28/10/2025
NOT ALL HEROES WEAR CAPES, SOME CARRY BIBLES AND PRAY🙏✨
Ngayong Oktubre, bilang Buwan ng Pagpapahalaga sa mga Pastor, kami ay nagtitipon upang pasalamatan ang mga lingkod ng Diyos na inatasang manguna, manalangin, mag-alaga, at magpalakas ng loob. Ang pagiging pastor ay isang marangal na tungkulin—mahirap, madalas hindi nauunawaan, pero punô ng pagmamahal at sakripisyo.
Mula nang tanggapin ninyo ang tawag ng Diyos para pangalagaan ang Kanyang mga anak, hindi naging madali ang landas. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagsubok, ang inyong tapang at pananampalataya ang naging daan upang kami ay mapalapit sa Kanya. Kayo ang aming sandalan sa panalangin, gabay sa pananampalataya, at paalala ng pag-asa.
Ipinapanalangin namin na kayo ay patuloy na pagpalain ng lakas, proteksyon, mahabang buhay, at kasaganaan. Nawa’y manatili ang inyong sigasig at pusong naglilingkod, ayon sa tawag ng Diyos sa inyong buhay.
Sa lahat ng taon ng tahimik na sakripisyo, sa mga sandaling kayo ay pinanghinaan ng loob, sa mga pagkakataong hindi kayo naunawaan ngunit pinili pa ring magmahal at maglingkod—taos-puso kaming nagpapasalamat. Hindi lingid sa amin ang inyong katapatan. Kayo ay tunay naming pinahahalagahan.
“And I will give you shepherds after my own heart, who will feed you with knowledge and understanding.” — Jeremiah 3:15
KALIPAY NAMON NA IKAW AMON PASTOR✨
10-26-2025