22/07/2026
PAANYAYA
"Halina't sama-sama nating ipagdiwang ang Kapistahan ni San Juan Maria Vianney sa pamamagitan ng panalangin at Banal na Misa."
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Nobenaryo bilang paghahanda sa Kapistahan ni San Juan Maria Vianney.
Si San Juan Maria Vianney, na kilala bilang Patron ng mga Pari ay isang huwaran ng kababaang-loob, kabanalan, at walang sawang paglilingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang masigasig na pangangaral, pananalangin, at pagmamahal sa Sakramento ng Kumpisal, marami ang naakay pabalik sa pananampalataya.
Iskedyul ng Nobenaryo
Hulyo 24 – Agosto 1, 2026
🕔 5:00 ng umaga – Nobena at Banal na Misa
Kapistahan ni San Juan Maria Vianney
Agosto 2, 2026 (Linggo)
🕔 5:00 ng umaga – Prosisyon
🕕 6:00 ng umaga – Banal na Misa
🕗 8:00 ng umaga – Banal na Misa
Inaanyayahan po ang lahat ng mga kasapi, at mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang na ito at mag alay ng mga pa misa bilang pasasalamat at pagpupugay kay San Juan Maria Vianney..
ipanalangin mo kami🙏🙏🙏⛪⛪⛪