20/05/2026
๐๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฌ๐ฒ๐ธ๐ท ๐ฌ๐ช๐ญ๐ช 21 ๐ญ๐ฎ๐ต ๐๐ฎ๐ผ
(Araw ng pamimintuho sa Prinsesa at Patrona ng Bayan ng Binangonan, Santa Ursula | Ika-21 ng buwan)
PANALANGIN PARA KAY STA. URSULA
O Diyos, na nagkaloob sa mga dalagang nakatalaga sa iyo, ng lakas ng
loob upang harapin, kasama si Santa Ursula na kanilang pinuno, ang
isang kahanga-hangang laban na kung saan sa pamamagitan ng palmera
ng pagiging martir ay tinamo nila ang kaluwalhatian ng makalangit na
pagbubulay- bulay. Iniluluhog namin sa Iyo na itulot mong kami ay
matulungan ng panalangin nilang matapos na dumaan sa pinto ng
kamatayan, ay pinaging dapat mong magtamo ng tagumpay sa
kalangitan. Hinihiling naming ito sa ngalan ni Hesukristong aming
panginoon magpasawalang hanggan. Amen.
Sta. Ursula, Ipanalangin mo kami!