31/10/2021
PAGTALAKAY TUNGKOL SA DAKILANG KAPISTAHAN NG MGA SANTO
1.) Ano ang "Halloween"?
— Ang "Holloween" ay "contraction" o pinaikling "Hollow's Eve[ning]". Ang "Hallow" ay nangangahulugang BANAL sa "Old English", at ang "Eve" naman ay BISPERAS sa wikang Filipino. Samakatuwid, ang "Halloween" ay BISPERAS ng Dakilang Kapistahan ng mga Banal o "All Saint's Day".
2.) Bakit naging gabi ng katatakutan ang "Halloween"?
— Sa paglipas ng panahon, nalihis sa katotohanan ang pagdiriwang ng "Holloween". Sapagkat mas nanaig sa karamihan na sundin ang kanilang hilig. Naibaling sa mga alamat ang kanilang pansin kaya hindi na pinakinggan ang katotohanan.
2Tim. 4:3-4, "Sapagkat darating ang panahong hindi na nila pakikinggan ang wastong aral; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. . . . Ibabaling nila sa mga alamat ang kanilang pansin at hindi na nila pakikinggan ang katotohanan."
3.) Masama na bang magdiwang ng "Halloween"?
— Hindi. Pero dapat nasasalig sa katotohanan ang pagdiriwang nito. Huwag itong gawing gabi ng lagim bagkus gawin itong gabi ng panalangin at pagninilay sa paanyaya sa banal na pamumuhay.(cf. 1Pedro 1:15-16) Sa halip na mag-costume ng mga nakakatakot ay i-cosplay na lamang ang mga santo at martir na kailanma'y hindi natakot mag-alay ng buhay para sa katotohanan. Ito'y isang isipang banal na sila'y alalahanin at tularan.
Hebreo 13:7, "ALALAHANIN ninyo ang mga NANGASIWA sa inyo, na NAGPAHAYAG ng salita ng Diyos. ISIPIN nga ninyo kung paano sila namuhay at namatay, at TULARAN ninyo ang kanilang pananalig sa Diyos."
4.) Ano ang "All Saint's Day"?
— Ang "All Saint's Day" o Dakilang Kapistahan ng mga Banal ay isang PAGPUPUGAY sa mga Santo na itinuturing na mga Bayani ng Simbahan o "Heroes of Faith". Sila ay kabilang sa Simbahang Nagtagumpay o "Church Triumphant" at masaya na silang kapiling ang Diyos sa langit.(cf. Pahayag 7:13-17)
5.) Ipinapanalangin ba natin ang mga banal/santo?
— Hindi natin sila ipinapanalangin bagkus tayo ang humihingi sa kanila ng tulong para ipanalangin tayo sa Diyos. Nasusulat, "MALAKI ANG NAGAGAWA NG PANALANGIN NG TAONG MATUWID."(Santiago 5:16). Sa aklat ng Pahayag, ito'y malinaw na inihayag: "ITO ANG PANALANGIN NG MGA BANAL."(Pahayag 5:8)
Pahayag 8:3-4, "Isa pang anghel na may dalang gintong insensaryo ang dumating at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming kamanyang upang ihandog sa damdanang ginto sa harap ng trono KALAKIP NG DALANGIN NG MGA HINIRANG NG DIYOS. Mula sa kamay ng anghel, pumailanlang sa harapan ng Diyos ang usok ng kamanyang KASABAY NG DALANGIN NG MGA HINIRANG NG DIYOS."
Sa saling Ingles ng nasabing mga talata ay malinaw na mababasa na ito ang "prayers of the saints":
Revelation 8:3-4, "Another angel with a golden censer came and stood at the altar; he was given a great quantity of incense to offer WITH THE PRAYERS OF ALL THE SAINTS on the golden altar that is before the throne. And the smoke of the incense, WITH THE PRAYERS OF THE SAINTS, rose before God from the hand of the angel."
6.) Bakit kailangan pa nating lumapit sa mga banal/santo at di na lang direkta sa Diyos?
— Tandaan natin na sa Diyos tayo nagdarasal. At lumalapit naman tayo sa mga banal/santo para tulungan tayong ipamanhik sa Diyos ang ating mga dasal.(cf. 1 Tim. 2:1-2) Ang paghingi natin ng tulong sa kanila na ipagdasal tayo ay "mabuti at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas."(1Tim. 2:3)
Hebreo 12:23, "Lumapit kayo sa masayang pagkakatipon ng mga ibinilang na panganay, na nakatala sa langit. LUMAPIT KAYO SA DIYOS na hukom ng lahat, AT SA MGA ESPIRITU NG MGA TAONG BANAL na naroon na sa dakong inilaan sa kanila ng Diyos."
7.) Maririnig ba ng mga santo ang paghingi natin ng tulong na ipagdasal tayo sa Diyos?
— Tanging Diyos lamang ang nakakabatid sa lahat ng bagay o "Omniscient". Ang mga santo ay "mga taong matuwid na pinapaging-ganap na."(Hebreo 12:23) Kaya mas lubos ang kaalaman nila kumpara sa atin na bahagya lang ang nalalaman at ito'y dahil nakita na nila ng mukhaan ang Diyos.(cf. 1 Cor. 13:9-12)
PRAY FOR US, OH HOLY SAINTS OF GOD!
-ADMIN BRO BEN SIDENO