24/07/2026
Pagtatapos ng Dalaw Patron sa ating pamayanan, ang pagbabalik sa Parokya bilang paghahanda sa Vicariate Youth Day ng VSU ๐๐๐
Sa ngalan ng ating Parokya at ng aming pamayanan Sunshine, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa pagdalaw ng ating Mahal na Patron sa aming komunidad.
Tayo ay inaanyayahang patatagin ang ating pananampalataya at magtiwala sa plano ng Panginoon, lalo na sa mga panahong tayo ay nakakaranas ng pagsubok. Si San Francisco ng Assisi ay naging saksi kung paano tayo pinagpapala at inaalagaan ng Diyos. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay upang tayo ay maging bukas-palad, mapagpakumbaba, at nagmamahalan sa ating komunidad.
Mahal naming Patron, maraming salamat sa iyong pagbisita at pagdadala ng biyaya sa aming pamayanan. Baon namin ang iyong gabay at pagmamahal habang kami ay nagpapatuloy sa aming pang araw-araw na pamumuhay. Paalam po muna, at nawa'y magkita-kita po tayong muli.