19/02/2026
Ang Simula ng Espirituwal na Paglalakbay
Sa patnubay ng Espiritu ng Panginoon, sinisimulan natin kahapon (February 18, 2026) , Miyerkules ng Abo, ang paglalakbay ng taos-pusong pagbabalik-loob at muling pagtuklas ng ating araw-araw na pananagutan bilang binyagan. Sa pagpapahid ng abo at paanyayang magbagong-loob at manalanging may pananampalataya, nawa'y mapaalalahanan tayo ng ating pagbabalik sa alabok, mapalakas ang ating pasyang magbalik sa mga pangunahing bagay sa buhay, at talikuran ang lahat ng anyo ng pagpapakitang-tao, upang higit at mas matibay tayong makibahagi sa Muling Pagkabuhay ni Kristo.
๐: word and life publication