08/03/2015
"Napupuno rin ang Salop!"
Ministry of Altar Servers,
Nitong mga nagdaang Buwan, inobserbahan natin kung papaano kayo kumilos habang naglilingkod sa Banal na Misa. Kataka-taka, sapagkat mula ang dumami ang bilang ng mga kasaping nasa Elementarya ay nabawasan naman ang bilang ng mga kasaping nasa Sekundarya. Tila may nabubuong "MUOG" sa pagitan ng nasa Elementarya at Sekundarya??
Isang bagay pa, ang mga nasa Elementarya ay masisipag maglingkod at dumalo ng pulong. Samantalang ang mga nasa Sekundarya animo'y palitaw na pasulpot-sulpot na lamang. Nagkakaselosan ba ang mga nasa Elementarya at Sekundarya??
Isa pa, mapupuri mo na sana ang mga kasaping nasa Elementarya, dangan nga lamang at; lubhang napakaliligalig. Walang halaw na paumaparuot-parito mula Sanctuario hanggang Sacristia. Nakabibisong tingnan at pagmasdan! Nakawawala kayo ng konsentrasyon sa banal na pagdiriwang!
Mga wala rin kayong hulaw ng paruot-parito sa Kasillas?? Animo'y mga gripo na walang tigil ng kaaagos na tubig ba ang IHI ninyo??
Tayo ay naglunsad ng isahang panuntunan na pinamagatang "Code of Dicipline", ngunit tila ito ay binabalewala na ninyo lalu't higit ng mga nasa Elementarya. Ngayon, ang kasagutan ay ito; "Kaya pala, animo'y nanghihinawa na ang mga nasa Sekundarya ay kagagawan ng mga "Pasaway" na Elemetarya.
Sabi nga; Napupuno rin ang Salop! Puno na ang Salop sa mga nasa Elementarya! Hinihingi ko ngayon ang pakikiisa ng mga magulang ng mga kasaping nasa Elementarya, nagpapatawag ako ng pagpupulong sa darating na Martes ika - 10 ng Marso, 2015 sa ganap na ika 7:00 ng gabi. Ito ay isasagawa natin sa loob ng simbahan.
Ang hindi makadadalo, kinakailangan ninyong mag presinta ng LIHAM! Kung wala, ganap kayong ititwalang bilang kasapi!