06/04/2026
Sa Nagtapos naming Pagtatanghal sa Senakulo2026 ng Samahang Sinakulista Bagong Silang APO Jesus Nazareno
Taos puso kaming nagpapasalamat sa BRGY. PANTOK COUNCILS na syang nanguna at naging Host sa Taong ito ng aming pagpapalabas ng Senakulo. Sa pangunguna ng ating Butihing Kapitan na si KAP. Glenn Torres mula sa Budget na tulong, sa mga Gamit at sa pag aassist sa amin upang maging mas mapabilis at maging maganda ang aming preparasyon, ganon din sa pagpapalinis ng Panooran ng ating mga manonood upang mas maging komportable ang mga tao, sa pakikipagusap sa ibang kapitan upang magpaabot din sa amin ng tulong at sa mahabang pangunawa para sa mga Requests ng aming samahan. Katulong ang kanyang mga Kagawad na amin ding lubos na pinasasalamatan na sina Joshua P. Robles Rozaldo Efren Jonas Arabit Gervacio Bambi Ceñir Jun Paras Noel Onel Picones at B**g Katipunan.
Pasasalamat din po ang ipinapaabot ng aming samahan sa ating buting MAYORA na si MAYORA Rhea Ynares Rhea Ynares ng Mahal Kong Binangonan sa Suporta na aming natanggap mula sa kanyang malugod na pagtanggap sa kanyang opisina at sa lahat ng Konsehal na naniwala sa amin sa pagtatanghal na ito. Ganon din po kay Vice Mayor RUSSEL GUILLER at Secretary ng Municipality of Binangonan na si SEC. IAN CERVO. Ganun din po kay SIR CARLOS RYAN YNARES. MARAMING SALAMAT PO!
Pasasalamat din po sa mga taong naglaan ng Oras upang tulungan ang aming samahan sa bawat Eksena, kay Kagawad Jonas Gervacio para sa pagaasist sa amin sa pagharap sa mga Konsehal at Mayor ng ating Mahal na Binangonan. Kay kagawad Joshua at Jhoanna Robles para sa Gabi gabing Tinapay na ginagamit namin sa aming eksena. Kay Kagawad Efren Rozaldo para sa Tables and Chairs na ginagamit namin sa 7 gabing pagtatanghal at sa iba pang Kagawad na Tumulong at nagpabigay ng kanilang suporta upang maisakatuparan ang lahat ng ito.
Ganon din po ang pasasalamat ng aming samahan sa BENMAR SOUNDS AND LIGHTS RENTAL na nagooperate ng aming Lights and Sounds upang mas maging maganda sa Mata at pandinig ng manonood ang lahat ng aming ipapalabas.
Pasasalamat din po sa aming mga mahal at naggagandahang Make Up Artists na sina Michelle Wenceslao (Mama B.), Ralph Wenceslao, Terri, Beababes Mantos at Balong upang maging ka-aya-aya ang itsura ng Bawat gumaganap.
Pasasalamat din po sa aming mga Kusinero at Kusinera na sina Ilang Picones , Norilyn Picones , Princess Jhekianacess Lacostales Picones at Cris Yson na naghahanda ng aming pagkain gabi gabi.
Pasasalamat din po kami kay Maestro INDO Peter Wenceslao para sa isang malikhaing pagpipinta ng aming mga props.
Ganun din po ang pasasalamat ng aming samahan sa Nagpakabit ng ilaw at tubig na ginagamit namin sa mga nakaraang araw at kasalukuyan na si Roberto Gozum.
Ganun din po, salamat sa UNITED SAN ROQUE PANTOK NEIGHBORHOOD ASSOCIATION para sa pagpapakabit ng ginagamit naming Kuryente sa aming Pagtatanghal.
Ganun din po ang psasalamat ng aming samahan sa DASIA SECURITY AGENCY by ENGR. LUCAS TOJON sa pagpapanatili ng Seguridad sa PALIGID ng ating Entablado.
Syempre isang Taos pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng aming Samahang Senakulista sa lahat ng mga Magulang ng mga Kabataan ng Samahan na Pumayag at nagtiwala sa pagganap ng kani-kanilang mga anak. Ganun din sa mga Tauhan ng Storya ng aming pasyon at lahat ng mga mga taong nagsumikap upang maisakatuparan ang ganitong Panata.
PASASALAMAT din ang aming ipinapaabot sa mga OPISYALES NG AMING SAHAMAHAN sa pangunguna ng aming Presidente na si Ghelo Wenceslao at ng aming Vice Presidente na si Marlon Osas Montilla. Ganun din sa aming Secretary/Tresurer na si Nhel Cenir at kay Assiren Senocip at sa iba pang Officers na sina Van Marcus Ryle Osas, Agafhel Picones at Jamez Michael Plegaria at iba pang Construction Team namin na silang Nagtatayo ng aming entablado sa pangunguna nina Riczal Arabit at Jeffrey Picones.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Aming Butihing Direktor na si Mhar Jake Yson na syang Utak sa lahat ng pangyayari sa ibabaw ng Entablado.
Ganun din po ang pasasalamat namin sa mga youth ng aming samahan sa pangunguna ni Lheine Perez , Jhopanie Anne Certeza, Arlene Ceñir, Joanna Mae Picones at Arianne Hezole.
Ganun din po pasasalamat sa suportang ibinibigay ng aming Legendaries na sina Tita Delia Picones , Nitang Ceñir , Dindo Dela Cruz at Teddy Arabit sa patuloy na suporta at paglalaan ng Oras mula noon hanggang ngayon at sa paggabay sa amin.
At sa lahat ng mga Taong Tumulong at nagpaabot ng Tulong sa aming samahan. Pinansyal man, Spiritual at Food na aming nagamit hanggang sa Pagtatapos. Maraming maraming salamat po.
Sa pagtatapos po ng Mga wikang ito, lahat po ng taong tumulong, nawa ay pagpalain po tayo ng Poong Maykapal. Kung hindi dahil sa inyo ay wala ang aming Pagtatanghal na ito. MARAMING MARAMING SALAMAT po.
ANG DIYOS AY PAG-IBIG, SUMA-ATIN NAWA ANG KAPAYAPAAN!
Lubos na nagpapasalamat,
Samahang Sinakulista Bagong Silang