We are simply Christians—Bible-based and non-denominational—seeking to follow the New Testament pattern in faith and practice, and to proclaim the gospel of Christ as the only source of salvation and authority (Rom. 1:16; Jude 3). We answered the loving invitation of Jesus Christ to come to Him (Matthew 11:28–30), and through obedience to His gospel, we responded to His call so that we might share
in the glory of our Lord (2 Thessalonians 2:14). As members of the Lord’s church (1 Corinthians 12:12), we do our best to follow the pattern given in the New Testament—striving to do things "according to the pattern" shown by God (Hebrews 8:5). We continue steadfastly in the apostles' teachings, walking in fellowship with them, because "our fellowship is truly with the Father and with His Son Jesus Christ" (1 John 1:1–4; Acts 11:26). We firmly believe that the gospel of Christ is the only true and final authority when it comes to our faith and way of life (Romans 10:17; John 12:48; Galatians 1:8–9; 2 John 1–9). We are not ashamed of this gospel, because it is the power of God to save those who believe (Romans 1:16). The Barangay Tatala church of Christ is a non-denominational, independent congregation. We govern ourselves, and we strive to live in unity—continuing in the apostles’ teaching, in fellowship, in the breaking of bread, and in prayer—gladly and with sincere hearts (Acts 2:42, 46). We’d love for you to join us in one of our worship services. We are also happy to open the Bible with you and study together about “the faith once delivered to the saints” (Jude 1:3), and how each of us today can respond to it—just as the early Christians did. DISCLAIMER: This page is not made to attack, insult, or stir up hatred against any person, group, or religion. Our goal is not to discredit others, but to clearly share what we believe the Bible teaches. We simply want to declare our faith in God's Word, speak the truth with love, and encourage everyone to seek and understand what the Scriptures truly say.
______
Kami ay mga karaniwang tao na piniling maging mga Kristiyano lamang—walang labis, walang kulang. Ibig sabihin, hindi kami kabilang sa anumang denominasyon o samahang pangrelihiyon na itinatag ng tao. Layunin naming sumunod lamang sa pamantayan ng Bagong Tipan at kilalanin ang katawagang ibinigay mismo sa mga alagad ni Cristo sa Biblia. Tumugon kami sa mapagmahal na paanyaya ni Jesus na lumapit sa Kanya (Mateo 11:28–30), at sa pamamagitan ng pagsunod sa ebanghelyo, tinanggap namin ang Kanyang tawag upang makabahagi kami sa kaluwalhatian ng ating Panginoon (2 Tesalonica 2:14). Bilang mga kaanib ng iglesia ng Panginoon (1 Corinto 12:12), sinisikap naming sundin ang huwarang iniwan sa Bagong Tipan—ang paggawa ng lahat ayon sa anyo na ipinakita ng Diyos (Hebreo 8:5). Nanatili kami sa aral ng mga apostol, at patuloy ang aming pakikisama sa kanila, sapagkat “ang aming pakikisama ay tunay na sa Ama at sa Kanyang Anak na si Jesu-Cristo” (1 Juan 1:1–4; Gawa 11:26). Hindi kami sumusunod sa mga doktrinang gawa ng tao. Buo ang aming paniniwala na ang ebanghelyo ni Cristo lamang ang tanging pinagmumulan ng katotohanan at siyang bukod-tanging awtoridad sa aming pananampalataya at pamumuhay (Roma 10:17; Juan 12:48; Galacia 1:8–9; 2 Juan 1–9). Hindi kami nahihiya sa ebanghelyo ni Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya (Roma 1:16). Ang Barangay Tatala church of Christ ay hindi denominasyonal, kundi malayang kongregasyon—ibig sabihin, wala kaming sentral na punong-himpilan at ang pamamahala ay isinasagawa ng mga lokal na kapatiran ayon sa itinuturo ng Bagong Tipan. Kami ay pinamamahalaan ng sama-samang pagpupunyagi araw-araw sa pagtuturo ng mga apostol, pakikipagkapwa, pagpuputol-putol ng tinapay, at pananalangin—may kagalakan at katapatan ng puso (Gawa 2:42, 46). Malugod naming kayong inaanyayahang dumalo sa aming mga pagtitipon at pagsamba. Bukas din kami na makipag-aralan ng Bibliya sa inyo tungkol sa “pananampalatayang minsang ibinigay sa mga banal” (Judas 1:3), at kung paano tayo dapat tumugon dito—gaya ng ginawa ng mga Kristiyano noong unang siglo. PAALALA: Ang pahinang ito ay hindi ginawa para manira o makasakit ng damdamin ng sinuman, o ng anumang grupo o relihiyon. Hindi layunin ng aming aral ang manira ng paniniwala ng iba, kundi upang malinaw na ihayag ang aming pananampalataya batay sa Salita ng Diyos. Nais naming ipahayag ang katotohanan ayon sa Kasulatan—na may pagmamahal, paggalang, at hangaring makapagpalakas ng loob.