Parokya ng San Pedro de Alcantara

Parokya ng San Pedro de Alcantara Isang pamayanang nagkakaisa sa paglilingkod at Pananampalataya sa alab ng pagmamahal ni Jesus.

๐Ÿ’ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ“ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒUNANG PAGBASAMga Gawa 14, 5-18Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga ...
04/05/2026

๐Ÿ’ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ“ ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 5-18

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, kumilos agad ang mga Hentil at ang mga Judio, kasama ng kanilang mga pinuno, laban sa mga apostol; binalak nilang lapastanganin at batuhin sila. Subalit nang malaman ito ng mga apostol silaโ€™y tumakas patungo sa Listra at Derbe, mga lungsod ng Licaonia, at sa lupaing nasa palibot. At doon nila ipinangaral ang Mabuting Balita.
Sa Listra, may isang lalaking di makalakad, sapagkat siyaโ€™y lumpo mula sa pagkabata. Nakaupo siyaโ€™t nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpoโ€™y may pananampalataya upang mapagaling, tinitigan niya ito, at malakas na sinabi, โ€œTumayo ka nang tuwid!โ€ At lumukso ang lalaki at nagpalakad-lakad. Nang makita ng taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, โ€œNanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!โ€ Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo, sapagkat siya ang tagapagsalita. Nasa pagpasok ng lungsod ang templo ni Zeus. Nang marinig ng saserdote nito ang nangyari, nagdala siya sa pintong lungsod ng mga torong may kuwintas na bulaklak upang ihandog niya at ng taong bayan sa mga apostol. Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, hinapak nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila, โ€œMga ginoo, huwag ninyong gawin iyan. Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, at ng lahat ng naroroon. Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang kagustuhan. Gayunmaโ€™y nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit at ng masaganang ani sa takdang panahon. Binubusog niya kayo ng pagkain at pinuspos ng kagalakan ang inyong mga puso.โ€ Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin sila ng pagpigil sa mga tao sa paghahandog sa kanila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 113 B, 1-2. 3-4. 15-16

Dapat nating papurihan
ang pangalan ng Maykapal.

MABUTING BALITA
Juan 14, 21-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œAng tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at akoโ€™y lubusang magpapakilala sa kanya.โ€ Tinanong siya ni Judas, hindi ang Iscariote, โ€œPanginoon,โ€ bakit po sa amin lamang kayo magpapakilala nang lubusan at hindi sa sanlibutan?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œAng umiibig sa akin ay tutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kamiโ€™y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga Salita. Hindi akin ang salitang narinig ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
โ€œSinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Holy Mother of God(Birth-Giver of God)Mother and child in the medallion reflect and complement the Nativity event below....
04/05/2026

Holy Mother of God
(Birth-Giver of God)

Mother and child in the medallion reflect and complement the Nativity event below. Both God the Father and Mary proffer the same truth,

โ€œEgo hodie genui te.โ€ โ€œToday I have given birth to you.โ€

โ€œPeperit filium suum primogenitum.โ€ (Luke 2:7). โ€œAnd she gave birth to her firstborn Son.โ€

Holy Mother of God, pray for us.






Source: https://udayton.edu/imri/mary/l/litany-of-loreto-in-context.php

๐ŸŽ๐Ÿ’ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ, ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐„๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จO Banal na Espiritu, ituro mo po sa akin na alamin at pagsikapan...
03/05/2026

๐ŸŽ๐Ÿ’ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ, ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐„๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ

O Banal na Espiritu, ituro mo po sa akin na alamin at pagsikapan ang hantungan ng aking buhay. Ipagkaloob mo po ang banal na pagkatakot sa Diyos, ang tunay at tapat na pagsisisi at pagtitiyaga. Huwag mo pong itulot na mahulog ako sa kasalanan. Nawaโ€™y lumago ang aking pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, at payabungin sa aking kaluluwa lahat ng lakas na kailangan ko sa estado ng aking buhay.

Gawin mo po akong matapat na alagad ni Hesus at masunuring anak ng simbahan. Bigyan mo po ako ng mabisang biyaya upang tupdin ang mga Utos ng Diyos at upang marapat na tumanggap ng mga sakramento. Ibuhos mo po sa akin ang mga kaloob mo at bunga. Itanghal mo po ako sa kabanalang ninanais mo para sa akin at akayin sa payapa at maligayang pagpanaw tungo sa buhay na walang hanggan. Sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.


03/05/2026

03 ๐Œ๐€๐˜๐Ž 2026 | ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐Š๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐๐”๐‡๐€๐˜

Halina't makinig at sariwain ang makabuluhang homilya ni ๐‘๐๐จ. ๐. ๐†๐ข๐ฅ ๐•. ๐‚๐š๐ฃ๐ฎ๐ซ๐š๐จ, ๐„๐๐. Ngayong ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ

Sama-sama tayong lumago sa pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang mga salita.



๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒBanal na Misa ng ika-5 ng haponRdo. P. Rayben A. BundocPuno...
03/05/2026

๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ

Banal na Misa ng ika-5 ng hapon

Rdo. P. Rayben A. Bundoc
Punong Tagapagdiwang



๐๐€๐๐†๐€๐‘๐€๐‹ | โ€œHindi tayo nag-iisa, kasama natin si Hesus. Hindi tayo nag-iisa, may patutunguhan ang ating paglalakbay.โ€ โ€” ...
03/05/2026

๐๐€๐๐†๐€๐‘๐€๐‹ | โ€œHindi tayo nag-iisa, kasama natin si Hesus. Hindi tayo nag-iisa, may patutunguhan ang ating paglalakbay.โ€ โ€” Rdo. P. Gil V. Cajurao, EdD.

๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ



๐—œ๐—ž๐—”๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ญ๐จ๐ฅPAGTATALAGA SA PAMUNUAN NG SIMBA-ARALANโ€Ž26 Abril...
03/05/2026

๐—œ๐—ž๐—”๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ
๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ญ๐จ๐ฅ

PAGTATALAGA SA PAMUNUAN NG SIMBA-ARALAN

โ€Ž26 Abril 2026 | Banal na misa
โ€ŽParokya ng San Pedro de Alcantara
โ€ŽTaal, Bocaue, Bulacan
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ3 Mayo 2026 | Banal na misa โ€ŽParokya ng San Pedro de Alcantara โ€ŽTaal, Boca...
03/05/2026

๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ
3 Mayo 2026 | Banal na misa
โ€ŽParokya ng San Pedro de Alcantara
โ€ŽTaal, Bocaue, Bulacan
โ€Ž

๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—”๐—ฆ ๐—™๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ฆ | Paghahatid ng Virgen Delas Flores De Bocaue papunta sa St. Martin of Tours Parish Bocaueโ€Ž30 Abril...
03/05/2026

๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ง๐—” ๐——๐—˜ ๐—Ÿ๐—”๐—ฆ ๐—™๐—Ÿ๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—ฆ | Paghahatid ng Virgen Delas Flores De Bocaue papunta sa St. Martin of Tours Parish Bocaue

โ€Ž30 Abril 2026 | Huwebes
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐ข๐ง๐š ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ฅ๐ข๐ฉ๐ž ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จMga ApostolSabay ang pagdiriwang ngayon ng isang pares ng mga aposto...
02/05/2026

๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐ข๐ง๐š ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ฅ๐ข๐ฉ๐ž ๐š๐ญ ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จ

Mga Apostol

Sabay ang pagdiriwang ngayon ng isang pares ng mga apostol ng Panginoong Jesus, sina San Felipe at San Santiago, mga apostol. Ito ay dahil ang orihinal na pista ay tungkol sa pagtatalaga ng isang basilika o malaking simbahan kung saan nakalagak ang mga relic o mga naiwang labi ng dalawang apostol na ito.

Tulad ng magkapatid na apostol na sina San Pedro at ni San Andres, si San Felipe ay mula din sa lugar na tinaguriang Betsaida sa Galilea. Sa Mabuting Balita ni San Juan, mababasa na kasunod ng pagtawag kay Pedro at Andres, tinawag ng Panginoon si Felipe.

Dagli namang tumalima si Felipe nang siya ay hamunin ni Jesus na maging tagasunod niya. Sa sobrang tuwa nga ni Felipe ay tinawag naman niya at ipinakilala sa kaibigang si Nataniel ang Panginoon, na siyang pinaniniwalaan niyang tugon sa pangarap ng Israel na Mesiyas o Tagapagligtas (Jn 1:43-46).

Nang may dumating na mga Griyego na nais makita si Jesus, si Felipe ang kanilang nilapitan. Pinuntahan ni Felipe si Andres at magkasama silang lumapit sa Panginoon (Jn 12:20-22).

Kinausap ni Jesus si Felipe bago ang himala ng pagpaparami ng mga tinapay at kinausap niya din ito noong Huling Hapunan matapos hilingin ni Felipe na ipakita ni Jesus sa kanila ang Ama (Jn 14:8-11).

Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesucristo, nagpunta si Felipe sa lugar na tinatawag na Phrygia (ngayon ay isang lugar sa Turkey), at maaaring sa Greece din upang ipahayag ang Mabuting Balita. Sa Hierapolis sa Phrygia, ipinako sa krus at namatay bilang isang martir o saksi kay Kristo ang apostol na ito.

Si Santiago* naman ay anak ni Alfeo at pinsan ng Panginoong Jesus (kapatid ang salitang gamit sa Biblia upang tukuyin ang malalapit na kamag-anak tulad ng mga pinsan). Tinatawag din siya na โ€œang Maliitโ€ o โ€œthe Less.โ€

Pinamunuan ni Santiago ang Simbahan sa Jerusalem bilang unang obispo dito pagkatapos ng Pagkabuhay na mag- uli ni Jesus. Sinasabing siya ang sumulat ng isa sa mga Sulat sa Bagong Tipan ng Biblia subalit marami pang usapin ang mga eksperto sa bagay na ito.

Dahil sa kanya ay maraming mga Judio ang naging tagasunod ng bagong pananampalataya. Ang kanyang tagumpay ang naging sanhi upang siya ay maging martir. Ayon sa tradisyon, inihulog siya mula sa tuktok ng Templo ng Jerusalem. Dahil hindi siya agad namatay, pinagbabato siya ng mga tao. Sa huli ay hinataw siya ng kahoy na pambambo sa ulo na naging sanhi ng tiyak niyang kamatayan. Namatay siya noong taong 62.

Napakagandang isipin kung paano natin nililingon ang katotohanan na ang ating Simbahan ngayon ay โ€œapostoliko.โ€ Ibig sabihin nito, ang Simbahan ay nakatayo sa buhay, pangaral, at kamatayan ng mga orihinal na alagad ng Panginoon. Ito ang pinakamatinding tanda ng pagkakaugnay ng ating pananampalataya sa Panginoong Jesus mismo.

San Felipe at Santiago, Ipanalangin mo kami!


02/05/2026

[๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜] ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ

3 Mayo 2026 | Banal na misa

โ€ŽParokya ng San Pedro de Alcantara
โ€ŽTaal, Bocaue, Bulacan
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐’๐€๐Œ๐€-๐’๐€๐Œ๐€๐๐† ๐ƒ๐”๐Œ๐”๐‹๐Ž๐† ๐’๐€ ๐ƒ๐€๐Œ๐๐€๐๐€ ๐๐† ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐˜๐Ž๐’!๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ (๐€)...
02/05/2026

๐‡๐€๐‹๐ˆ๐๐€โ€™๐“ ๐’๐€๐Œ๐€-๐’๐€๐Œ๐€๐๐† ๐ƒ๐”๐Œ๐”๐‹๐Ž๐† ๐’๐€ ๐ƒ๐€๐Œ๐๐€๐๐€ ๐๐† ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐ƒ๐ˆ๐˜๐Ž๐’!

๐ŸŽ๐Ÿ‘ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ (๐€)

NARITO ANG MGA PAGBASA SA ARAW NG LINGGO

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 6, 1-7

SALMONG TUGUNAN
P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig moโ€™y aming hiling.

IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 2, 4-9

MABUTING BALITA
+ San Juan 14, 1-12

๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐— ๐—œ๐—ฆ๐—”
6:00 N.U. | 8:30 N.U. | 5:00 N.H.

Sa araw ng Panginoon, tayoโ€™y tinatawag na magtipon bilang isang sambayanan. Tayo ay magpasalamat, manalangin, at tumanggap ng biyaya mula sa P**n. Halinaโ€™t sama-samang dumulog sa Kanya!


Address

San Pedro De Alcantara Parish, Taal, Bulacan
Bocaue
3018

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ng San Pedro de Alcantara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parokya ng San Pedro de Alcantara:

Share