17/07/2026
๐ ๐๐-๐ฌ๐๐๐ฅ ๐๐ฉ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐โ๐ง ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฃ๐ง๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐๐ข๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐ญ๐๐ ๐๐๐๐๐ฆ, ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ช๐
Matagumpay na isinagawa ang Mid-Year (Semi-Annual) Evaluation sa iba't ibang chapter ng Archdiocese ng Zambales bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay at pagsusuri sa mga programa, proyekto, at gawaing naipatupad ng bawat chapter sa unang kalahati ng taon.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad nina Provincial COL President Mr. Luisito Susa at Archdiocesan Archbishop Msgr. Orlando Juan, katuwang ang mga kaparian at iba pang opisyal ng Simbahan.
Layunin ng Mid-Year Chapter Evaluation na masukat ang naging progreso ng bawat chapter, matukoy ang mga matagumpay na naisakatuparang programa, masuri ang mga hamong naranasan, at makapaglatag ng mga rekomendasyon upang higit pang mapaunlad ang kanilang mga gawain at serbisyo sa kongregasyon.
Ayon sa mga tagapangasiwa ng aktibidad, mahalagang bahagi ng evaluation ang pagbabahagi ng mga obserbasyon, puna, mungkahi, at positibong komento mula sa mga miyembro at lider ng bawat chapter. Sa pamamagitan nito, mas napalalakas ang koordinasyon, pagkakaisa, at pagtutulungan para sa patuloy na pag-unlad ng organisasyon.
Sa kasalukuyan, naisagawa na ang Mid-Year Evaluation sa San Marcelino-Castillejos, Botolan, Poblacion Iba, Amungan, Dampay - Pangolingan, San Lorenzo, Bamban, Poblacion Masinloc, Babancal, Lipay Chapter, at Tubo-Tubo Chapter.
Binigyang-diin din sa isinagawang pagsusuri ang kahalagahan ng transparency at accountability sa pagpapatupad ng mga programa at gawain bilang bahagi ng pagsusulong ng maayos, epektibo, at responsableng pamamahala sa loob ng organisasyon.
Sa kabuuan, naging mahalagang hakbang ang Mid-Year Chapter Evaluation sa pagtataya ng mga nagawa at hamong kinaharap ng bawat chapter. Inaasahang magsisilbing batayan ang mga natukoy na obserbasyon at rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga programa at gawain ng Archdiocese ng Zambales sa mga susunod na buwan.