21/05/2026
PANATA.
Hindi talaga ako magaling sumayaw. Pero kung may panalanging kasabay, bakit naman ako aayaw?
Ipinagdasal ko ang kapayapaan sa mundo, ang kaayusan ng ating bansang Pilipinas. At syempre ang mga hindi magkaanak, naghahanap ng trabaho, bokasyon sa pagkapari o buhay relihiyoso, at sa mga gustong mag-asawa.
Ipagdasal po natin ang isa’t isa. At next year, sama kayo sa Sayaw sa Obando!