23/08/2026
๐๐จ๐๐๐ง๐๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐ง ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ซ
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฐ-๐๐ซ๐๐ฐ
Kabanal-banalang, San Juan Bautista, na ng nasa tiyan ka pa ng iyong Inang si Santa Elisabet ay dinalaw ka na ng Mananakop na si Hesus, at ni Birheng Maria, kaniyang Ina, ng punuin ka ng mahal na grasiva, hingin mo po sa Kanya na luminis sa kasalanan ang aming mga kaluluwa at pamahayan ng mahal na grasiya. Amen.
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ค๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ
Oh San Juan na aming Patron! Batang-bata ka pa ay nakilala mo na ang mga paraya at panganib ng mundo, kaya nga agad ka nang lumigpit at hinanap mo ang katahimikan ng mga bulubundukin at minabuti at minasarap mo pa ang makasama ng mababangis na hayop kaysa makita mo ang masasamang halimbawa at di magandang kaugalian ng mga taong masasama, hingin mo po sa iyong ibinabalitang Mesiyas na matutuhan naming ilagan ang mga paraya ng mundo at sundin ang landas ng kabanalan. Amen.
โ
โ(Magdasal ng tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Gloria Patri, para sa kagalangan ng Santisima Trinidad.)