25/08/2026
August 24, 2026
Lunes
Manatiling tapat kay Cristo
Tayo man ay magtatagumpay
Part # 369
Sa biyaya ng Diyos sa atin,
Patuloy tayo sa kagalakan sa banal na presensya niya.
Na nagpapasalamat, nagpupuri, nagluluwalhati, at sumasamba sa Diyos,
Sa Espiritu at katotohanan.
Amen.
Sa kabutihan ng Diyos,
Sa ating patuloy na devotion.
Sa patnubay at pangunguna sa atin, ng Espiritu Santo.
Bulayin natin ang mga makatotohanang mga salita ng Diyos, na mga pagkaing espirituwal natin, bilang mga anak na ng Diyos.
Bulayin natin ang mga pahayag ni Yahweh sa kanyang bayang Israel,
Sa pamamagitan ni Moises.
M.B.B.
Deuteronomio 6:1-9
Title: Ang pangunahing utos
1. Ito nga ang kautusan at mga tuntuning ibinigay niya sa akin, na siya ninyong susundin sa lupaing iyong sasakupin.
2. Ang mga ito'y ibinigay sa inyo ni Yahweh, at sa inyong mga anak, at sa mga susunod na salinlah,
Upang magkaroon kayo ng takot sa kanya
Kung ito'y susundin ninyo, hahaba ang inyong buhay.
3. Kaya nga, pakinggan ninyo ito at sunding mabuti.
Kung magkagayon sasagana kayo, at darami ang inyong lahi pagdating ninyo sa lupaing ipinangako ni Yahweh,
Ang Diyos ng inyong mga ninuno, sa lupain mayaman at sagana sa lahat ng bagay.
4. Pakinggan mo, O Israel.
Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh!
5. Ibigin mo si Yahweh na iyong Diyos ng buong puso, buong kaluluwa at buong lakas.
6. Ang mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso.
7. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak, pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakabag, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga.
8. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo.
9. Isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay, at mga tarangkahan.
Amen.
Reflection:
Purihin ang Diyos nating si Yahweh,
Mula pa sa lumang tipan sagana ang mga pahayag ni Yahweh, para sa ating kabutihan, maging mahaba ang buhay, at sagana ang pamumuhay.
Amen.
Magkaroon tayo ng banal na takot sa kanya, na matapat na sumusunod sa kanyang mga utos.
Amen.
Pakatandaan ang pangunahing utos.
Talatang 5. Ibigin ang Diyos ng buong puso, buong kaluluwa at buong lakas.
Amen.
6. At ang mga utos niya'y itanim natin sa atin puso.
Amen.
Bulayin pa natin ang buhay ni Josua
Josue 1: 5-8
5. Walang makakagapi sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita gaya ng pagpatnubay ko kay Moises.
Hindi kita iiwan ni hindi pababayaan man.
6. Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob,
Sapagkat ikaw ang mamumuno sa bayang ito sa pagsakop nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako nila sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ayon sa aking pangako sa inyong mga ninuno.
7. Basta't magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob,
Sundin mong mabuti ang buong kautusang ibinigay sa inyo ni moises.
Huwag kang Susuway sa anumang nakasaad doon.
At magtatagumpay ka saan ka man magpunya.
8. Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kaitusan.
Pagbulay-bulayin mo iyon araw at gabi, upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon, sa ganoon.
Magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.
Amen.
Reflection:
5. Sa pagsunod natin sa mga utos ng Diyos, sinasamahan niya tayo,
Tulad ng ginawa niya kay Moises na sinasabing hindi kita iiwan ni pababayaan man.
Amen.
6. Maging matatag tayo at lakasan ang loob,
Sapagkat talagang mayroon tayong iba't ibang gawain sa pagsunod sa Diyos.
Amen.
7. Sundin nating mabuti ang mga utos sa atin, huwag tayong Susuway sapagkat ito'y kasalanan, na may kapahamakan.
Amen.
8. Basahin natin at pagbulay-bulayan araw at gabi ang kautusan, upang magawa at ipamuhay natin ang sinasaad nito at maging matagumpay tayo sa biyaya ng Diyos.
Amen.
Mapalad ang sumusunod sa kautusan, na nagdudulot ng kaluguran sa Diyos ,
Sapagkat sumasakanila ang patnubay ng Diyos.
Bulayin natin ang gumagawa ng masama,
M.B.B.
Awit 1: 4-6
4. Hindi gayon ang gumagawa ng masama, ito'y tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.
5. Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan.
Siya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.
6. Sa atong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay, ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.
Amen.
Kaya't lumayo tayo, sa anumang mungkahi ng masamang espiritu ni satanas.
Patuloy natin sundin ang banal na kalooban ng Diyos,
Sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo.
Amen.
At sa Diyos ang pasasalamat, pagpupuri, pagluwalhati, at pagsamba natin.
At sumaatin ang dakilang pag-ibig, habag, pagpapatawad, pagpapala, pagliligtas, at bendisyon.
Sa pangalan ng
Diyos Ama,
Diyos Anak,
Diyos Espiritu Santo.
Amen.
Amen.
Amen.