22/10/2023
https://www.facebook.com/100044330924793/posts/875820700572286/?mibextid=CDWPTG
Hi Ka MP! Eto naman po yung isang side ng lipatan ng church. Para po sa mga lumipat na sa ibang church, iwasan na po natin mag-salita ng masakit sa pinanggalingan nating Church. Isipin na lang po natin na marami rin namang mabuting ginawa ang leaders o Pastors natin dati. Ika nga po ay “don’t curse the hands that once feed you.” Yung mga Pastors natin dati ay nandun nung kailangan mo sila. Umalalay sa yo nung hirap na hirap kang harapin ang pagsubok sa buhay. Nakisaya sila sa yo nung may pagdiriwang ka at nakiramay nung nagluluksa ka. Kaya po kung umalis ka na at kahit may hindi magandang nangyari ay meron din naman kayong pinagsamahan. Kaya hindi po maganda na nagsasalita pa tayo laban sa kanila. Lahat po tayo may depekto kaya po kahit saan tayo magpuntang church ay pakikisamahan pa rin natin ang mga taong may depekto kagaya mo. Kaya po pag-ibig at kapatawaran ang pairalin kahit may iba na tayong dinadaluhan na church! Wagi ang mapagpakumbaba! PTR. A & JECK CADELIÑA