Divine Mercy Apostolate - Diocese of Boac

Divine Mercy Apostolate - Diocese of Boac This is the official page of the Divine Mercy Apostolate of the Diocese of Boac Marinduque

10/05/2026

LIVE | Halina at sama sama tayong magbuklod bilang isang Diyosesis ng Boac at ating ipagdiwang ang Ika-48 Anibersaryo ng pagkakatatag ng ating Diyosesis, ika-68 Anibersaryo ng Coronacion Canonical ng ating Mahal na Birhen ng Biglang Awa - Ang Patrona ng ating Diyosesis at Lalawigan at ang ika-23 Anibersaryo ng Diocesan Synod.

Ang Misa Concelebrada ay sa ganap na Ika 2:00 ng hapon, na pangungunahan ng Lubhang Kgg. Edwin O. Panergo

VIVA La Virgen!

21/04/2026

Jesus told St. Faustina: “Encourage souls to say the Chaplet which I have given you… It pleases Me very much when it is said for the dying. They will receive the grace of My mercy in the final hour. Even the most hardened sinner, if he recites this Chaplet even once, will receive grace from My infinite mercy.” (Diary 687)

At the hour of death, the Chaplet of Divine Mercy becomes a great shield of protection. Jesus promised that souls for whom this Chaplet is prayed will be granted His mercy — often receiving the grace of a happy and peaceful death, even when they seem farthest from God.

This is why praying the Chaplet for the dying is one of the most merciful acts we can offer. Whether for a loved one, for someone we don’t know, or for all the souls leaving this world today, our prayers can open the floodgates of God’s compassion.

Let us not miss this beautiful opportunity to bring souls to Jesus’ Merciful Heart.
🙏 Pray the Chaplet of Divine Mercy today for the dying.

“By this means, you will comfort Me in the bitterness of My Passion.” — Jesus
Share this if you believe in the power of Divine Mercy. Tag someone who might need this encouragement.

IKA-SIYAM NA ARAW“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NA NANLAMIG at ilubog mo sa kailaliman ng Akin...
11/04/2026

IKA-SIYAM NA ARAW
“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NA NANLAMIG at ilubog mo sa kailaliman ng Aking malaking pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ang lubhang nagpapasugat sa Aking Puso at nagbibigay ng matinding pasakit. Ang kaluluwa ko ay lubhang nagtiis ng kasindaksindak na kamuhian sa Halamanan ng mga Oliba dahil sa mga nanlamig na mga kaluluwa. Sila ang dahilan kung bakit nawika ko: ‘Ama Ko, kung maaari’y ilayo Mo sa Akin ang saro ng paghihirap na ito.’ Para sa kanila ang kahulihulihang pag-asa ng kaligtasan ay ang tumakbo sa Aking awa.”

PANALANGIN: Lubhang Napakamaawaing Hesus, Ikaw mismo ang Pagka-Awa. Dinadala ko ang mga nanlamig na kaluluwa sa tahanan ng Iyong Napakamahabaging Puso. Dito sa apoy ng Iyong dalisay na pag-ibig bayaan Mo na ang mga nanlamig na kaluluwang ito, na parang mga bangkay, na siyang mga nagdulot ng matinding kamuhian sa Iyo, ay muling mag-alab. O lubhang Napakamaawaing Hesus, gamitin Mo po ang kapangyarihan ng Iyon pagaka-awa at tawagin Mo sila sa kataimtiman ng Iyong pag-ibig, at ibigay Mo sa kanila ang ala-ala ng banal na pag-ibig, sapagka’t walang bagay ang hindi sumasailalim sa Iyong Kapangyarihan. Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga malamig na kaluluwa na kasama rin sa Napakamaawaing Puso ni hesus. Ama ng Awa, isinasamo ko sa Iyo alang alang sa napakapait na paghihirap ng Iyong Anak at alang-alang sa Kanyang tatlong oras na paghihirap sa Krus ay Iyong ipinahintulot na sila rin ay makapagpuri sa kalaliman at sa di masayod na hiwaga ng Iyong pagka-awa. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa

IKA-PITONG ARAW“NGAYONG ARAW NA ITO DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NG MGA GUMAGALANG AT NAGPUPURI SA AKING MALAKING ...
10/04/2026

IKA-PITONG ARAW
“NGAYONG ARAW NA ITO DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NG MGA GUMAGALANG AT NAGPUPURI SA AKING MALAKING PAGKAAWA at sila ay ilubog sa Aking awa. Ang mga kaluluwang ito ang nalungkot ng labis sa Aking Paghihirap at nakatuloy ng ganap sa Aking espiritu. Sila ang mga buhay na imahen ng Aking Napakamaawaing Puso. Itong mga kaluluwang ito ang sisikat na may natatanging liwanag sa kabilang buhay. Wala isa man sa kanila ang mahuhulog sa apoy ng impyerno. Ako mismo ang magtatanggol sa bawa’t isa sa kanila sa oras ng kamatayan.”

PANALANGIN: Lubhang Maawaing Hesus, na ang Puso Mo ang Pag-ibig mismo, tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga tanging nagbibigay puri at gumagalang sa kadakilaan ng Iyong pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ay makapangyarihan sa tanging kapangyarihan na rin ng Diyos . Sa gitna ng lahat ng mga hirap at mga balakid tuloy pa rin sa pagsulong, hindi nawawalan ng pag-asa sa Iyong awa; at kaisa sa Iyo, O Hesus, dinadala nila ang sangkatauhan sa kanilang mga balikat. Ang mga kaluluwang ito ay hindi huhusgahan ng mahigpit, at sa halip ay ang Iyong awa ang yayapos sa kanila pagpanaw nila sa buhay na ito.

Amang Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwang nagpupuri at gumagalang sa Iyong pinakadalikang katangian, at iyan ay ang Iyong walang hanggang awa, na sila rin ay nakapaloob sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ang mga kaluluwang ito ang buhay na Ebanghelyo; ang kanilang mga kamay ay puno ng mga gawain ng awa at ang kanilang mga puso, na nag-uumapaw sa kaligayahan, ay nagsisi-awit ng mga awitin ng awa sa Iyo, O Diyos na Kataastaasan! Aking isinasamo sa Iyo, O Panginoon Diyos! Ipakita Mo po sa kanila ang Iyong awa nang naayon sa pag-asa at pagtitiwala nila sa Iyo. Matupad nawa sa kanila ang ipinangako ni Hesus, na nagsabi sa kanila na sa buong buhay nila lalo’t higit sa oras ng kamatayan, ang mga kaluluwa na gagalang sa Kanyang walang hanggang awa Siya mismo ang magtatanggol bilang Kanyang kaluwalhatian. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa

IKA-ANIM NA ARAW“NGAYONG ARAW NA ITO DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWANG MAAMO AT MAY MABABANG KALOOBAN AT ANG MGA KALU...
08/04/2026

IKA-ANIM NA ARAW
“NGAYONG ARAW NA ITO DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWANG MAAMO AT MAY MABABANG KALOOBAN AT ANG MGA KALULUWA NG MGA BATA, at dalhin sila sa Aking napakalaking pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ang tunay na kawangis ng Aking Puso. Sila ang nagpalakas sa Akin sa sandali ng Aking napakapait na paghihirap. Nakita Ko sila na kawangis ng mg Anghel sa lupa, na sila ang magtatanod sa Aking mga altar. Ibinuhos ko sa kanila ang napakarami Kong grasiya. Tanging ang mga kaluluwang may mababang loob ang makatatanggap ng Aking grasiya. Tinatangkilik ng Aking pagtitiwala ang mga kaluluwang may mababang kalooban.”

PANALANGIN: O lubhang Maawaing Hesus, Ikaw mismo ang nagsabi, “Mag-aral kayo sa Akin sapagkat Ako’y maamo at mababang loob.” Tanggapin po Ninyo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang lahat ng may maamo at mababang kalooban na mga kaluluwa at mga kaluluwa ng mga bata. Itong mga kaluluwang ito ang nagbibigay ng matinding kagalakan sa buong kalangitan at sila ang itinatangi ng makalangit na Ama. Sila ay nakakatulad ng mabangong pumpon ng mga bulaklak sa harapan ng trono ng Panginoong Diyos; ang Diyos mismo ang naliligayahan sa kanilang mabangong samyo. Ang mga kaluluwang ito ang may pampalagiang tahanan sa Iyong Napakamaawaing Puso, O Hesus, at sila ay patuloy na umaawit ng himno ng pag-ibig at pagka-awa. Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwa na maamo, sa mga kaluluwa na may mababang kalooban at sa mga bata na kasama sa tahanan na walang iba kung hindi ang Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ang mga kaluluwang ito ang nakakahambing ng Iyong Anak. Ang humahalimuyak nilang bango ang pumapaitaas buhat sa lupa at nakararating sa Iyong trono. Ama ng Awa at ng lahat ng kabutihan, hinihiling ko po sa Inyo alang-alang sa pag-ibig Mo sa kanila at sa kaligayahan na rin na Inyo pong nakukuha mula sa kanila; bendisyunan Mo po ang buong mundo, nang ang lahat ng kaluluwa ay samasamang umawit ng mga papuri sa Iyong awa magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa

IKA-LIMANG ARAW“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NG MGA KAHIWALAY NA KAPATID at ilubog mo sila sa...
07/04/2026

IKA-LIMANG ARAW
“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG MGA KALULUWA NG MGA KAHIWALAY NA KAPATID at ilubog mo sila sa karagatan ng Aking pagka-awa. Noong sandali ng Aking Pagihirap, sinira nila ang Aking Katawan at Puso na Aking Simbahan. Nang sila ay bumalik at naki-isa sa Aking Simbahan, ang Aking mga sugat ay naghilom at gumaling, at sa ganoon ay nabawasan ang Aking mga paghihirap.”

PANALANGIN: Napakamaawaing Hesus, ang Kabutihan mismo, hindi Mo itinatangi ang liwanag sa mga humihingi nito sa Iyo. Tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga kahiwalay naming mga kapatid. Tawagin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong liwanag sa pagkakaisa ng Iglesia, at huwag Mo silang pabayaang mahiwalay sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso; loobin po sana Ninyo na sila rin ay magpuri sa kadakilaan ng mapagkaloob Mong awa.

Ama na Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwa ng mga kahiwalay naming kapatid, lalo’y higit yaong mga nag-aksaya ng Iyong mga biyaya at hindi ginamit sa wastong paggamit ang mga grasiya na ibinigay MO sa patuloy nilang paggawa ng kamalian. Huwag Mo pong tingnan ang kanilang kamalian at sa halip ang Iyo pong tingnan ay ang pagmamahal ng Iyong Anak at ang mapait na pagtitiis na Kanyang dinaanan alang-alang sa Kanila, yaman din lamang na sila ay nakalakip na rin sa Kanyang Napakamaawaing Puso. Loobin Mo po sana na sila rin ay magpuri sa Iyong napakadakilang awa magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa

IKA-APAT NA ARAW“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG HINDI NANINIWALA SA AKIN AT YAONG MGA HINDI PA NAKAKAKILALA ...
06/04/2026

IKA-APAT NA ARAW
“NGAYONG ARAW NA ITO, DALHIN MO SA AKIN ANG HINDI NANINIWALA SA AKIN AT YAONG MGA HINDI PA NAKAKAKILALA SA AKIN. Sila ay naalala Ko rin noong sandali ng Aking Paghihirap at ang gagawin nilang pagkilala sa Akin sa hinaharap ay ang siyang naka-aliw sa Aking Puso. Ilubog mo sila sa karagatan ng Aking pagka-awa.”

PANALANGIN: Lubhang Maawaing Hesus, Ikaw an Liwanag ng buong mundo. Tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso, ang mga kaluluwa noong mga hindi pa nanininiwala sa Iyo o nakakakilala sa Iyo. Bayaan Mo na ang liwanag ng Iyong grasya ang tumanglaw sa kanila at nang sila, kasama namin ay magpuri sa Iyong kahangahangang awa; at huwag Mong pabayaan silang mahiwalay sa Iyong tahanan na walang iba kundi ang Iyong Napakamaawaing Puso. Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwa noong mga hindi naniniwala sa Iyong Anak, at sa mga kaluluwa noong mga hindi pa nakakakilala sa Iyo ngunit sila’y nakalakip na rin sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ilapit Mo sila sa liwanag ng Ebanghelyo. Itong mga kaluluwang ito ay hindi nalalaman kung anong napakalaking kaligayahan ang umibig sa Iyo. Ipagkaloob Mo po sana, na sila rin ay magpuri sa kadakilaan ng Iyong awa magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa

Alleluia! He is Risen! 🕊️Happy Easter to our whole Diocese of Boac family!Today, we celebrate the greatest joy of our fa...
05/04/2026

Alleluia! He is Risen! 🕊️

Happy Easter to our whole Diocese of Boac family!

Today, we celebrate the greatest joy of our faith. The empty tomb tells us that hope is alive and that we never walk alone.

In the spirit of , may we remember that the Risen Lord is our constant companion. As we "journey together," let His light guide our steps and His love warm our hearts. Let us continue to walk side-by-side as one community, sharing the good news with everyone we meet.

Magdiwang tayo nang may kagalakan at pag-asa! 🌸

IKA-TATLONG ARAW“NGAYON DALHIN MO SA AKIN ANG MGA BANAL AT MATAPAT NA MGA KALULUWA, at sila ay ilubog mo sa karagatan ng...
05/04/2026

IKA-TATLONG ARAW

“NGAYON DALHIN MO SA AKIN ANG MGA BANAL AT MATAPAT NA MGA KALULUWA, at sila ay ilubog mo sa karagatan ng Aking malaking pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ang nagdala sa Akin ng malaking kaaliwan sa pagdala Ko ng Krus. Sila yaong mga mumunting patak na nagbibigay ng kagaaanan ng loob sa kalagitnaan ng karagatan ng kapaitan.”

PANALANGIN: Napakamaawaing Hesus, buhat sa kayamanan ng Iyong pagkaawa ay Iyong ibinibigay ang Iyong mga grasiya sa masaganang pamamaraan sa bawat isa at sa lahat. Tanggapin Mo kami sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso at huwag Mo kaming pabayaang makaalis doon. Aming hinihiling sa Iyo ang grasiyang ito sa pamamagitan ng Iyong nakamamanghang pag-ibig sa Iyong makalangit na Ama na ang pag-ibig na ito ang nagpapaalab ng matindi sa Iyong Puso. Ama na Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga matapat na kaluluwa, sa mga tagapagmana ng Iyong Anak. Alang-alang sa Kanyang napakalungkot na pagtitiis, ipagkaloob Mo po sa kanila ang Iyong bendisyon, at kubkubin Mo po ng Iyong palagiang pangangalaga. Huwag sanang mawala ang kanilang pag-ibig o mawala ang malaking kayamanan ng kanilang pananampalataya, at sa halip kasama ang lahat ng napakaraming mga anghel at mga santo, ay magpuri sana silang lahat sa Iyong walang hanggang awa magpasawalang hanggan. Amen.

Dasalin ang Rosaryo sa Mabathalang Awa

Ikalawang Araw ng Nobenaryo sa Mabathalang Awa+Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu SantoMga Dalangin ng AwaPanimul...
04/04/2026

Ikalawang Araw ng Nobenaryo sa Mabathalang Awa

+Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo

Mga Dalangin ng Awa

Panimula

Pumanaw Ka, Hesus, subali’t ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig, dumaloy mula sa puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa , para sa aming lahat , ako ay nananalig sa Iyo. (3x)

Pagkatapos, magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba, Ginoong Maria, at isang Sumasampalataya Ako

Sa lahat ng butil ng “Ama Namin” ay dasalin ang mga panalanging ito:

Ama na Walang Hanggan, iniaalay ko po sa Iyo ang Katawan at dugo, Kaluluwa at PagkaDiyos ng Kamahal-mahalan Mo ang Anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at Manunubos, para sa ikapagpatawad ng aming mga sala at sala ng buong sansinukob.

Sa lahat ng butil ng “Aba Ginoong Maria” ay Dasalin naman ang mga panalanging ito:

Alang-alang sa mga Tiniis na Hirap at Kamatayan ni Hesus, kaawaan Mo po kami at ang buong sansinukob.

Bilang pangwakas ay Dasalin ng tatlong ulit ang mga panalanging:

Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen.

MGA INTENSION AT PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW

“DALHIN MO SA AKIN NGAYONG ARAW NA ITO ANG MGA KALULUWA NG MARAMING PARI AT MGA RELIHIYOSO at ilubog mo sila sa di masayod Kong pagka-awa. Sila ang nagbigay sa Akin ng lakas na batahin Ko ang Aking mapait na paghihirap. Sa pamamagitan nila, ang Aking pagka-awa ay umagos sa buong sansinukob.”

PANALANGIN:
Napakamaawaing Hesus, na pinagbubuhatan ng lahat ng kabutihan, dagdagan Mo ang Iyong grasiya sa mga lalaki’t babae na konsagrado sa gawaing kabanalan nang sila’s makagawa ng mga karapatdapat na mga gawain ng awa; at nang lahat ng makakita sa kanila ay magpuri sa Ama ng Awa na nasa langit.

Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga pinili Mo sa Iyong bakuran lalo na sa mga pari at mga relihiyoso at relihiyosa; at pagkalooban Mo sila ng lakas ng Iyong bendisyon. Dahil sa malaking pag-ibig sa kamahal-mahalang Puso ng Iyong Anak kung saan sila ay nabibigkis, ipagkaloob Mo sa kanila ang Iyong kapangyarihan at liwanag, at nang sila ay makaakay at magturo ng paraan tungo sa kaligtasan at nang may iisang tinig ay umawit ng papuri sa Iyong walang hanggang Awa ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Address

Mataas Na Bayan
Boac

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 9am - 4pm
Wednesday 9am - 4pm
Thursday 9am - 4pm
Friday 9am - 4pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Divine Mercy Apostolate - Diocese of Boac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share