11/10/2025
Ikinagalak po naming inirepresenta ang pinal na Financial Report kaninang hapon , Oktubre 11, 2025 na nagdedetalye ng lahat ng ginastos at nalikom na pondo para sa matagumpay na Kapistahan ni Señora de Peñafrancia na idinaos noong Setyembre.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong walang-sawang pagmamahal at suporta na naging pundasyon ng ating kafiestahan. Ang bawat sentimo at kagamitan ay inilaan upang maparangalan ang ating Mahal na Ina.
🎗️Sa lahat ng Sponsors at Donors:
Maraming salamat sa inyong mga kontribusyon—pera, gamit, at iba pang donasyon. Kayo po ang nagbigay-buhay sa bawat gawain.
🎗️Sa mga miyembro ng Pastoral Council:
Salamat sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon. Kayo ang naging abala sa pagpaplano at pagsasakatuparan upang maging maayos at taimtim ang Kapistahan.
🎗️ Sa mga nag-ambag ng Lakas at Oras:
Sa lahat ng tumulong simula sa pagsasaayos ng Kapilya, sa mga Volunteers, at lalo na sa ating Kabataan na nagkusa para sa paghahanda at pagpapaganda ng bangka para sa Fluvial Procession—ang inyong serbisyo ay hindi matutumbasan.
At higit sa lahat sa ating
🎗️Mga Ka-Barrio at Komunidad:
Salamat sa lahat ng ka-Barrio na nagbigay ng kontribusyon at SUPORTA! Malaking bagay po ito!
Ang inyong pagkakaisa at pagmamahal kay Inang Peñafrancia ang nagtulay upang maging ganap ang tagumpay ng Pista.
Salamat din po sa lahat ng hindi man NABANGGIT ngunit naging bahagi ng tagumpay na ito.
Sa mga nais pong makita ang buong detalye, ito po ay na i-post na sa ating transparency board na matatagpuan sa loob ng ating Kapilya .
Sa muli, MARAMING SALAMAT at nawa’y pagpalain tayo ng ating Mahal na Ina!
Diyos na po ang Magbalos! 😊