31/12/2016
+ SA NGALAN NG AMA, NG ANAK at NG ESPIRITU SANTO, AMEN.
Mga Kapatid, lumuhod tayo sa harap ng larawan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno Sambahin natin Siya na nakaluklok sa kanan ng Amang nabubuhay magpakailanman.
Mga Kapatid, pakinggan po ninyo ang sinasabi ng ating Panginoon. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nag-sinungaling kailanman. Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti. Nang siya'y pahirapan, hindi siya nagbanta; sa halip, ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat kayo ay tulad ng mga tupang naliligaw, ngunit ngayon kayo'y nanumbalik na upang sumunod sa Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
LAHAT : Nuestro Padre Jesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos ! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, Parangal at paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman, Amen.
Namumuno :
Ikaw ang tanging Anak ng Diyos. Naging anak ka rin ni Mariang Birheng Kalinis-linisan. Bigay ka ni Maria sa amin. Bilang tagapagligtas at kapatid. Bigay Mo si Maria sa amin bilang Ina namin at pag-asa. Pinuno mo siya ng grasya Punuin mo rin kami ng grasya ng Espiritu Santo: Pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, Pagtitiyaga, kagandahang-loob, Kabutihan, katapatan, kaamuan at pagpipigil sa sarili, Amen.
LAHAT : Nuestro Padre Jesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos ! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, Parangal at paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman, Amen.
Namumuno :
Inilalarawan mo sa amin ang mukha ng Diyos na di nakikita ang Diyos na puspos ng pag-ibig at lipos ng habag katulad mo kami sa lahat ng bagay, liban sa kasalanan. Sa Binyag kami ay ginawa mong mga Anak ng Diyos na banal sa aming pamumuhay araw araw. Maipakita nawa naming ang nakalulugod sa Ama Namin. Amen.
LAHAT : Nuestro Padre Jesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos ! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, Parangal at paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman, Amen.
Namumuno :
Lubos mong nauunawaan at nadadama kung gaano kasama ang kasalanan ng bawat tao sa nakaraan, sa kasalukuyan at hanggang sa katapusan ng panahon sinunod mo ang Kalooban ng Ama na iyong tiisin ang maraming hirap at kamatayan sa krus Para tubusin ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan at bansa at gawin silang mga saserdote para maglingkod sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Kami nawa’y makasama sa iyong patuloy na pagtitiis ng kahirapan para sa kaligtasan ng sanlibutan Amen.
LAHAT : Nuestro Padre Jesus Nazareno, aming Panginoon at Diyos ! Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri at pasasalamat, Parangal at paggalang, kadakilaan at kapangyarihan magpakailanman, Amen.
Namumuno :
Sapagkat ikaw ay mabuti, ang pag-ibig mo’y napakatatag nanantili hindi kukupas, walang katapusan, hindi magwawakas Amen.
MGA KAHILINGAN NG BAYAN SA MAHAL NA POONG JESUS NAZARENO de QUIAPO
UNANG ARAW
Tugon : MAAWA KA PANGINOON
1. JESUS NAZARENO, sa Katolikong Malayo sa simbahan
2. JESUS NAZARENO sa madalang manalangin
3. JESUS NAZARENO sa mga hinahatulang mamatay
4. JESUS NAZARENO, sa mga labis na pinahihirapan
5. JESUS NAZARENO sa mga di marunong magtiis
6. JESUS NAZARENO sa mga sobra na ang paghihirap
7. JESUS NAZARENO sa mga mag-asawa sa hirap at dusa
8. JESUS NAZARENO, sa mga ina ng mga suwail
9. JESUS NAZARENO, sa mga yumaong nag-iisa
10. JESUS NAZARENO, sa mga ayaw manalig sa iyo
11. JESUS NAZARENO, sa mga may-anak na magpapari
12. JESUS NAZARENO, sa mga namamanata sa Diyos
13. JESUS NAZARENO, sa mga nagbabaon ng kasalanan
14. JESUS NAZARENO, sa mga bagong lingkod ng Diyos
Manalangin Tayo : Ama naming Makapangyarihan, niloob mong akuin ng iyong Anak ang krus at kamatayan upang ang sangkatauha’y matubos at mabuhay. Ang pag-ako naming sa krus at kamaayan dito sa lupa ayon sa diwa ng pagsunod sa iyong loob na ginanap ng iyong Anak ay magpagindapat nawang aming kamitin ang lubos na katubusan at pagkabuhay sa iyong piling sa pamamagitan ni Jesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. AMEN.
Mga Kapatid, pakinggan po ninyo ang sinasabi ng ating Panginoon. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay?
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyo'y gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito.
Mga Kapatid, pakinggan po ninyo ang sinasabi ng ating Panginoon. Totoo ang kasabihang ito “Kung tayo’y namatay na kasama ni Jesukristo mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo’y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya. Kapag siya’y ating ikinahiya, ikakahiya rin iya tayo Kung tayo man ay hindi tapat, siya’y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
+ SA NGALAN NG AMA, NG ANAK at NG ESPIRITU SANTO, AMEN.
Nuestro Padre Jesus Nazareno. Maawa ka sa amin.