El shaddai NSDAP Chapter

El shaddai NSDAP Chapter Born to praise and trust the Lord

Friday gawain NSDAP CHAPTERPilapila Binangonan Rizal
09/09/2022

Friday gawain NSDAP CHAPTER
Pilapila Binangonan Rizal

09/08/2022

Ok lang po ba makinig/tumugtog o kumanta ang Christian o ang member ng worship team ng "SECULAR SONGS O WORDLY MUSIC?"

Ang tanong pong ito ay sobrang divided ang mga Christians sa sagot. Ang sagot po namin ay hindi namin sinasabi na tama po kami. Ito po ay aming pananaw lamang. Unang -una, ang musika po ay "universal language" at ito po regalo ng Dios sa lahat upang lalo pa nating ma-enjoy ang buhay. Subalit ang nakakalungkot ay dumating yung panahon na ang mga Kristiyano ay naging paranoid sa mga bagay sa mundo kaya nagkaroon ng division sa musika- ang secular at Christian songs. Maraming naniniwala na kapag ikaw ay nakinig o tumugtog ng Secular Music ay ma-dedefile ka. Ang ganitong kaisipan po ay nakabase sa Old Testament dahil ang mga Levites ay dapat consecrated lang sa Templo at lahat ng gamit nila ay "holy" para hindi ma-defile ang kanilang pagsamba. Ngunit pag dating po ni Hesus at sa kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ay naiba na ang panuntunan in terms of being "defiled". Si Hesus po ay humahawak sa mga may ketong at ang mga ito ay gumagaling. Sa bagong tipan po, we are not getting defiled by the things we touch or sing or listen. Your righteousness is a gift and hindi po natin ito nakuha sa pamamagitan ng ating mga gawa. Kaya po hindi po kami naniniwala na magiging makasalanan ka o madumi ka kapag nakinig o tumugtog ka ng secular music. Mismong si San Pablo po ay nag-quote ng secular poet while preaching to the Athenians. sa Acts 17:28 sabi nya ‘For in him we live and move and have our being.’" As some of your own poets have said, ‘We are his offspring. Malinaw po na hindi mananampalataya yung poet ng Athenians pero ginamit ni Paul yung quote nya. Nagkasala ba si paul dito? Hindi! Sa isa ring salita ni paul sa 1 Cor. 6:12 "Everything is permissible for me"--but not everything is beneficial. "Everything is permissible for me"--but I will not be mastered by anything. Kung ilalagay po natin yung context ng "music" sinasabi ni Paul na ok lang makinig o tumugtog ng kahit anong music pero hindi lahat beneficial. Ibig sabihin, may mga kanta o music na talaga namang hindi malinis ang lyrics o yung mga awit na malaswa at nagiinduce ng violence at galit. Ang mga ito ay hindi "beneficial." Hindi po sinabi ni Paul na "kasalanan." Ibig sabihin, ikaw na ang magdecide na umiwas. Di na natin kailangang sabihan pa. Para sa amin po ang Music ay music. Either "spiritual" music o yung may temang espiritwal gaya ng worship songs. Yung iba naman ay simpleng love song, song of joy, awit ng bigo na lahat tayo ay nakaka-identify at na-momove ang ating emotion. Marami pong "secular music" ang may temang Love, peace, acceptance, joy at inspiration. Ang gaganda ng mga awit na yan. Kaya po sa lahat po ng ating mga Ka MP, ang isang mas malalang kasalanan na higit pa sa pakikinig ng wordly music ay ang pagiging judgmental. Huwag po nating husgahan ang bawat isa dahil lamang sa taste sa music. Kung ikaw po ay talagang hindi nakikinig o kumakanta ng worldly music ay ating choice po iyon at sana po ay huwag nating i-impose sa kapatid natin at sabihing marumi o hindi tunay na kristiyano kung sila ay nakikinig o kumakanta ng "wordly music." Nais ng Dios na mag-enjoy tayo at kasama po dyan ang ating pakikinig at pag-awit sa musika. Ang pananaw pong ito ay amin lang at hindi namin ipinipilit kanino man po. Kung iba po ang inyong pananaw ay nirerespeto po namin ito ng b**g puso! Panatilihin natin ang respect sa ating mga comment po. Maraming salamat! Wagi ang Biyaya!!! - PTR A. CADELIÑA




"

Address

Pilapila
Binangonan
1940

Telephone

+639265556824

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when El shaddai NSDAP Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share