25/02/2026
“Apatnapung taon naglakbay ang mga Israelita sa ilang. Sa paggunita natin ng
apatnapung taon at habang ginugunita ang apatnapung araw ng Kuwaresma,
tinatawag tayo sa isang bagong rebolusyon ng puso—isang pusong bumabalik sa
Diyos at umaalala sa Kanyang mga kababalaghan. Ang People Power ng 1986 ay isang
“kairos”—isang sandali ng biyaya. Alalahanin natin nang may pasasalamat, magsisi
nang may kababaang-loob, at tumugon nang may tapang at pag-ibig. Paalala ng
Panginoon: “Inibig kita.” (Pahayag 3:9)”