30/05/2026
FLORES DE MAYO 2026
Sa likod ng mga disenyo sa Simbahan, mga arko, mga makukulay na palamuti ay anv mga kamay na nagsama-sama upang magbigay buhay sa buong buwan ng Mayo.
Kabahagi natin sa bawat araw at paga-alay ang mga WOPIC, Kabataan ay ang ating Kura-Paroko sa ating Parokya ng Sto. Niño de Buenavista.
Ang isang matagumpay na gawaing ito ay bunga ng bawat pagod at pawis na kailanma’y hindi masusuklian at matutumbasan ng kahit ano mang halaga.
Ipinapaabot din natin ang ating taintim na panalangin at pasasalamat para sa ating mga naginv Hermano at Hermana 2026, sa Pamilya nina G. at Gng. Victorina Sarmiento kasama ang kanilang Pamilaya sa walang sawang suporta at pago-organisa ng mga kinakailangan pang gawin.
Sa mga Lider-Kabataan sa pangunguna ni Bro. Arjay Privado na hindi nagsasawang ibuhos ang kanyang pagod sa mga gawain, maraming salamat gayundin sa mga YIFI na nakibahagi at naki-isa sa mga gawain.
Ang lahat ng ito ay hindi rin natin makakamit kung hindi dahil sa ating Panginoon na nagbigay sa atin ng kalakasan at sentro ng ating pananampalataya.