๐๐† ๐‡๐€๐๐€๐˜ ๐๐† ๐๐‘๐”๐’๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐Œ๐Œ๐—๐—๐•๐ˆAng prusisyon ay isang katesismo na hayagang nagpapahayag ng ating pan...
19/03/2026

๐€๐๐† ๐‡๐€๐๐€๐˜ ๐๐† ๐๐‘๐”๐’๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐Œ๐Œ๐—๐—๐•๐ˆ

Ang prusisyon ay isang katesismo na hayagang nagpapahayag ng ating pananampalataya sa Diyos at mga banal. Sa mga prusisyon ng mga Mahal na Araw, tahasan nitong sinasalaysay ang kasaysayan ng kaligtasan na nakabatay sa Ebanghelyo o sa Pasyong Mahal.

Sa ating parokya, dalawang beses lumalabas ang prusisyon ng mga Mahal na Araw - tuwing Miyerkules Santo at Biyernes Santo. Ngayong taon, ang prusisyon ng Biyernes Santo ay katatampukan ng 81 mga karosa nagpapakita ng buhay, pagpapakasakit, at kamatayan ng Panginoon gayundin ng mga banal na may kaugnayan sa Kaniyang mahal na Pasyon.

Ipinapaalala sa mga mananampalataya na makilalahok dito, ang mahigpit na pagsunod sa mga tagubilin ng ating Parokya at cofradia na ibinaba sa lahat ng nangangalaga ng imaheng pang-Mahal na Araw. Maglaan ng pansapo sa tulo ng mga kandilang gagamitin sa pagpu-prusisyon.

๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐† ๐Œ๐Œ๐—๐—๐•๐ˆ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐Š๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง"Sapag...
15/03/2026

๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐€๐‘๐€๐– ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐๐€๐๐† ๐Œ๐Œ๐—๐—๐•๐ˆ
๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ค๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ, ๐Š๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง

"Sapagkat sinugo ng Diyos ang Kaniyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan Niya." -- Juan 3, 17

Narito ang talatakdaan ng mga gawain sa darating na mga Mahal na Araw sa ating parokya. Nang may pag-asa kay Hesus, ang Buhay at Muling Pagkabuhay, magkakasama tayong makibahagi sa pag-aalaala sa sakripisyo at kaluwalhatian ng Dakilang Nagmamahal sa atin.


*************
Maaari niyo rin po kaming i-follow sa mga sumusunod na Social Media Platforms!
Facebook: https://www.facebook.com/sanisidrolabradorbambang
Youtube: https://www.youtube.com/
TikTok: https://www.tiktok.com/

PABATIDBukas, Marso 15 2026, sa ganap na 10:00 N.U., ay ating isasagawa ang ikalawa at huling pagpupulong ng mga Camarer...
14/03/2026

PABATID

Bukas, Marso 15 2026, sa ganap na 10:00 N.U., ay ating isasagawa ang ikalawa at huling pagpupulong ng mga Camareros bilang paghahanda sa nalalapit na Mahal na Araw sa Bambang. Tatalakayin sa pagpupulong ang mga detalye sa Prusisyon at ang mga pagbabagong magaganap ngayong taon. Inaasahan ang pagdalo ng lahat ng camarero o isang โ€œrepresentativeโ€ sa nasabing pagpupulong.

Nasa larawan ang gayak ng St. Francis Hall na pagdadausan ng pulong ng mga Camareros.

Address

Bambang, Bulakan
Bulacan
3017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mahal na Araw sa Bambang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share