Nuestra Señora delos Angeles Parish - Pilapila, Binangonan

Nuestra Señora delos Angeles Parish - Pilapila, Binangonan The Official page of Nuestra Señora delos Angeles Parish, Pilapila, Binangonan, Rizal under the jurisdiction of the Diocese of Antipolo.
(1)

❤️‍🔥 ISANG PAGLALAKBAY NG PAG-IBIG AT PANANAMPALATAYA ❤️‍🔥ATIN PONG SAMASAMANG IHATID ANG ORIHINAL, CORONADA AT MAPAGHIM...
23/08/2026

❤️‍🔥 ISANG PAGLALAKBAY NG PAG-IBIG AT PANANAMPALATAYA ❤️‍🔥

ATIN PONG SAMASAMANG IHATID ANG ORIHINAL, CORONADA AT MAPAGHIMALANG BIRHEN
NUESTRA SEÑORA DELOS ANGELES
La Reina y Madre de Binangonan, Our Lady of the Lake 👑🌊

May mga sandaling hindi lamang tayo ang lumalapit sa Mahal na Birhen—dumarating din Siya sa ating piling upang tayo ay muling pag-isahin, pagpalain, at paalalahanan na hindi Niya kailanman iniiwan ang Kanyang mga anak.

Sa isang natatanging pagkakataon, ilalabas mula sa kanyang minamahal na dambana ang Orihinal, Coronada at Mapaghimalang Birhen Nuestra Señora delos Ángeles, upang maging sentro ng isang makasaysayang pagtitipon ng pananampalataya sa BINANGONAN GRAND MARIAN EXHIBIT, na may temang:

🌹 “PUSO NI MARIA, BUKAL NG PAGMAMAHAL, BATIS NG KAPAYAPAAN” 🌹

Isang paanyaya sa bawat puso ng Binangonan na muling tumingin kay Maria—sa kanyang pusong marunong magmahal, sa kanyang mga kamay na laging nakalahad upang yumakap, at sa kanyang mapagkalingang presensya na nagdadala ng kapayapaan sa gitna ng ating mga pagsubok.

Ang natatanging pagdiriwang na ito ay isang handog ng Camareros de Binangonan, sa pakikipagtulungan ng Mahal Kong Binangonan, bilang pagpapakita ng malalim na debosyon, pagmamahal, at pagkakaisa ng sambayanan para sa ating Ina at Reyna.

📅 SETYEMBRE 4, 2026

🕘 9:00 NG UMAGA
Mula sa Nuestra Señora delos Angeles Parish (NSDAP), aalis ang Convoy Procession na maghahatid sa Orihinal, Coronada at Mapaghimalang Birhen patungo sa Gaisano Mall Calumpang.

Mula roon, sisimulan ang Marian Procession patungo sa Ynares Auditorium, kung saan pormal na bubuksan ang Binangonan Grand Marian Exhibit.

🌹 Mula sa tahanan ng Ina…
🌹 Sa mga lansangan ng Binangonan…
🌹 Patungo sa puso ng ating bayan…

Sa bawat pag-usad ng sasakyan, sa bawat hakbang ng mga deboto, at sa bawat panalanging ating iaalay, kasama natin si Maria.

At sa pagdating Niya sa Ynares Auditorium, hindi lamang isang larawan ang ating sasalubungin.

Sasalubungin natin ang INA.
Sasalubungin natin ang REYNA.
Sasalubungin natin ang BIRHEN na matagal nang nakaukit sa puso at kasaysayan ng Binangonan.

Ito ay hindi lamang isang exhibit.

Ito ay isang paglalakbay pabalik sa ating pananampalataya.
Isang paggunita sa kasaysayan.
Isang pagpapahayag ng debosyon.
At higit sa lahat, isang pagkakataon upang sama-sama nating sabihin:

“Ina, narito kami. Hindi ka namin nakakalimutan. At hindi rin namin malilimutan ang iyong walang hanggang pagkalinga sa iyong mga anak sa Binangonan.” ❤️

Sa araw na ito, sama-sama nating ihatid, salubungin, at samahan ang ating Mahal na Ina.

👑 Nuestra Señora delos Angeles
La Reina y Madre de Binangonan
🌊 Our Lady of the Lake, Coronada 🌊

“Puso ni Maria, Bukal ng Pagmamahal, Batis ng Kapayapaan.”










23/08/2026

Mula sa Nuestra Señora Delos Angeles Parish

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Agosto 23, 2026 | 6:00 PM

Punong Tagapagdiwang:
Rev. Fr. Dan Christopher R. magdangan
Kura Paroko

Para sa inyong donasyon o pamisa, maaari niyo itong ipadala sa:

RCBC SAVINGS BANK
RCABAN - Nuestra Señora Delos Angeles Parish
7589-59945-9

*For updates Like and Follow our page facebook.com/DelosAngeles1892


Huwag kang mangamba, kasama mo SIYA....Rev. Fr. Dan Christopher R. MagdanganKura ParokoIka-21 Linggo sa Karaniwang Panah...
23/08/2026

Huwag kang mangamba, kasama mo SIYA....
Rev. Fr. Dan Christopher R. Magdangan
Kura Paroko

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Agosto 23, 2026

23/08/2026

Mula sa Nuestra Señora Delos Angeles Parish

Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Agosto 23, 2026 | 9:00 AM

Punong Tagapagdiwang:
Rev. Fr. Dan Christopher R. magdangan
Kura Paroko

Para sa inyong donasyon o pamisa, maaari niyo itong ipadala sa:

RCBC SAVINGS BANK
RCABAN - Nuestra Señora Delos Angeles Parish
7589-59945-9

*For updates Like and Follow our page facebook.com/DelosAngeles1892


TINGNANPAGSIBOL 2026Ang Pagsibol ng Aking Bokasyon: The 2nd VSU Altar Servers GatheringNarito ang ilang larawan mula sa ...
22/08/2026

TINGNAN

PAGSIBOL 2026

Ang Pagsibol ng Aking Bokasyon:
The 2nd VSU Altar Servers Gathering

Narito ang ilang larawan mula sa ginanap na pagtitipon ng mga Altar Servers ng Bikaryato ni Sta.Ursula, sa Sacred Heart Parish, Tayuman, Binangonan, Rizal.

📷 Vocation Ministry - Sis. Mavel Ceñidoza

🙏 KASALUKUYANG NAGAGANAP | 2,000 HAIL MARY 🙏Kasalukuyang nagaganap sa ating Parokya ang taimtim na pagdarasal ng 2,000 A...
21/08/2026

🙏 KASALUKUYANG NAGAGANAP | 2,000 HAIL MARY 🙏

Kasalukuyang nagaganap sa ating Parokya ang taimtim na pagdarasal ng 2,000 Aba Ginoong Maria, isang natatanging panalangin at pagpapahayag ng pagmamahal at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Ang pananalanging ito ay pinangungunahan ng mga Legionaries ng Nuestra Señora Delos Angeles Praesidium, na sama-samang nagkakaisa sa panalangin, pagninilay, at pagsusumamo para sa mga pangangailangan ng ating mga pamilya, pamayanan, Simbahan, at ng buong mundo.

Sa bawat “Aba Ginoong Maria,” ipinagkakatiwala natin sa mapagmahal na kamay ng Mahal na Birhen ang ating mga kahilingan, pasasalamat, mga pagsubok, at mga taong nangangailangan ng panalangin.

🌹 2,000 Aba Ginoong Maria — 2,000 panalangin ng pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Nawa’y patuloy tayong akayin ng ating Mahal na Ina palapit sa kanyang Anak na si Hesukristo, at turuan tayong maging mga tunay na lingkod ng Diyos at instrumento ng Kanyang pagmamahal.

Nuestra Señora Delos Angeles, La Reina y Madre de Binangonan, Our Lady of the Lake, Coronada, ipanalangin mo kami! 🙏🌹

Ave Maria!
Mabuhay ang Mahal na Birhen!
Mabuhay ang Legion of Mary! 💙








Series 03_2026“PAMANA” A Legacy of Faith, A Story of HistoryANG PAGBABALIK SA STA. MARIA  AT ANG MATANDANG IMAHEN"ANG PA...
20/08/2026

Series 03_2026
“PAMANA”
A Legacy of Faith, A Story of History
ANG PAGBABALIK SA STA. MARIA AT ANG MATANDANG IMAHEN

"ANG PAGBABALIK SA STA. MARIA"
Makalipas ang dalawang linggo, muling bumalik si Ambrocio sa Sta. Maria, Laguna, upang kunin ang bangkang kanyang binili at bayaran ang halagang kanilang napagkasunduan.

Dumating siya sa nasabing bayan nang ika-5 ng hapon, araw ng Huwebes.
Ngunit kapansin-pansin ang kalagayan ng panahon. Tila lalakas ang hangin at maaaring bumuhos ang ulan.
Dahil dito, pinayuhan siya ng may-ari ng bangka na kinabukasan na lamang siya umalis.

Sumang-ayon si Ambrocio.

"ANG MISA SA STA. MARIA"
Kinabukasan, dakong ika-6 ng umaga, nagsimba si Ambrocio.

Habang nasa loob ng simbahan, napansin niyang mabuti ang Pintakasi na pinagmisahan ng pari.
Habang matagal niya itong pinagmamasdan, napansin niyang tila nakawangis ng anyo ng Pintakasi sa altar ang imaheng nasa kanyang pangangalaga.

Dahil dito, lalo siyang nagtaka.

Pagkatapos ng Misa, nilapitan ni Ambrocio ang isang matandang sakristan upang itanong ang pangalan ng Pintakasi na nasa altar.

Sumagot ang sakristan:

“Nuestra Señora delos Angeles.”

Ipinaalam din ng sakristan na ang tunay na araw ng kapistahan ng Mahal na Birhen ay ika-2 ng Agosto, ayon sa kalendaryo.

Tinanong ng sakristan si Ambrocio kung bakit niya naisipang itanong ang pangalan ng kanilang Pintakasi.

Ipinaliwanag ni Ambrocio na ang dahilan ay dahil nakawangis nito ang larawang nasa kanyang pangangalaga.

Nagpasalamat si Ambrocio sa sakristan bago sila naghiwalay.

“Pamana” — A Legacy of Faith, A Story of History, isang kuwentong hindi lamang binabasa, kundi isinasabuhay at ipinapasa sa susunod na salinlahi.

Nuestra Señora delos Angeles,La Reina Y. Madre de Binangonan,
Our Lady of the Lake, Coronada
Ipanalangin mo kami. 🙏💙👑

16/08/2026

Mula sa Nuestra Señora Delos Angeles Parish

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Agosto 16, 2026 | 6:00 PM

Punong Tagapagdiwang:
Rev. Fr. Dan Christopher R. magdangan
Kura Paroko

Para sa inyong donasyon o pamisa, maaari niyo itong ipadala sa:

RCBC SAVINGS BANK
RCABAN - Nuestra Señora Delos Angeles Parish
7589-59945-9

*For updates Like and Follow our page facebook.com/DelosAngeles1892


Ang DIYOS kailanman ay hinding-hindi tayo bibiguin, hinding-hindi tayo PABABAYAAN....Rev. Fr. Dan Christopher R. Magdang...
16/08/2026

Ang DIYOS kailanman ay hinding-hindi tayo bibiguin, hinding-hindi tayo PABABAYAAN....
Rev. Fr. Dan Christopher R. Magdangan
Kura Paroko

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Agosto 16, 2026

16/08/2026

Mula sa Nuestra Señora Delos Angeles Parish

Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Agosto 16, 2026 | 9:00 AM

Punong Tagapagdiwang:
Fr Roberto Luanzon Jr. OP
Vice Rector for Finance and Regent, Faculty of Engineering, University of Sto Tomas

Para sa inyong donasyon o pamisa, maaari niyo itong ipadala sa:

RCBC SAVINGS BANK
RCABAN - Nuestra Señora Delos Angeles Parish
7589-59945-9

*For updates Like and Follow our page facebook.com/DelosAngeles1892


Address

Antiporda Street , Brgy. Pilapila
Binangonan
1940

Opening Hours

Tuesday 9am - 12pm
3pm - 6pm
Wednesday 9am - 12pm
3pm - 6pm
Thursday 9am - 12pm
3pm - 6pm
Friday 9am - 12pm
3pm - 6pm
Saturday 9am - 12pm
3pm - 6pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora delos Angeles Parish - Pilapila, Binangonan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora delos Angeles Parish - Pilapila, Binangonan:

Shortcuts

Share