14/08/2026
๐ต๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐น๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐
๐!
๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐-๐๐๐๐ฌ๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ง
๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐
(Assumption of the Blessed Virgin Mary)
Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang Mahal na Birheng Maria "pagkatapos ng kanyang buhay sa lupa, ay maluwalhating iniakyat sa langit, katawan at kaluluwa."
Ang pagpapahayag ng dogmang ito ay ipinaliwanag ni Papa Pio XII noong Nobyembre 1, 1950 sa kanyang Konstitusyong Apostoliko na "Munificentissimus Deus." Ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko bilang Dakilang Kapistahan (Solemnity) ang pagkilalang ito sa karangalan ng Mahal na Birhen tuwing ika-15 ng Agosto. Si Maria, ang Kalinis-linisang Ina ng Diyos, ay ang maluwalhating kaganapan ng planong gawaing pagtubos ng Makapangyarihang Diyos para sa ating lahat, isang pagpapahayag ng tiyak na pag-asa at kaligtasan para sa lahat ng nabubuhay na may pananampalataya sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria ay isa sa apat na dogma ng Simbahan patungkol kay Maria. Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, ang Pag-aakyat sa Langit kay Maria ay ang hudyat ng katapusan ng kanyang buhay sa lupa. Nang dumating ang wakas ng kanyang buhay sa lupa, ang katawan at kaluluwa ng Mahal na Birheng Maria ay iniakyat sa langit nang buong-buo. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang Awa sa Mahal na Birheng Maria, kahit na sa huling sandali ng kanyang buhay sa daigdig.
Dakila at kalugud-lugod ang Mahal na Birheng Maria sa paningin ng Diyos, hindi Niya pinahintulutang mahimlay sa libingan ang Mahal na Birheng Maria. Hindi hinayaan ng Diyos na maiwan sa lupa ang katawan ni Maria sapagkat siya ang naging sisidlan ng Banal na Anak ng Diyos, si Jesukristo, ang ating Panginoon, sa pamamagitan ng kanyang sinapupunan, nang siya ay magdalang-tao sa Panginoon.Nang dumating ang huling sandali ng kanyang buhay sa lupa, iniakyat ng Diyos nang buong-buo ang kanyang katawan at kaluluwa sa langit. Kung paanong iniligtas ng Diyos ang Mahal na Birheng Maria mula sa bahid ng kasalanang mana nang siya ay ipaglihi ng kanyang inang si Santa Ana (Inmaculada Concepcion), gayon din naman, iniligtas ng Diyos si Maria mula sa pagkakahimlay ng kanyang katawang lupa.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฬ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Ama naming makapangyarihan,sa Iyong kaningningan
Naakit ang Mahal na Birheng Maria Sa tulong ng Iyong biyaya Namuhay siyang kalinis-linisan at karapat-dapatsa Iyong itinakda Kaya't pinagpala Mo siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa't katawan
Ibinigay Mo sa amin siyang Ina at huwaran
Sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan
Pagindapatin Mo na kami'y mamuhay rin sa kalinisan
At karapat-dapat sa Iyong mga itinakda
At kaisa niya'y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN
Sa iyong tangkilik, kamiโy dumudulog O banal na Ina ng Diyos. Huwag mo nawang siphayuin ang aming mga dalangin, Kami na mga dumaranas nang mahigpit na pagsubok, Bagkus ilayo mo kami sa lahat ng kapahamakan, O pinagpala at maluwalhating Birhen.
๐๐ฎ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐งฬ๐จ๐ซ๐ ๐๐ ๐ฅ๐ ๐๐ฌ๐ฎ๐ง๐๐ข๐จฬ๐ง,
๐๐ฉ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐๐ฆ๐ข!
๐ฝ๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐!
๐ฝ๐๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐๐๐!