Its territorial jurisdiction includes Barangays Darangan, Pantok, Palangoy, and Bilibiran. Viva San Bernardo de Claraval de Binangonan! ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐ ๐ง๐ข ๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐ง๐๐ซ๐๐จ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ฅ: ๐๐จ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง
Wala pang katiyakan patungkol sa petsa o taon nang maitayo ang gusaling simbahan ni San Bernardo ng Claraval sa kasalukuyan nitong puwesto na noon ay nasasaklaw pa ng Barangay Darangan.
Hindi rin tiyak kung paanong si San Bernardo ang naging patron nito. Nakagisnan at batid na ng marami na itoโy nagsimula bilang isang maliit na Kapilya na sakop pa noon ng pinakamatandang parokya sa bayan ng Binangonan, Rizalโang Parokya ni Sta. Ursula, na matatagpuan sa Poblacion o Barangay Libid. Isa ang Kapilya ni San Bernardo sa Darangan sa apat na โmini Parishesโ o mga munting Parokya na bumubuo sa Sta. Ang ilan pa rito ay ang Kapilya ng Sto. Niรฑo sa Barangay San Carlos, Kapilya ni San Antonio sa Tayuman, at ang Kapilya ng Nuestra Seรฑora delos Angeles sa Pila-Pila. Ang unaโt kasalukuyang simbahan ay yari na sa bato simula pa noong una. Noong ika-25 ng Mayo, 1984, ang Sacred Heart Parish sa Tayuman ay naitatag bilang Parokya na binubuo ng tatlong mini Parishes. Ang San Bernardo ay napabilang sa mga Kapilyang nasasakupan nito. Matatandaan na noon ay napagkasunduan na hihiwalay ito upang maging isang ganap ding Parokya pagkatapos lamang ng limang taon. Ngunit lumipas man ang mahabang panahon, itoโy hindi naisakatuparan. Hanggang noong taong 2016, nabuhay ang pagnanais ng marami na maging isang ganap na Parokya ang Kapilya ni San Bernardo. Kaya naman, muling iminungkahi na maging bukod nang Parokya ito. Upang maganap ang nasabing suhestiyon, nagkaroon ng mga paghahanda, katulad na lamang ng paghahanap ng malawak na lugar o lupang mapagtatayuan ng higit na malaking gusaling simbahan. Kalaunan, sa ilalim ng awtoridad at kapahintulutan ni Lub. De Leon, DD, Obispo ng Antipolo, nalikha noong ika-6 ng Marso, 2017, ang Parokya ni San Bernardo ng Claraval sa Barangay Pantok, Binangonan, Rizal. Ang pangangalagang Pastoral ay ipinagkatiwala kay Rdo. David Figuracion Onilongo na siya ring itinalaga bilang kauna-unahan nitong Kura Paroko. Apat na Barangay ang nasasakupan nito: ang Brgy. Darangan, Pantok, Palangoy, at Bilibiran, na binansagang โDaPaPaBiโ. Noong ika-23 ng Abril, 2017 ang araw na dapat itoโy naiproklamang ganap nang Parokya, ngunit hindi ito natuloy. Naganap ang Misa ng Pagtatatag sa Parokya at Pagtatalaga sa Kura Paroko noong ika-24 ng Hunyo, 2017. Ang parokya ay nakabili na ng lupang pagtatayuan ng bagong gusaling simbahan na matatagpuan sa Riverside sa Barangay Darangan. Bilang paghahanda sa pagdarausan ng seremonyal na groundbreaking na siyang magiging hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon, nagkaroon ng pagtutulungan at bayanihan at dooโy nakapagtayo ng pansamantala at munting kapilya na yari sa kahoy at yero. Dahil sa walang patid na buhos ng ulan sa orihinal na araw ng seremonya noong ika-15 ng Hulyo, 2018, napagkasunduan ng Obispo at ng Kura Paroko na ito ay ipagpaliban. Itinaon naman ito sa mismong araw ng Kapistahan ni San Bernardo ng Claraval noong ika-20 ng Agosto, 2018, kasabay ng taunang pagdiriwang ng Minatamis Festival. Sabi nga ni Obispo Francisco M. De Leon ay nais siguro ng patron na si San Bernardo na maganap ang groundbreaking sa mismong araw ng kanyang Kapistahan dahil sa kabila ng ang buwan ng Agosto ay karaniwang maulan, ang pagdiriwang ay pinagbigyan at biniyayaan ng magandang panahon. Hanggang sa kasalukuyan, ang parokya ay patuloy sa paglikom ng pondo at unti-unting pagtatayo ng bagong gusaling simbahan. Ruru Barrios
Claraval Communications
Hunyo 24, 2021
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Kami ay kabilang sa Parokya ni San Bernardo: nabuoโt naitatag bilang isang pamayanan ni Kristong muling nabuhay, naliliwanagan sa salita ng Diyos, at pinapalago sa pamamagitan ng Eukaristiya na tutupad sa ibaโt ibang bahagi ng simbahang pamayanan. Ang Kura Paroko, mga relihiyoso at laiko ay nagtutulungan upang maranasan ang kaharian ng Diyos ayon sa kanilang tinanggap na kaloob o karisma. Ito ay angkop na maisasakatuparan sa pamamagitan ng ibaโt ibang ministeryo at samahan na naitatag at pinagtibay ng Kura Paroko upang ang pangarap ni Kristo ay maisabuhay at maibahagi sa kabuuan ng mga pamayanan โ isang pangarap na kumikilala sa pagmamahal ng Diyos na ang pagkiling ay sa mga mahihirap at inaapi.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
โขPagpapatayo ng pisikal na gusali: Simbahan, Formation Center at iba pa.
โขPatuloy na pagpapalago sa Munting Sambayanang Kristyano (MSK), mga ministeryo, at mga samahang pangsimbahan