31/05/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating Flores de Mayo Culmination Program 2026! sa Sto. Niño de Binabag.
Sa ating mga Magulang:
Maraming salamat sa inyong walang sawang paggabay at suporta sa ating mga aktibidad mula sa unang araw. Kayo ang naging pundasyon upang maging matagumpay ang programang ito.
Sa ating mga Youth Leaders:
Salamat sa inyong dedikasyon, pamumuno, at tapat na paglilingkod sa simbahan. Ang inyong lakas at talento ay isang malaking biyaya sa ating komunidad.
Sa ating mga Kabataan:
Isang mahigpit na yakap sa inyong kasipagan at pagdalo simula Day 1. Nawa’y ang mga natutunan ninyo tungkol sa kaalaman, pananampalataya, at aral ng simbahan ay baunin at isabuhay ninyo sa bawat araw.
Higit sa lahat, sa ating Panginoong Diyos, na palaging nariyan, gumagabay, at nagpapala sa bawat hakbang ng ating buhay.
Pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal!