24/01/2026
๐๐ฝ๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด (๐๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ผ๐ผ๐ป๐ฏ๐ฎ๐๐ผ): ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น
Ibinahagi ni Rev. Fr. Roger T. Gallardo, Cathedral Canon, ang isang mensahe ng pananampalataya na gumagamit ng talinghaga ng batoโisang paalala na tayong mga mananampalataya ng Diyos ay tinatawagan na maging matibay at matatag sa gitna ng mga pagsubok sa buhay. Nawaโy ang ating pananampalataya ay manatiling hindi madaling matinag, upang hindi tayo mahiwalay sa kalooban ng Diyos at patuloy na mamuhay ayon sa isang buhay na kalugud-lugod at kasiya-siya para sa atin.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Father ang bukรกs-palad na diwa ni Apo Apang, na tulad ng isang ina, ay laging handang makinig sa mga hinaing ng kanyang mga anak. Sa kabila ng mga kahirapan, patuloy niyang ipinagkakaloob ang mga biyaya at tinutugon ang mga dalangin ng mga mananampalatayang may taos-pusong pananalig at pagtitiwala.
Ang mensaheng ito ay nagsisilbing paanyaya sa bawat isa na patibayin ang pananampalataya, panatilihin ang debosyon, at isabuhay ang diwa ng pasasalamat at pananalig hindi lamang tuwing kapistahan, kundi sa araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng buong komunidad.