05/04/2026
Featuring our Pillars 🤍
Apay Iton, Amay Azon, at Mamay Ezing — ang mga taong nagsilbing pundasyon ng aming pananampalataya at debosyon. Sila ang mga nagpasimula ng pagpapatayo para kay Ama tatlumpung taon na ang nakalilipas, na hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa aming komunidad.
Ang “Agony in the Garden” ay isa sa mga kauna-unahang santo sa Parokya ng Our Lady of Solitude sa Tambo, Buhi — isang patunay ng matibay na paniniwala at pagkakaisa ng mga naunang henerasyon.
Dalangin namin ang patuloy ninyong mabuting kalusugan, mas mahabang buhay, at mas marami pang taon na makasama. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at ingatan ng Diyos sa bawat araw. 🙏✨