18/10/2025
β¨ COG Kaligtasan Monthly Samba Zumba & Evangelism Activity β¨
October 18, 2025 | Kaligtasan - Libtong, Roxas
Salamat sa Diyos sa isang matagumpay na araw! π
After na mapalakas ang puso sa ginawang zumba habang sumasamba, humayo kami dala ang apaw ng pagmamahal na unang ipinadama ng Panginoon. β€οΈβπ₯ Ibaβt ibang kwento at sitwasyon ang aming naabutan at narinig, pero iisang pag-asa ang aming naibahagiβang pag-asang kay Jesus lang matatagpuan! π
Nagkaroon ng ginhawa at nakaramdam ng gaan sa gitna ng bigat ng sitwasyon sa buhay, at ang mahalaga ay kumilala kay Jesus at tumanggap sa iniaalok Nitong libreng pag-asa ng kaligtasan. Ang Diyos na ang bahala sa mga binhing naihasik π
Tunay na isang pribilehiyo na magamit bilang kamay ng Diyos para abutin ang mga mahal at tinubos Niya! Kaya't patuloy na nagpapasalamat dahil may oras pa π
Sa Diyos ang karangalan π