23/08/2026
𝑩𝑨𝑳𝑰𝑲𝑨𝑵: 𝐏𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐓𝐚𝐫𝐜𝐢𝐬𝐢𝐨 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐦𝐚 𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒎𝒑𝒂𝒓𝒐𝒌𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒓𝒂𝒘 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝑻𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒔𝒂 𝑫𝒂𝒎𝒃𝒂𝒏𝒂.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng mga Tagapaglingkod sa Dambana. Na naganap noong Agosto 15, 2026 upang gunitain si San Tarcio at Agosto 16, 2026 para sa Araw ng mga Tagapaglingkod sa Dambana. Ang bawat tulong, oras, serbisyo, at suporta na inyong ibinahagi ay naging mahalagang bahagi upang maging makabuluhan at matagumpay ang ating pagdiriwang.
Sa lahat ng indibidwal, samahan, organisasyon, mga magulang, tagapag-alaga, coordinators, officers, at buong pamayanan—maraming maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pagsuporta sa aming paglilingkod.
Nawa’y patuloy nating maisabuhay ang tunay na diwa ng paglilingkod—nang may kababaang-loob, pagmamahal, pananampalataya, at pusong handang maglingkod sa Diyos at sa kapwa.
August 15, 2026
• Bro. Dave Dela Vega, para sa kanyang mahalagang tulong sa paghahanda at pag-gayak ng karosa.
• World Apostolate of Fatima, sa pagpapahiram ng karosa para sa ating pagdiriwang.
• Bro. Lyndon, para sa kanyang tulong sa paghahanda at pananamit ni San Tarcisio.
• Sis. Evangeline Mendoza, sa kanyang suporta at pakikiisa sa ating pagdiriwang.
• Parish Commision on Youth sa pamamumuno ni Bro. Ken Mauricio sa kanilang aktibong pakikiisa at tulong sa ating gawain.
• SMTP SocCom, sa kanilang tulong sa dokumentasyon at pagpapalaganap ng ating gawain.
• SMTP Marshalls, sa kanilang mahalagang serbisyo at pagtulong upang maging maayos at ligtas ang ating pagdiriwang.
• Sa lahat ng samahan at organisasyon na naglaan ng kanilang oras, talento, at suporta.
• Sa buong Sub-Parish Pastoral Council ng Parokya ni San Martin de Tours, sa patuloy na paggabay, suporta, at pakikiisa sa ating mga tagapaglingkod sa dambana.
August 16, 2026
• Bro. Ron Mariano, sa kanyang tulong at suporta sa ating pagdiriwang.
• Sis. Pat Dela Cruz, sa kanyang mahalagang pakikiisa at suporta.
• Sis. Elvie Borlongan, sa kanyang oras, tulong, at suporta sa ating gawain.
• Parish Commision on Youth sa pamumuno ni Bro. Ken Mauricio sa kanilang pampasiglang sayaw
• Sa mga magulang at tagapag-alaga, sa kanilang walang sawang suporta, pag-unawa, at paghahatid sa mga kabataang naglilingkod sa dambana.
• Sa ating mga SPPC Coordinators at mga Officers, na sama-samang naglaan ng oras, lakas, at panahon upang maisakatuparan at maging matagumpay ang Araw ng mga Tagapaglingkod sa Dambana.
Viva San Tarcisio! Viva!