19/09/2020
6 na buwan na ang nakalilipas subalit patuloy pa rin tayong sinusubok dulot ng pandemyang COVID-19. May mga pagkakataon pa nga na tayo ay ibinalik sa 10 katao lang ang maaaring magsimba. Dahil sa sitwasyong ito ay patuloy na nababawasan at lumiliit ang pondo ng ating simbahan sapagkat tuloy-tuloy ang mga gastusin at bayarin.
Upang maiwasan ang pagkaubos ng ating pondo ay isang proyekto ang aming napagkasunduang isagawa. Ito ay ang “HANDOG KO PARA KAY APO KIKO’ na kung saan ay mangangalap kami ng mga bagay o kagamitang pwedeng ipamigay ngunit maaari pang magamit. Kasunod nito ay ang pagbubukas ng bazaar upang ipagbili ang mga kagamitan na maiipon.
Sa mga nagnanais makiisa at tumulong sa proyektong ito ay nasa ibaba po ang mga detalye
Pangalan ng Proyekto:
HANDOG KO PARA KAY APO KIKO (Grand Bazaar)
Perang Malilikom:
SUPORTA PARA SA PAROKYA
Maaring itulong:
MGA KAGAMITAN SA INYONG TAHANAN NA PWEDENG
IPAMIGAY NGUNIT MAAARI PANG MAGAMIT
(damit, bag, sapatos, tsinelas, appliances, plato, baso, tasa,
salamin, banko, lamesa, kaldero, kawali, kaserola atbp)
Saan maaring dalin:
OPISINA NG ATING PAROKYA (St. Francis Of Assisi)
Kailan maaaring dalin:
BUONG BUWAN NG SETYEMBRE
Mga numero na maaaring tawagan:
09214332891, 09489230389, 09432556203