Servers of the Altar - St. Martin of Tours Parish

Servers of the Altar - St. Martin of Tours Parish The Official FB Page of St. Martin of Tours- Servers of the Altar (SOA)

"Isang samahan ng mga kaba

03/07/2023

Ika-3 ng Hulyo, 2023
π—œπ—žπ—”π—”π—£π—”π—§ 𝗑𝗔 π—šπ—”π—•π—œ π—‘π—š π—Ÿπ—¨π—§π—₯π—œπ—‘π—”
π‘°π’Œπ’‚π’‚π’‘π’‚π’• 𝒏𝒂 π‘¨π’“π’‚π’˜ π’π’ˆ π‘·π’‚π’ˆπ’”π’Šπ’”π’Šπ’šπ’‚π’Ž 𝒔𝒂 π‘²π’‚π’“π’‚π’π’ˆπ’‚π’π’‚π’ π’π’ˆ 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒐𝒐𝒏 π’π’ˆ 𝑲𝒓𝒖𝒔 𝒔𝒂 π‘Ύπ’‚π’˜π’‚

Ating pagnilayan sa sama-samang pananalangin sa Ikaapat na Gabing ito ang ating Inang Simbahan. Ipanalangin natin yaong mga taong pinag-uusig dahilan sa kanilang relihiyon. Liwanagan nawa ang isipan ng mga taong bumabatikos sa ating pananampalataya. Isama rin natin sa ating mga panalangin ang mga sarili nating mga kahilingan at ialay ang ating sarili sa P**ng Maykapal.

O Mahal na P**n ng Krus sa Wawa, pag-alabin Mo sa amin ang tunay at wagas na pag-ibig!






11/11/2021

MISA KONSELEBRASYON | Nobyembre 11, 2021 | 9:00 N.U.

DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN MARTIN NG TOURS
β€’ Ang Mapaghimalang Santo at Patron ng Bayan ng Bocaue β€’

TAGAPAGDIWANG NG BANAL NA MISA:
Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.,
Obispo ng Malolos

β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’
MGA ORAS NG BANAL NA MISA:
6:00 n.u. | 7:30 n.u. | 5:00 n.h.
9:00 n.u. - MISA KONSELEBRASYON
6:00 n.g. - Prusisyon (Metro Poblacion)
β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’ β€’

Mapapanuod din ang ating Online Masses sa Diocesan Shrine of Mahal na P**n ng Krus sa Wawa na official YouTube Channel ng Parokya ni San Martin ng Tours.
https://youtube.com/channel/UCi5vO7pjj2QB9TyWvU_fkoA

Sa mga nagnanais pong magpamisa, maaari pong i-click ang link na nakatala sa ibaba.
Maraming Salamat po!

https://docs.google.com/forms/d/1XxEH07TygCgoh2tCaYydJ49hEgdRmkFQDLrUjM1pNQ0/edit?usp=sharing
For Gcash Account - 09274083494








06/11/2021

Bilang paghahanda sa Kapistahan ni San Martin ng Tours. Ang mapaghimalang Santo at Pintakasi ng Bayan ng Bocaue amin namin kayong iniimbitahan na makinig at pagnilayan ang buhay ni San Martin ng Tours kasama ang ating Parochial Vicar na si Fr. Prince Marcelo at si Sis. Honey Santiago ngayong ika-8 ng gabi.






KAPISTAHAN NI APOSTOL SAN MATEO Manunulat ng Mabuting Balita Setyembre 21, 2021Panalangin kay Apostol San Mateo Ama nami...
21/09/2021

KAPISTAHAN NI APOSTOL SAN MATEO
Manunulat ng Mabuting Balita
Setyembre 21, 2021

Panalangin kay Apostol San Mateo
Ama naming makapangyarihan, sa iyong habag na hindi namin malirip minarapat mong hiranging apostol si San Mateo. Kaming tinutuwangang lubos ng kanyang halimbawa at pagdalangin ay pagindapatin mong maging matalik mong kaugnay sa pagsunod namin sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Amen.

San Mateo Apostol, ipanalangin mo kami!



KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA Setyembre 8, 2021"Si Maria na kanyang ina... ay natagpuang nagdadalang...
08/09/2021

KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
Setyembre 8, 2021

"Si Maria na kanyang ina... ay natagpuang nagdadalang-tao... sa pamamagitan ng Espiritu Santo." - Mateo 1:18

La NiΓ±a Maria de Bocaue, ipanalangin mo kami!



KAPISTAHAN NI APOSTOL SAN BARTOLOME Agosto 24, 2021PANALANGIN KAY SAN BARTOLOME, APOSTOLO maluwalhating San Bartolome, t...
24/08/2021

KAPISTAHAN NI APOSTOL SAN BARTOLOME
Agosto 24, 2021

PANALANGIN KAY SAN BARTOLOME, APOSTOL
O maluwalhating San Bartolome, tinawag ka ni Jesus na taong walang pagkukunwari, at nakita mo ang tanda sa mundong ito na Siya ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na sa tuwina ay huwag magbalat kayo at payak na tulad ng kalapati. Gayundin naman, tulungan mo kami na mapasa-amin ang biyaya ng iyong pananampalataya na makita ang mapagpalang kamay ng Diyos sa mga pangyayari sa pang-araw-araw naming buhay. Nawa’y mapagtanto namin ang mga tanda ng panahon na maghahatid sa amin kay Hesus dito sa lupa at humantong nawa sa pakikipagkaisa namin sa kanya sa langit magpakailanman.
Amen.

San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami!




Maligayang Kapistahan Nuestra SeΓ±ora dela Asuncion de Bulakan  Lakambini ng Katalugan at Pintakasi ng Bayan ng BulakanAg...
15/08/2021

Maligayang Kapistahan Nuestra SeΓ±ora dela Asuncion de Bulakan
Lakambini ng Katalugan at Pintakasi ng Bayan ng Bulakan
Agosto 15, 2021

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION
Ama naming makapangyarihan, sa Iyong kaningningan
Naakit ang Mahal na Birheng Maria Sa tulong ng Iyong biyaya
Namuhay siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong itinakda
Kaya't pinagpala Mo siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa't katawan

Ibinigay Mo sa amin siyang Ina at huwaran
Sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan
Pagindapatin Mo na kami'y mamuhay rin sa kalinisan
At karapat-dapat sa Iyong mga itinakda
At kaisa niya'y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
Nuestra SeΓ±ora de la Asuncion de Bulakan, ipanalangin mo kami!


KAPISTAHAN NI SAN TARCISIO NG ROMAAgosto 15, 2021PANALANGIN KAY SAN TARCISIOO pinagpalang San Tarcisio, martir ng panana...
15/08/2021

KAPISTAHAN NI SAN TARCISIO NG ROMA
Agosto 15, 2021

PANALANGIN KAY SAN TARCISIO
O pinagpalang San Tarcisio,
martir ng pananampalataya na pinag-alab ng marubdob na pagmamahal sa Banal na Eukaristiya at nagtamasa ng kaligayahan ng kamatayan sa piling ni Jesukristo sa anyo ng tinapay.
Aming ipinapanalangin sa pamamagitan mo na ang aming mga puso ay mapuno ng pag-ibig sa aming palagiang pagtanggap kay Jesukristo sa aming dibdib at sa huling bahagi ng aming buhay ay aming sapitin ang kaluwalhatian ng langit sa Kanyang piling.
Amen.

San Tarcisio ng Roma, ipanalangin mo kami!





Kapistahan ni San Tarcisio | Agosto 15, 2021Mula po sa Samahan ng Servers of the Altar ng Parokya ni San Martin ng Tours...
15/08/2021

Kapistahan ni San Tarcisio | Agosto 15, 2021

Mula po sa Samahan ng Servers of the Altar ng Parokya ni San Martin ng Tours kami po ay bumabati sa lahat ng kapwa lingkod ng Maligayang Araw ng mga Tagapaglingkod sa Dambana


DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENG MARIAAgosto 15, 2021PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ...
15/08/2021

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAG-AAKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
Agosto 15, 2021

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION
Ama naming makapangyarihan, sa Iyong kaningningan
Naakit ang Mahal na Birheng Maria Sa tulong ng Iyong biyaya
Namuhay siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong itinakda
Kaya't pinagpala Mo siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa't katawan

Ibinigay Mo sa amin siyang Ina at huwaran
Sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan
Pagindapatin Mo na kami'y mamuhay rin sa kalinisan
At karapat-dapat sa Iyong mga itinakda
At kaisa niya'y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Nuestra SeΓ±ora de la Asuncion, ipanalangin mo kami!




13/08/2021

ORATIO IMPERATA
PARA SA PROTEKSYON LABAN SA COVID-19

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

AMANG MAHABAGIN, IPAGSANGGALANG KAMI SA COVID-19 NA DULOT AY PANGAMBA AT PAGBUBWIS NG BUHAY.

TUNGHAYAN MO KAMI NANG MAY PAGMAMAHAL AT PAWIIN ANG AMING TAKOT SA SAKIT AT KAMATAYAN, IBALIK ANG AMING PAG-ASA AT PATIBAYIN ANG AMING PANANAMPALATAYA.

GABAYAN MO ANG MGA TAONG BINIGYAN NG GAMPANING HUMANAP NG LUNAS AT PIGILIN ANG PAGLAGANAP SA SAKIT NA ITO.

SALAMAT SA BAKUNANG NATUKLASAN SA TULONG NG IYONG PAGGABAY. BASBASAN MO ANG AMING PAGSISIKAP NA GAMUTIN AT TAPUSIN ANG PANDEMYA SA AMING BANSA.

ITAGUYOD MO ANG MGA LINGKOD NG KALUSUGAN UPANG ANG KANILANG PAGTULONG SA MAYSAKIT AY LAKIPAN NG KANILANG GALING AT PAGMAMALASAKIT. MANATILI NAWA SILANG MALUSOG SA ISIP AT KATAWAN, MATIBAY SA KANILANG SINUMPAAN AT LIGTAS SA KARAMDAMAN.

PANALANGIN NAMIN PARA SA MGA NAGKASAKIT AY DAGLING KAGALINGAN, PARA SA MGA NAG-AALAGA SA KANILA AY KALUSUGAN AT PARA SA MGA YUMAO AY BUHAY NA WALANG HANGGAN.

SA PANAHONG ITO NG PAGSUBOK, KUMILOS NAWA KAMI SA IKABUBUTI NG LAHAT AT TULUNGAN ANG MGA NANGANGAILANGAN. PATIBAYIN NAWA KAMI NG AMING HABAG AT MALASAKIT SA ISA’T ISA AT IHATID KAMI SA PAGBABAGONG-BUHAY AT KABANALAN.

HINIHILING NAMIN ITO SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTO KASAMA NG ESPIRITU SANTO MAGPASAWALANG HANGGAN. AMEN.

KUPKUPIN MO KAMI SA IYONG PAGKAKANDILI, O MAHAL NA INA NG DIYOS. HUWAG MO KAMING SIPHAYUIN SA AMING MGA PANGANGAILANGAN BAGKUS IPAG-ADYA MO KAMI SA MGA PANGANIB AT KASAMAAN.
O MALUWALHATI AT PINAGPALANG BIRHEN. AMEN.

MARIA, INA NG KAGALINGAN NG MGA MAYSAKIT, IPANALANGIN MO KAMI.
SAN RAFAEL ARKANGHEL, IPANALANGIN MO KAMI.
SAN JOSE, IPANALANGIN MO KAMI.
SAN ROQUE, IPANALANGIN MO KAMI.
SAN LORENZO RUIZ, IPANALANGIN MO KAMI.
SAN PEDRO CALUNGSOD, IPANALANGIN MO KAMI.
SAN MARTIN NG TOURS, IPANALANGIN MO KAMI.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Address

Bocaue

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Servers of the Altar - St. Martin of Tours Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share