23/08/2026
PATALASTAS
Inaanyayahan po ang lahat ng deboto, pamilya, kabataan, at buong sambayanan na makiisa sa gaganapin na prusisyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay mamayang hapon ika-6 ng hapon.
Halinaโt sama-sama nating samahan ang Mahal na Birhen sa panalangin at pagninilay, bilang pagpapakita ng ating pananampalataya, debosyon, at pagmamahal sa ating Ina.
๐๏ธSa bawat hakbang, panalangin ang ating alay.
๐Sa bawat panalangin, pag-asa ang ating tangan.
๐นSa ilalim ng kanyang mapagkalingang paggabay, nawaโy matagpuan natin ang kapayapaan at ligtas na paglalakbay
Gayundin po, ang Mahal na Birhen ng Antipolo ay mananatili sa ating kapilya mula Agosto 23 hanggang Agosto 30 para sa mga nais dumalaw at mag-alay ng kanilang mga panalangin.
Mahal na Birhen ng Mabuting Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay,
Ipanalangin mo kami!
Viva la Virgen! Viva!
Pax Et Bonum